Chapter Five - Willow

32 2 0
                                    

After that night, nag meditate ulit ako, hindi ako dapat maging ganon ka komportable sa nangyayari. Kasi mahirap na, baka ako lang nag-iisip na may something more sa gabing 'yon, mahirap pag ikaw lang, mahirap pag 'di mo alam. It's a fucking trap na ikaw lang din ang nag set up.

Nag open up lang naman si Ray, naging vulnerable for some time, and some people do that too.

I should get back to my fucking senses, masyado akong nag i interpret ng mga bagay na wala naman ibang kahulugan.

-

Kanto, Street Food.

"ito na lang dinner natin? Di na ba ako mag sa saing? " tanong ni Dan habang tumutuhog ng kikiam.

"Oo eto na lang, bili na lang tayo zagu para mas mabigat sa tiyan haha" sagot ni Mac.

"eh pre kung yung seventy mo eh pinang kwek-kwek mo lahat, edi mas mabigat sa tiyan." pag papaliwanag ni Dan kay Mac habang ginagawang sabaw yung sauce ni kuya na nakasimangot na sa kanya.

"dali na pre, libre ka namin ni Clyde, hati kami hahaha"

"Luh hooo nandamay pa hooo, pero sige haha gusto hooo ko din eh" sabi ko habang nagsisisi dahil sinubo ko agad yung mainit na squid ball.

"bagal niyo kumain pre, tara na Zagu"
yakag ni Dan.

"inangto" sagot ni Mac.
-
Zagu Stall

"Dan musta pala? Tapos na kayo sa lahat ng gawain? " tanong ni Mac.

"oo pre sa wakas, pero na raket parin ako alam niyo naman kailangan ko yun eh" sagot ni Dan.

"oo naman pre, naiintindihan naman namin, basta magsabi ka lang pag kailangam mo support, gawa tayo paraan" dagdag ni Mac.

"onga haha, magsabi ka kaagad, hindi yung sa iba ka pa nagsasabi, mga gemini talaga, hmph" singit ko sa usapan.

"haha gago boi dinadaan mo nanaman ako sa astral projection mo! " biro ni Dan.

"gagu anong astral projection?! Projectile of the stars tawag don! " biro ko din.

"tangina niyo! HAHAHAHA" mura ni Mac samin.

"Pero seryoso pre, wag ka mahiya, tagal na natin magkakasama, naghahanap ka pa minsan ng ibang lalapitan" sambit ni Mac

"haha sensya na mga boi, ewan ko rin ba sakin minsan, pero salamat" sagot ni Dan sabay nguya ng sago.

-
Pagkabili ng Zagu. Pathway.

"diretso uwi na ba?" tanong ko sa dalawa.

"wala na naman tayong gagawin pre eh, pag busog, tulog haha" sabi ni Dan

"gagu hahaha, pwede din naman nga na uwian na, orrrr..." sagot ni Mac, sabay senyas ng pagtatype ng keyboard at umiikot na mouse.

"hahaha puta, tara oh 3 games haha! Sakto tatlo tayo pwede mag rank" sabi ko sa dalawa.

"oks lang sakin haha may pang laro pa ko. Sayang, wala yung dalawa" dagdag ni Dan.

Di pumunta ng apartment si Ben ngayong araw, habang si Ranz naman ay umuwi muna sa kanila, wala daw kasi kasama Mama niya ng ilang araw sa bahay nila.

-

Neon-tech.

"ops, mga pre bawal drinks sa loob"
babala ni Ray pagka bukas namin ng pinto.

"sabi ko sa inyo ubusin niyo na agad eh" sabi ko kila Mac at Dan. Naubos ko na kasi yung sakin dahil small size lang binili ko.

"pero dahil tropa, sige pasok niyo na haha" dagdag ni Ray habang binibigyan sila Dan ng tissue pang sapin sa iniinom nila.

Love is a Metaphor (boyxboy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon