Chapter Four

113 15 6
                                    

Namalayan ko na lang na nasa bandang fountain na kami at hinihintay ang unang couple na dadaan at uupo sa tabi ng fountain na yan. Labas na to ng mall at parang mini garden na to. Maganda tong lugar na to para sa mga couple. Maganda rin ditong pumunta pag kelangan mo ng fresh air. Tahimik kasi dito eh bubulabugin lang talaga namin ngayon. Ajujuju sorry na Mr. Secret Garden.

"ayan na! Ayan na! May parating! Waheeeee" - Shean

"Ay ang macho ng hita. Yummy" - Erika.

Binatukan ko nga yung gaga. Yummy daw?! Hambalusin ko to eh. Kung ano anong lumalabas sa bibig!

"Masakit yun sab ah!"

Aba magrereklamo pa?!

"Gusto mo isa pa?!"

"Eh ang yummy naman talaga ah?! Diba nikka?"

Tumingin kami kay nikka at ang bruha tinarayan kami!

"Ewan ko sa inyo. Manahimik na nga kayo! Ang ingay nyo kaya nga tayo nagtatago dito! Panira kayong dalawa."

Nagtatago kasi kami dito sa may halamanan eh. Hindi namin masyadong makita yung naglalakad. Yung nakikita lang namin paa. Kaya nga sabi ni erika yummy daw yung paa. Timang lang -___-"

"Guys shut up! May biktima na tayo. Yung may gwapong hita nakita kong may kasama. I really think couple sila. Kaya girl! GO NA!"

Tinulak nila ko kaya bigla akong napatayo. Magrereklamo pa lang ako pero hindi ko na nagawa. Natulala ako bigla ng makita ko kung sino yung may gwapong hita kuno na may kadate at hindi ko nagawang makapag'react. Bigla tuloy akong bumalik at napaupo.

SILA??!! Of all people??!! Asdfghjkl naman oh!! >___<

"Hoy bakit parang nakakita ka ng multo dyan?"

"Si ano.. Si.."

"Si ano?" - Shean

"Si ano eh.."

"Sino nga?" - Nikka.

Perfect Time (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon