Campus Hottie | 04 What is it in me?

831 21 16
                                    

CAMPUS HOTTIE 4

Dedicated to @Azazel_14

Nagpalinga linga ako sa parking lot.Hinahanap ang kotse ni Nimrod.

Nakita ko siyang May kausap na mga aggresibong babae.Nag uusap ba talaga sila o nagtutukaan?? Playboy!

Pero ngayon ko lang siya natitigan ng maayos.Halos magka pareho sila ng mukha ni Hunter.Kaso mas authoritative lang ang aura ng isang Nimrod Gibson. Approachable kasi ang mukha ni Hunter.

Tumikhim ako para ipaalam ang presensiya ko.
halos matumba ang babae nang bigla niya itong naitulak.

"ops.I need to go now.Maybe nextime." Kumindat pa siya rito.Anong ginagawa niya?May pakindat kindat pa siyang nalalaman.

Ngumiti ng matamis ang mga babae.

"Books mo." Inabot ko sakanya.Pero hindi niya Kinuha.At ginusto ko nalang na ihamps sakanya iyon.Mag aaral pa ako eh.

"Get in." Sabay bukas ng car door sa front seat.

"ha?"Natanga kong sabi.

Tinulak niya ako sa luob at pinaupo.Ipinasok din niya ang paa kong nakalabas padin.Hindi ko kasi enexpect ang ginawa niya.Spell G-U-L-A-T.

"Ah.. actually may susundo saakin.Si kuya jobert."Sabi ko.
Nagulat ako ng kinuha niya ang libro sa hita ko at nilagay sa likod.Sabay kabit ng seatbelt ko.

Naamoy ko ang pabango niya.
Ay? pula pala lips niya.Naiisip ko tuloy baka kung si Hunter nga to hinimatay na ako.

"Briang.Magkapit-bahay lang tayo.I'll drop you there."At binuhay na ang makina.Tahimik lang kami.kaya Nakilam na ako sa dashborad.Tumingin muna ako sa kanya baka magalit siya.But he seems not to care.Drive lang siya.Nagpatugtog ako.

Napangiti ako.

"MYMP? "Nakangiti kong tanong.Favorite ko to!Sumulyap siya saakin at gumuhit ang ngiti sa labi niya.

Medyo umaambon ng mga oras na yon, Kaya sadyang nakakaantok.Ni walang nag sasalita saamin.Tanging tugtugin sa dahboard ang maririnig.

Napatingin ako sa nadaanan naming 7/11 .May mukha ni Hunter duon.Napangiti ako.Mukhang masarap yong ine.endorse niyang cup noodles sa picture.

"are you hungry?"tanong ni Nimrod. Hindi ako sumagot.

Oo.Gutom nga ako.Pero ayoko naman sabhin .

Bigla siyang Pumarada sa gilid ng convenience store.Bumaba siya.Pinagbuksan niya ako ng pinto.

"ha?"Takang tanong ko.

"Let's eat." Sabi niya.Akala ko pina pababa niya na ako.Nakakahiya!

Pumasok kaming 7/11 at bumungad saamin ang nakangiting staff.

"hi ma'am Hi sir--.omg!!Nimrod Gibson!!" Tili nito ng mapansin si Nimrod ang pumasok.Pero teka? Bakit kilala siya?Napataas tuloy ang kilay ko ng wala sa oras.

"ano pong order niyo?"Magiliw na tanong nito sa kasama ko na walang bakas ng emosyon.

Walang sumagot saamin.Nagtungo na ako para hanapin ang cup noodles na ene.endorse ni Hunter.
Ay shoot! Bakit Iisa nalang to.?

"Uh.miss iisa nalang po ba yong cup noodles niyong ganito?"Tanong ko sa staff sabay taas ng hawak kong cup noodles.

"Ay nako ma'am sold out po lagi yan,"sagot niya at bumaling kay Nimrod " Pano kasi sir simula ng enendorse yan ng boyfriend ko mas lalong bumenta at talagang pumatok sa mga kabataan."Para akong nabilaukan sa sarili kong laway ng marinig ko yon.Kaya tumalikod nalang kaagad ako para di mapansin ang aking pag kaubo.

Hunter ano ba yan! ang dami-dami kong kaagaw sayo ..Nakita kong kumuha narin si Nimrod ng ibang brand ng cup noodles, saka 2 bottled water bago nag tungo sa counter.

Nag abot ako ng bayad. Pero bigla niyang tinabig ang kamay ko at inabot ang card niya.

"May pambayad naman ako."Nahihiya kong sagot.Hindi ako sanay na may nanlilibre saaking lalaki.Never pa naman kasi akong nakapag solo at may kasamang ibang lalaki bukod kay kuya.Ganito pala ang feeling-- awkward.

"And what made you think na papayag akong ikaw ang magbayad?ha ,briang?"kruuu--kruuuu---nganga ako.Kaya hinayaan ko siyang mag bayad.Yong sales lady nagtatakang nakatingin lang saamin na naguguluhan.

BRIANG .. tss ..bakit ko ba hinahayaang tawagin ako sa ganon?Samantalang naiinis ako pag tinatawag ako dati ni kuya ng ganun.

"Okaay."Ang tangi kong naisagot.Napakagat ako sa labi ko dahil sa kahihiyan.

Mabilis lang namin inubos ang Cup noodles at umalis din agad.

Napadaan kami sa billboard ni Hunter.Napangiti ako.

"ha?may meet and greet siya sa fans?"

"yeah.on Sunday"Napalakas pala ang pagkasabi ko.

"are you going with him?"Curious kong tanong.
"why?you wanna come?" Him and his silly smile.Ang cute lang.Mas lumapad ang ngiti ko.

"Can i?" Deretso kong tanong. Sana hindi ako tunog desperada.

"I'm busy ."Sagot niya na nagpa lungkot saakin.

"saan ka busy?"Tanong ko.Gusto ko sanang takpan ang bibig ko dahil sa wala akong karapatang kwestyonin ang oras niya.Pero akala ko hindi niya na ako sasagutin. Sumulyap siya saakin sabay sabing

"fixing with my schedule. I'm going to shift course."

"Ha?bakit?...ah...i mean kahit wag mo na sagutin.." nahihiya kong sabi.Baka isipin niya may pag ka chismosa ako.Pero ayoko naman na pumunta mag isa duon ng wala si gf!This week kasi may lakad siya with her mom.

Nakaisip ako ng idea.Kaya tumingin ako sakanya.

"What's with your stare? i know i'm handsome." Naka ngisi niyang sabi.
Bigla akong namula.Nakatitig na pala ako sakanya.

"Tulungan kita sa schedule mo..basta ba sasamahan mo ko sa meet and greet niya sa sunday."Offer ko sakanya.Napa preno siya bigla.Kaya napasubsob ako.

"Okay lang kong ayaw mo.."Biglang sabi ko.pero kasi pagdating kay Hunter desperada na ako.

" What is it in me?" Tanong niya ,Napaawang ang bibig ko.Hindi ko din alam ang isasagot.

"What will I get if i'll say yes?"taas kilay niyang tanong.still waiting for the answer."Answer me briang what is it in me?" Atat lang na tanong niya.Lumapit siya saakin kaya napaatras ako bahagya.Pero wala na akong maatrasan dahil nasagad na ang likod ko sa front door sa gilid ko.Ano ba tong si Nimrod may pag ka misteryoso! Ni hindi ko mabasa ang tumatakbo sa isip niya.

"ha?.."ano nga ba ang makukuha niya kapag pumayag siya?"I can fix your schedule ..in return.. and I can be your P.A? "hindi ko siguradong sagot. Wala naman akong ibang maisip pero as of the moment ,Its my advantage dahil kakambal niya si Hunetr, so pag napalapit ako kay Nimrod mas mag kakaroon ng chance na mapansin ako ni Hunter.

"Hmm..We're set then."

Nakita ko siyang ngumisi..Napakagat ako sa labi.Tama kaya yong nasabi ko?Ano na naman kaya ang tumatakbo sa utak niya?





Campus HOTTIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon