Nagkasundo kami ni Nimrod sa ganong set-up. Ako ang mag aayos ng schedule niya.Dahil kilala akong president sa klase Nag paalam ako sa minor subject namin na kong pwedeng lumabas at may inaasikaso lang ako , dahil mabait ang prof namin ay pinayagan ako.
"Goodmorning po.Andyan po ba ang Dean Reyes?" Tanong ko sa Registrar.Nag paalam naman ito para i checheck lang ang dean sa office nito .2 minutes bago ito lumabas..
"Ah.. actually may ka meeting siya ngayon.Balik ka nalang after 30 minutes.."
"ah sige thankyou po."Matagal pa yon ..Nagpunta akong canteen para bumili ng tubig.Nakita ko sila Hunter.Shoot!! Hindi ko alam kong tutuloy ako or what. Kasama siya kasi si Nimrod malamang aasarin lang ako ng huli.
Nag ririgodon na naman ang puso ko.Tila may mga dagang nag rarambulan .Bakit ba pag nasa tabi si crush para kang lutang at wala sa sarili.
"Ate pabili pong isang bottled water" Pakibilisan po ..gusto kong idagdag.Tumingin ako kay hunter pero pamumula lang ng mukha ang napapala ko.Kaya umiwas nalang ulit ako .
Oo Crush ko siya, pero siya yong tipong Hindi ko matagalan tignan.
Oo Crush ko siya, pero ayaw ko siya makita sa malapitan!
Oo Crush ko siya, at gustong gusto ko siyang makita araw-araw, pero shemay !!Wag siyang lalapit!
Mag pi.permision to die ako!!!
"malamig o hindi?"
Sana hindi ako napansin ni Nimrod..
"Miss ? Malamig o hindi?"Ulit ni ate
"po??" Out of frustration kong tanong..
"Yong water, malamig o hindi?"Natawa ako ng hilaw ..
"ah..oo.."sagot ko na hindi pinagisipan.
"Ha?anong oo ?"Tumawa si ate na nagtitinda.
"Ahmm.. kahit ano nalang " Sabi ko nang nahihiya.. napakagat ako sa labi ko .Ang tange ko ! nakakahiya! Nabibingi ako at ang tangi ko lang naririnig ay ang tambol ng puso ko..Lagi naman sa tuwing nasa tabi-tabi siya..
"pakibilisan po ah.." Pakiusap ko.
"Excuse me."Sabi ng boses sa likod ko .Parang nag slow motion ang mundo ko..
Pati pag lunok ko ..Pati yong hangin na nilalanghap ko..pati yong pag pikit ng mata ko..lahat !
"Miss..Isang bottled water please." Ugh!! yong killer smile na yon! nakaka panghina! Kakasabi ko lang!! wag siyang nasa malapit saakin!Ano ba tadhana..
"hi hunter! malamig ba ?"Tanong nito habang inaabot saakin ni ate ang maligamgam na tubig.Ininuman ko kaagad yon dahil pakiramdam ko ay nanuyot ang aking lalamunan.Hinihintay ko nalang ang aking sukli.
Ayan na naman hindi na naman ako nakakapag isip ng matino!
Napakamot siya sa batok niya.. Shet ! Bakit ang cute niya?
"ahm..wala po bang maligamgam?Hindi kasi ako pwede sa malamig"Magalang niyang sagot.Napatingin si ate saakin.
"Ah..last na kasi itong kay miss..malamig nalang ang natira."Naka ngiti paring sabi nito.
Halos himatayin ako ng tumingin siya saakin.!! o my gosssssh !!!!!!! HUNTER GIBSON JUST GLANCE AT ME!
"may I?..i won't mind" tukoy niya sa bote kong nakabukas at may bawas na .
Ang sexy ng bawat lagok niya sa tubig ko..
Literal akong nag jaw drop.
Ni hindi ako makareact.
Nabuhol ang dila ko..
Na comatose ang utak ko..
na apektuhan ang buong systema ko..
Nahihirapan akong huminga ..
Nakakabingi ang tunog ng puso ko..
"Your change" Sabi ng boses sa gilid ko.Yong slow motion ng paligid ko ay biglang nagunaw sa isang iglap lamang.Napa kunot ang nuo ko.Tinignan ko si Nimrod na blangko ang hitsura.Yong mukhang yamot na yamot.Ugh! panira ng moment! Inabot ko sakanya ang aking sukli ,nakataas pa ang isang kilay na nag susumigaw ng 'anong tinatanga tanga mo dyan?'
Umalis agad ako nang nanginginig. Whoaah !!!
Narinig kong may tumawag na "Miss" Pero dere-derecho lang ako.Naiwan ko kasi ang tubig doon.
Napasandal ako sa pader.Nanghina talaga ang mga tuhod ko.
Napatakip ako ng mukha at sekretong nagpigil ng tili .
aaaaaaahhhh!!Hunter Gibson!!!
Bumalik nalang ulit ako sa Deans office at mabuti naman at tapos na ang meeting. Nag pa evaluate ako ng grades ni Nimrod.
"why are you here on his Behalf?"Makahulugang tanong ni Mr. Dean
"po.ano po .." wala akong maisip na sagot..
"Are you the girlfriend?"Napangiwi ako .. Hindi nalang ako sumagot at tipid na ngumiti.
yah ..i'm the future girlfriend ..of his brother..
Ngumisi lang ito na parang tuwang tuwa sa naiisip..
"Be back tomorrow for the evaluation result." tumango ako at lumabas. Lutang parin ako.
Sabay kaming umuwi ni gf at habang pauwi ay kinuwento ko sakanya ang nangyari.Syempre fan siya ng HUNIANA.hihi
"Shemaay! Indirect kiss yon!!Gf!!!! nag iimprove na !"Ngiting malapad lang ang sagot ko.Dahil halos mahimatay na rin talaga ako sa kilig.."pambihira!hindi pa kayo magkakilala pero naka HALF BASE na siya?" psh..wala namang half base .gF TALAGA.
"Parang sasabog ang puso ko kanina ..kung nakita mo lang ang mukha ko"sumbong ko.
"kelan ba hindi ?"pang uuyam niya ng nakangisi.
"Pag wala siya sa tabi-tabi!"Depensa ko sabay hampas sakanya.
"Nga pala , kamusta na ang pina papirma mo ?"Tukoy niya sa kalokohang pinag kaka-abalahan ko.
"Ayon to be continued tomorrow.."Nakangiti kong sabi.
"Pag naging kayo ni Hunter dapat ako unang makaalam ha?"Pang aasar niya."OUCH!!"
Sigaw niya, dahil nahampas ko na naman siya sa sobrang tuwa
.Ini-imagine ko palang pano niya ako i holding hands..
"Ang lambot siguro ng kamay gf!!saka ang bango !"Napatawa ako sa kilig.
"feeling mo rin?"
"oo..pati yong.."tumingin siya sakin ng may malapad na ngiti sabay dugtong ng "lips .Parang kasing lambot ng marshmallows."Kaya ayon nahambalos ko na naman siya sa sobrang kilig.Kalokohan netong bestfriend ko!
"sarap siguro amuyin ng kilikili no gf?Pag nagkaroon ako ng chance na maging girlfriend niya lagi kong aamuyin kilikili niya" Nag iimagine kong sabi.
Yeah.Girls talk.
"lame!bakit kilikili?Leeg gf !para ma.arrouse!"
"Patolang gf ka talaga!"namumula na Ako sa kakatawa na may panaka nakang pag hambas sakanya..
"wala namang masamang pangarapin ang isang Hunter Gibson no.Saka you are the one who's choosing your path to your destiny.Paano naten malalaman kong sino si Destiny kong hindi mo sisilipin?" Alam kong walang kwenta yong sinsabi niya pero tumwa padin ako.
"Tss.ewan ko sayo gf. pero gusto ko rin masilip kong sino si Destiny . Atleast someday ,i won't regret of the things i must've done."sabay ngisi dito.
"Oo na susuportahan na kita sa pantasya mo kay HunterGibson.Pero maawa ka naman sa braso ko!" Sigaw niya na tinawanan ko lang.
😊😊😊
Hi there mga ka hottie! i'll posted the next chapter by next week.DON'T FORGET TO LIKE AND COMMENT!
BINABASA MO ANG
Campus HOTTIE
General FictionNimrod Gibson FAMOUS. HOT. ACTOR. And then one night nalaglag nalang ang panga mo ng in add ka niya sa FACEBOOK ? Paano magiging kompleto ang pantasya ni Briana Kung palaging may Nimrod Gibson na laging sisira sa mga Plano niya? Ang mismong k...