Chapter Seven| arnika moments

86 12 5
                                    

 Chapter Seven| Arnika Moments.

[Erika's POV]

"ANOOOOOOOOO?! OH SAAN KA TUMUTULOY NGAYON?! SA KALSADA?! MINSAN TALAGA SHUSHUNGA-SHUNGA KA SABRINA! ALAM MO NAMANG WALA KA NANG MATITIRHAN DIBA??!!"

Halos mapunit na yung ngala-ngala namin sa pagsigaw sa kanya niyan. Kakakwento pa lang kasi sa amin ni Sabrina ang nangyari sa kanila ng Auntie niya. Naku namaaaan! Siguradong hinding hindi na siya makakabalik dun sa pamamahay ng tiyahin niya! Dahil panigurado isinusumpa na siya ng mga yung ngayon! May pagkaeng eng talaga tong bruhang to! Saan siya ngayon matutulog?!

"Relax oy! Parang kayo yung nawalan ng matitirhan sa mga reaksyon nyo ah? Tsaka hindi ako babalik sa bahay na iyon. Utang na loob daw sa kanila... Gusto nilang gawin ko? Bayad ko kidney ko?!"

Sabay sabay kaming napahawak sa ulo. Naku naman tong babaeng to! Sakit sa bangs! Woo!

"Wag kayong OA dyan. Pahawak hawak pa kayo sa ulo nyong nalalaman! May titirhan na ako. Kay Ninong Ralph. Okay? Dun ako sa bahay nila titira."

Ninong Ralph? Ang alam ko lang yun yung ninong nya na sobrang bait sa kaniya. Di ko na masyadong maalala kasi sobrang tagal na niya yun nakwento sa amin. Pero.. Mabuti naman may matitirhan siya!

"Oh eh bakit parang hindi yata kayang ipinta ni Da Vinci yang pagmumukha mo kung may matitirhan ka na?"

Biglang natanong ni Nikka. Oo nga! Babaeng to masyadong malihim eh! Kukurutin ko na to sa singit!

"Eh kasi si ninong! Yung Prince ko daw kasama ko sa bahay! Tapos ang sabi niya pa, ako na raw ang bahalang paibigin ang Prince ko. I mean.. Anong shit yun diba?! Malay ko bang mukhang tinapa yang prince na sinasabi niya! Worst, katabi ko lang ng room!"

 

Nanlaki mata ko sa sinabi niya! OMG! Nirereto siya?! Eh bakit nasa bahay ng ninong niya?

"Wait. Bakit nasa bahay ng ninong mo yung Prince na sinasabi niya? Baka naman anak niya yun diba?! Ibig sabihin... Anak mayaman ang PRINCE mo Sab! Tiba tiba tayo!"

Binatukan ko si risse. Mukhang pera tong siraulong to!

"Aray naman erika! Joke lang naman eh!"

"Manahimik ka diyan! Hindi ka nakakatulong sa totoo lang. Bigwasan kita eh."

Perfect Time (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon