CHAPTER TEN| FINALLY MEETING HIS PRINCE

43 8 1
                                    

Chapter 10| Finally Meeting His Prince.

[Sab's POV]

Nanakit yung buong katawan ko dahil sa paglilinis namin. Grabe lang! Nakakapagod. Sobrang sakit ng braso at ng likod ko. Feeling ko mapipilayan pa ata ako. Kasalanan to ni ano eh.. Ni ano.. Sinukat ko kung sino ang pwedeng sisihin samin pero.. Oo na! Ako na may kasalanan! Ako na nagumpisa ng icing battle. And in the end, wala akong nasisi kundi ang sarili ko lang since, yeah right, kasalanan ko naman talaga. Awa ng diyos, nakauwi naman ako ng buo pero mahina nga lang, naglalakad ako sa subdivision na parang susubsob na yung katawan ko sa sahig. Hinang hina kasi yung tuhod ko dahil sa kakaluhod para linisin yung nagkalat na harina at mga icing na natapon sa sahig sa room kanina. Pero buti na lang talaga hindi na kami nakatanggap pa ng detention. Ang balasubas kasi ng mga kaibigan kong mongoloid eh. Kahit papaano mataas din ang nakuha naming grade dahil sa ang cute cute cute ng ginawa naming cupcake. Yun nga lang, hindi namin nagawa yung dapat na task namin na chocolate cake atleast nagkaroon naman ng panibagong idea si sir jackson sa coming food festival dahil doon nga sa mickey mouse cupcake.

Pag-uwi ko, sinabi ni aling cheni na may business flight daw si ninong at mawawala siya ng isang linggo. Grabe lang, ako napapagod para kay ninong ralph. Ang hirap ng ginagawa niya noh. Araw araw na siyang busy pero hindi siya nawawalan ng time para kamustahin ako sa bahay at yung anak niya na prince ko kuno. I really adore my ninong. Eh teka, speaking of that price frog na mabulutong, wala pa siya dito sa bahay. Hindi ko talaga siya napapansin dito sa bahay na ito. Wala pa ata siya, saan kaya siya nag-aaral? Ano kayang totoong pangalan niya? Hindi ko kasi makausap ng matino si ninong ralph eh. Hanggang ngayon tuloy, hindi ko parin kilala yang prince na yan. Baka naman PRINCE kasi ang totoong pangalan niya? Siguro nga ganun kasi hindi ko marinig si ninong na nagbanggit na ibang pangalan niya. Pero nakakainis lang, nasa iisang bahay kami pero hindi namin kilala ang isat-isa. Parang invisible kami sa isa't-isa ganun, strangers. Naks. Sabagay wala rin naman akong pakialam dun kung sino man siya. Hindi naman siya si Ian Ken Flores para pagaksayahan ng panahon. Okeeehh. Im really into him.

Umakyat lang ako saglit sa taas para magbihis ng pambahay at bumaba rin kaagad para dumeretso sa kusina. Kumuha ako ng mga pwedeng kutkutin habang nanonood. Balak ko kasing mag'movie marathon eh. Well, hindi naman talaga movie marathon na walang tulugan. Mga 11 ng gabi siguro matutulog na din ako. Nakakuha ako ng mga bulateng candy na nasa garapon tapos dumeretso na ako sa sala at binuksan yung malaking flatscreen na TV, sa baba nito may mga CD's na pwede akong pagpilian. Naupo ako sa sahig malapit doon at namili ng pwedeng mapanood. Hmm.. Charlie's Angel? Ilang beses ko na ba itong napanood? Wag na yan. Karate Kid? Eh nakakasawa na yan. Paulit ulit na naming pinanood yan nila nikka, to the point na ginagaya na namin yung batang bida diyan at si Jackie Chan. Barbie?! Hala? Bakit may barbie dito eh wala namang batang babae dito? Bukod sa mga maids at butler, si ninong ralph lang at ang anak niya na si prince ang nakatira dito. Wait. Wag mong sabihin na yung prince ko princess pala? OMG! Napailing na lang ako. Tsk tsk. Kasama pala sa federasyon ang bruhang iyon. Iniscroll ko ulit yung lagayan ng CD at nakita ko yung Mischievous Kiss. Yes! Atlast. Nakakita rin ako ng pwedeng mapanood, actually, napanood ko na ito pero isang beses lang, maganda yung story kaya gusto ko ulit mapanood. Eh teka nga, kasama siguro talaga sa federasyon yung prince na yun, kasi may lalaki bang manonood ng MISCHIEVOUS KISS AT BARBIE?! Grabe lang hindi ko talaga kinaya yung mga natutuklasan ko ngayon, may lalala pa ba dito?

Sinalang ko yung CD at nung ayos na, kinuha ko yung remote sa tabi ng TV at bumalik sa sofa para maupo. Pinlay ko na yung movie. Kinuha ko sa tabi ko yung bulateng candy at kumain habang nakatutok ang mata ko sa pinapanood ko. Kawawa naman itong si kasey, hindi pinansin ang kaniyang love letter ni niccolo. Tsk tsk. Dapat kasi hindi ka na umamin day! Alam naman nating hindi ka papansinin ng ugok na yan. Wag kang mag-alala, erika feels you. Sinabihan niya ng 'I love you' at instead 'Fuck you' ang isinagot sa kaniya. Ooooppss. Ayos na nga pala sila ni Arnz at nag'iimprove na ang lovelife nung bruha na yun. Masaya ako para sa kaniya kasi atlast, nakukuha niya na ang dream guy niya, samantalang kami nang apat, ayun, nastock na lang at ayaw nang makaalis sa pagiging stalker lang. Ay mali! Secret admirer pala kasi maganda kami. Hahaha

Perfect Time (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon