Chapter 14| Getting to know each other?
"Oo. Last na kita."
Kumindat siya sakin sabay tumakbo sa counter habang tumatawa. Oh diba? Sabi ko na sa inyo abnormal yan eh. Napailing na lang ako sa kaniya, habang nasa pila siya, nagmemake faces siya at gumagawa ng mga aegyo's habang nakatingin sa akin at tumatawa. Napafacepalm ako sa kagaguhan niya. Nakakahiya siya! Andami kayang tao, tapos gumagawa siya ng kabastusan, marami pa namang kumakain oh! Konting respeto lang ken please =..= Umakto ako ng kunwaring babatuhin siya nang plastic bag na puro breads ang laman, tapos biglang nagbago yung emoticon ng mukha niya, from derp face naging puppy face na medyo teary eyes. Tamo oh, nagpacute pa, ang laswa tignan TT Maraming natatawa sa kaniya at nakukyutan tapos titingin sa akin yung mga tao. Oh please! Hindi ko kasama yan, tinataboy ko na yan, hindi yan yung lalaking mahal ko. Hindi ako ang yaya ng isang abnormal na yan. Napatakip na lang ako sa mukha sa ginagawa niya. Maya maya naramdaman kong may nangangalabit na sa akin, pero hindi ko parin tinatanggal yung pagkakatakip ng kamay ko sa mukha ko. Alam ko namang siya yan eh since nung nagtakip ako ng mukha, siya na yung umoorder. Malaking kahihiyan ang makasama siya sa isang public store. Promise. Hindi niyo gugustuhing makasama ang isang IAN KEN FLORES sa ganitong karaming tao.
"Hoy sabrina~"
Saka ko lang inangat ang ulo ko, napa "AAAHH!" ako sa itsura niya, nakaderp face kasi tapos mukha siyang asong ulul. Baliw talaga tong gagong to! Binatukan ko nga siya, tapos bigla siyang nagpout at hinimas yung part ng ulo niya na binatukan ko.
"Sadista mo. Psh. Ikaw na nga diyan pinapangiti eh. Oh, kumain ka na."
Kinuha niya yung isang cup tapos tinalikod niya yung upuan niya sa akin saka umupo doon. Bale nakatalikod siya sa table namin, habang hawak niya sa isang kamay niya yung cup ng ice cream.. malaki pa naman yun.. Marami nang tumitingin sa amin dahil ang gago niya ngayon, tumalikod daw ba? Parang bata oh! Nagtampo?
"Hoy. Para ka namang baby eh. Bati na tayo!"
"Baby mo naman ako eh."
Ano raw?
"Ang laki talaga ng problema ng utak mo ngayon ken. Humarap ka na nga!"
Ayaw niyang makinig sa akin at patuloy lang siyang kumakain ng Icecream. Lumapit ako sa kaniya para kalabitin siya pero wrong move ako kasi bigla siyang humarap sa akin at nagtama yung mga labi namin.
Asdfghjkl. Bigla akong napaayos ng upo habang nanlalaki yung singkit na mata.
"Ayyieeeee. Bagay sila!"
BINABASA MO ANG
Perfect Time (On-Going)
RomanceALL RIGHTS RESERVED| 2014-2015 This is a story of five brave girls whose strong enough to fight, forgive, and love. Story about forgiving and suffering, story about friendship, family and love. Love has consequences, love is anxious, love is sufferi...