Chapter 17. Edi wow!

38 2 2
                                    

Chapter 17 Edi wow!

[Nikka's POV]

"AAKYAT KA?!"

"Hindi. Bababa ako."

Ano daw? Bababa siya? Eh ni hindi pa nga siya nakakaakyat eh! Edi wow. Ang labo niya po promise.

"Bakit ka ba nakikialam? Alis na nga! Shuuu! Wag mo kong isusumbong ha?! Kundi naku lagot ka sakin!"

At eto naman po ako na tinatakot siya kahit ang totoo mas takot naman talaga ako sa kanya. Death threat pang nalalaman sa buhay. Bakit tingin niyo ba kaya kong pahirapan sariling love of my life ko?! Hoy hindi noh! Asa pa. Sinilip ko yung taas ng tatalunin ko mula rito sa taas nang pader hanggang sa bababaan ko. WTH! Medyo nalula ako at nahilo, nanlaki tuloy bigla yung mata ko! Hala kahit pala sabihi mong mababa lang to kapag nasa baba ka, tuwing nandoon ka na sa taas eh nakakalula parin. Kaya ko naman siguro to ano? Nakaakyat nga ako eh diba? So why not pagbaba diba? I sighed deeply. Juskupo mamamatay ata ako sa nerbyos. Ajujuju.

Hindi ko na napansin si rhyl. Masyadong occupied ang utak ko kay risse at kung paano makakababa. Hindi pa natutuluyan yung bruha, mauuna na ako. Wag naman ganun! T^T Okay ganito na lang. Pagkabilang ko nang tatlo, tatalon na ako. Para matapos na to at mapuntahan ko na si risse. Naman kasi risse kasi eh! Tokwa kang babae ka talaga! Naku ikaw, sasabunutan talaga kita pagpunta ko sa clinic! Huhuhu. Okay fine. Eto na! Push na! fighting!

"Isa.... Dalawa.... Tatl--"

"Anak nang! Nikka!"

"NAKNAMPUTASDFGHJKL NAMAN RHYL KRYSTIAN WU! ANO NA NAMAN BA HA?! Gusto mo bang ma'out of balance ako rito at mapilay ha?!"

"Eh bakit ka kasi tatalon?!"

"Anong gusto mong gawin ko, gumapang sa pader na to?! Baka tao ako at hindi butiki!"

Napasabunot lang siya sa buhok niya at napailing sa tinuran ko. Ang epal epal kasi nito. Weh! Kitang may emergency eh! Nagulat ako sa ginawa niya, bigla niyang hinubad yung sapatos niya at binato yun sa kabilang pader kasama narin bag niya.

"Anong ginagawa mo?"

Kinuha niya ang pretty patoti kong bag na noon ay nasa may tabi nang ugat nang malaking puno na kanina ay inakyatan ko at binato yun sa kabilang pader tulad ng ginawa niya sa gamit niya.

"Tanga ka ba? Tatalon ka sa kabilang pader nang iniiwan yung bag mo?"

Bigla akong natahimik at napaisip. Oo nga noh? Bakit hindi ko naisip yun kaagad?! Aminado ako, tanga rin ako paminsan.. pero paminsan lang. Huhuhu

"Nakalimutan ko lang naman eh!"

"Sinong niloko mo? Tanga ka kasi."

"Ang sama mo!"

"Ako pa masama? Tanga ka lang. Sandali wag kang aalis diyan hintayin mo ako."

Ano bang problema nito sa utak? Ang labo niya noh? Mas malinaw pa ihi niyo. Agad siyang nakaakyat at nakarating sa harap ko. May lahi ba tong unggoy? Ang bilis naman niya. Nagtataka ko siyang tinignan at binaling yung tingin dun sa puno na inakyatan niya. Totoo kaya yun? Parang hindi. Ang bilis niya.

"Bat ang bilis mong maka-akyat?! Unggoy ka ba?!"

"Kay gwapo ko namang unggoy?"

"Hala?"

"Kokontra ka?"

Umiling na lang ako. Oh edi siya na ang gwapo. Siyang siya na! Siya na talaga da best siya! Kaya nga pinagnanasaan ko abs niyang yummy eh. Rawr.

"Good." Pinagpag niya yung kamay niya sa pantalon niya at kumapit sa isang sanga ng puno saka lumapit sa akin. Gustuhin ko mang lumayo ng konti, para namang magpapakamatay ako kung ganun. Nasa taas po kaya ako nang pader. "Ganito kasi yun, pandak ka at matangkad ako. Ayos na?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 16, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Perfect Time (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon