Neontech
"Kuya Jo, out na sa PC number 07 at 08" sabi ko kay Kuya Jo sabay abot ng bayad namin ni Mac.
Ilang araw matapos namin makasama makalaro si Ray ay bumalik na rin si Kuya Jo sa shop,
dinala pala sa animal clinic ang mahal na mahal niyang Husky na aso na si Bobby kaya di siya nakapasok, pero ngayon, ay okay naman na daw ang alaga niya.Mahilig sa aso si kuya Jo at minsan dinadala niya to sa University Field para ilakad tuwing umaga o hapon.
Sa katunayan, lahat kaming mag to tropa lalo na si Mac ay attached na kay Bobby dahil minsan, kami ang nagbabantay sa kanya pag dinadala siya ni kuya sa shop."Kuya Jo, di na ba babalik si Ray dito?" tanong ni Mac.
"dalawang araw palang nawawala hinahanap niyo na agad haha, baka busy sa shop niya, dumaan ako kanina sa bahay nila eh, mukang naglilinis" sagot ni kuya Jo.
"ah hahaha, natanong lang namin gawa gusto na daw makalaro uli ni Clyde" paliwanag ni Mac.
"gago pre wala ako sinasabi, una na kami kuya, salamat! " paalam ko kay Kuya Jo habang tinatawanan niya kami.
"sige, sige ingat kayong dalawa! "
Sana all charming pag tumatawa.
Kaming dalawa lang ni Mac ang nasa apartment, di parin bumabalik si Ranz, at si Danwell naman ay nasa court, maglalaro daw sila ng dati niyang team ng volleyball.
Dahil wala nanaman kaming magawa ngayong araw, niyakag ko na lang si Mac na samahan ako bumili ng mga bagong halaman sa bayan. Galing no?
Walang magawa kaya gastos na lang.
Muntik pa kami mag-away kanina ni Mac sa susuotin namin, gusto kasi namin parehas mag patterned na polo, eh masyado naman kaming pagtitinginan kung parehas kaming magsusuot ng ganon tapos tucked in pa. Mahilig kasi kami pumorma ng medyo di naaayon sa trend sa bansa, we like to discover different things, nagpapahenna kami pag merong tattoo stall sa university events, nakapagpakulay na rin kami ng buhok, may piercing sa tenga, at madalas gusto namin mag try ng mga drinks o pagkain na kakaiba o dipa namin na tatry, bihira kaming umorder ng na order na namin, pero di namin sinasabi na sobrang kakaiba namin, di namin ki ne claim na parang ibang iba kami, masaya lang kami everytime we discover something unusual na magugustuhan pala namin, going back, sa huli nag stripe na t-shirt na lang ako para makaalis na kami."Buti nagdala tayo payong pre, medyo makulimlim eh" sabi ko kay Mac habang nagaabang kami ng jeep na masasakyan.
"haha onga eh pero sana di umulan, palagay pala muna pre malaki naman bag mo eh" sagot ni Mac sabay abot ng payong niya.
"pahirap amputa, akin na haha"
"arte mo, tara na, ayan na yung jeep" sagot ni Mac habang pasakay kami sa jeep papuntang bayan.
--
Coffee ShopPagkatapos namin bumili ng mga bago kong halaman, ay dumaan muna kami ni Mac sa bagong coffee shop dito lang din sa bayan, we haven't eaten anything dahil inuna namin mag dota haha. Kaya eto, naisipan namin magpahinga muna at kumain.
"Saan mo naman ilalagay yang mga binili mo? Napakadami mo nanamang binili. " tanong ni Mac na para bang umay na umay na sa mga halaman ko sa apartment.
"bahala na, basta mahalaga ikaw magbibitbit nitong isa mamaya haha"
"tanginang yan, niyakag mo lang ata ako para pagbuhatin eh" reklamo niya habang namumualaw sa bibig yung pasta na kinakain niya.
"dali naaaa, ang tamad mo kamo pre!" biro ko kay Mac na masama na ang tingin sakin.
"waw puta, oo na! sanay na ko magdala ng mga halaman mo hudas ka! " sabay higop ng marami sa peach fruit tea na binili niya.
BINABASA MO ANG
Love is a Metaphor (boyxboy)
RomanceMinsan maayos, madalas magulo, minsan tumatakas, madalas hinaharap. Minsan dumadating, madalas hinahanap. Sundan natin ang sakto lang na buhay ni Clyde na mahilig sa C2 na green, kasama ang magugulo niyang tropa. (iibahin ko tong description na to j...