chapter eight| Arnika Moments Continuation

68 8 16
                                    

Chapter 8| Arnika Moments Continuation.

"I-send mo na!"

"Ayoko! Di ko yan isesend! Natatakot ako eh. At tsaka, ampanget naman ng line na yan parang gagu lang!"

"Gagu ka din oy! I-send mo na kasi! Anong hinihintay mo?! Pagdating ni santa?!"

Ayaw ayaw! Ayaw talaga! Kinakabahan ako eh. I Love You? Yuck. Tanginang line yan! Yuck talaga! Idea lahat nang ito ni Risse eh. Pero yang I LOVE YOU na yan ay idea naman ni Sabrina. Sumangayon lang naman ako sa plano ni risse na aminin kay Arnz na gusto ko siya eh. Okay lang naman talaga yun diba? Kasi totoong gusto ko talaga siya since the world began and since god knows when! Nagiinarte lang naman ako dahil yung gusto nilang isend ko kay arnz eh "I LOVE YOU" Hindi ba parang binigla ko naman? I love you agad? Agad agad talaga?! Wala man lang paligoy ligoy o pagpapakipot churvachuchu na ganun? As in AGAD AGAD?! Nakakaloka yun ah! Straightforward ang datingan ko? Ganon?

Isa pa natatakot akong dedmahin niya yan. Baka isipin niyang pinagtitripan ko siya or whatever noh. Eh paano naman kasi. Pagbukas ko ng messages ko sa kanya bumungad sa akin yung mga kagagahan kong puro hi o hello at kung ano ano pang greetings at wala namang nakukuhang kahit na Tangina o Gago kang response! Ayun! Seenzoned ang lola niyo.

Pero ngayon? Mas pipiliin ko pa yung makabasa ng SEEN dahil hindi ko kayang makabasa ng kahit na anong reply mula sa kanya. Baka malaglag pa yung puso ko o worst bigla na lang akong atakihin at mangisay dito.

"Bilis na kasi! Send mo na! Letse pag talaga ako mainis ako na mismo pipindot ng ENTER dyan!" - Sab.

"Excited? May lakad? May date? Natatae lang?!"

Nagmake faces lang silang lima sa akin. Tapos si risse naman binato ako ng unan na nakuha niya sa gilid. Nasa kama ko kasi tong mga mongoloid na to eh. Nakikihiga. Ang kakapal! Tsk tsk. Tapos eto pa malupet, ang apat na bruha, nakikiwifi dito gamit mga cellphones nila. Oh diba? Hanep sa galing!

Pero dahil mabait naman sila kahit na katiting na sobrang as in katiting lang. Pansamantala nilang sinantabi ang pakikiwifi at tutok na tutok kami sa laptop ko para sa sefert nila sa lablayp ko.

Ano ba yan! Isesend ko ba talaga ito? Nakakahiya kasi T^T ayaw ko nun! Tanginang line kasi. Kagago. Isesend o hindi? Isesend ko hindi? Isesend o --

"SAABBRIINAAAAAA!!?? BAKIT MO INISEND?! O___O"

Parang ewan naman eh! Nakakaewan talaga tong si Sab! Kalahating abnormal at kalahating mongoloid! Tinignan ko siyang masama tapos nagshrug lang siya tapos tumingin sa akin ng painosente. Naman kasi naman talagang babaeng to eh! Ano na lang kayang sasabihin ni Arnz? Oh please! Sana lang bigla siyang mag'log out! Or or biglang mawala internet connection niya! O di naman kaya, hindi na lang niya pansinin yung malaflash na pagamin ko sa aking pururut na pagtingin sa kanya! Bigla kong naisubsub yung megendeng mukha ko sa keyboard ng laptop ko.

Perfect Time (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon