CHAPTER NINE| Barkada Baking

53 9 3
                                    

Chapter 9| Barkada Baking!

[Sab's PoV]

Kumukuha kami dito sa kitchen room ng ilang mga gamit para dalhin sa baking room. Medyo kinulang kasi ng utensils since limang groups din yung gagamit. May baking lessons kasi kami ngayon sa Home Ed at si Nikka yung nautusan na kumuha ng mga karagdagang gagamitin. Tinulungan namin siya dahil alam naming hindi niya ito kayang dalhin lahat. Kumuha ako ng limang tray. Samantalang iba ibang utensils naman ang dinala nila.

Agad naman naming nadala yung mga gamit papunta sa room. Mabuti na lang at mukhang kararating lang din ni Sir Jackson na may inaayos na kung ano sa laptop nito. Yun ata ang slideshow para sa recipe na ibabake namin ngayon eh. Ano kayang ibebake namin ngayon? Nakakaexcite lang! Hihihi.

You see, baking is one of my hobby together with my family. Mahilig sa baking si Mama and si Ate Vy at medyo nahawa na lang din ako sa kanila kaya naging official bonding na namin ang pagbebake. Nung nawala si mama at papa, parang ayoko na ulit magbake. Nawalan ako ng gana sa lahat ng bagay. Pero nakilala ko yang mga mongoloid kong kaibigan.. kaya ayun.. tinulungan nila akong makausad sa nakaraan ko. Naalala ko pa nga eh, binatukan pa ako nun ni Nikka dahil mukha daw akong tanga. Sabi niya pa sa akin noon "Gagu! Wag mo kong dramahan dyan! Anong feeling mo nasa telenovela, koreanovela, japanovela, at ano ano pang vela ka?! Wala ka sa fiction oy! Di lang ikaw may problema! Tigil mo nga yan. Mukha kang uhuging mongoloid!" Ang bata bata pa namin, ganyan na ugali niya. Natural na siya kumbaga. Haha. Pero kahit ganyan sila, sobrang thankful ako na binigyan ako ni God ng mga kaibigan na handang dumamay sa akin sa kahit na ano mang oras. Kahit na puro kalokohan lang ang alam nila, still they always know how to make me smile. Alam nila kung kelan ko sila kailangan. They are one of the special people who i treasured the most.

"So today, we will bake.."

Binuksan ni sir jackson yung slideshow at mula doon tumambad sa amin ang nakakagutom na picture ng CHOCOLATE CAKE. Takte. Bigla ata akong nagutom. Huhuhu. Lumingon ako kina nikka at nakita kong nakanganga silang lahat. Pare parehas kami ng nararamdaman. Tsk tsk.

"Mga laway niyo tutulo na."

Napalunok sila tapos pinunasan yung imaginary laway nila. Kumuha ako ng notes para isulat yung mga instructions na ibibigay sa power point slideshow ni Sir Jackson. Sila nikka at risse naman ay inihanda na ang utensils na gagamitin namin. Pinrepair naman nila shien at erika yung ingredients. Nabigay na sa amin ni Sir Jackson yung task na kelangan naming gawin ngayon. Bale, meron lang kaming thirty minutes para tapusin yung cake. Okay lang. Kumpleto naman ata kami sa ingredients eh. Sa tingin ko wala pang 30 minutes ay matatapos na namin ito agad. Nagumpisa na kaming paghaluin ang mga ingredients. Naasign sa akin ang paggawa ng frosting. Unfortunately, kelangan ko tong imix ng mano mano dahil sira yung mixer dito sa school. Asar naman, sana man lang pinaalam nila sa aking sira yung mixer dito para naman nagbring my own mixer ang drama ko. Ramdam kong nangangawit na yung kamay ko kaya tumigil ako saglit. Okay, konting kembot na lang. Nagtatransform na ang white egg to icing. Nilagyan ko ito ng white sugar at nagumpisa uling maghalo gamit naman ang left hand ko dahil sobrang nangangawit pa yung kabila. Pinunasan ko saglit yung pawis ko. Grabe, nakakapagod. Ang hirap ng walang mixer eh. Sinilip ko kung ayos na yung ginagawa nila risse. Nagtutulungan sila sa pagmimix ng cake. Marami kasing process yun eh. Dapat din sakto ang measurement ng mga ingredients para maging maayos yung result ng cake. Bumalik ako sa pagmimix nang biglang magsalita si Nikka.

Perfect Time (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon