Campus Hottie | 03 I know your secret

941 28 17
                                    

Campus Hottie 3

"gf! halika dali !"Kakalapag ko lang ng gamit ko sa room.

"aray ko . Magdahan dahan ka naman .saan ba tayo pupunta?"sukat ba namang ako'y kaladkarin."bakit ba?"

"Tignan mo!si hunter papuntang canteen!tara kain din tayo!"Nanlaki ang mata ko ng makita siya.Pakiramdam ko ay bigla akong binuhusan ng malamig na tubig na parang kinuryente.

Yong puso ko !

Ikaw ba nakaramdam ka na ng ganito?Yong tuliro ka pag narinig mo pangalan ng crush mo?

Hindi mo alam gagawin mo kapag nasa malapit siya sayo?

A total block out ganon?

Inshort Para kang TANGA !

Kunwari'y umorder din kami , Gusto kong mag focus sa tray dahil baka manginig lang ako at matapon ko ang pagkain ko.

"San tayo gf? bilisan mo."utos ko dito nanlalambot ako sa isiping nasa tabitabi lang si Hunter Gibson.Hindi pa makaligtas saakin ang mga hagikhikan ng mga babaeng studyante at ilang nag Ha-hi kay hunter pag dadaan mga ito sa table nila.

"ay bastos!"napatili ako ng mahagip ng isang studyante ang tray ng aking pagkain kaya pati ang juice ko ay natapon.Oh oh!

"hala ! ate sorry po!"sabi ng isang studyante.

"Ah okay lang."Nginitian ko siya dahil hindi naman ako gaanong nabasa.

"Ang daming tangang studyante no?"Sabi ni gf ng makaupo kami sa lamesa sa pina kadulo.Habang si Hunter ay nasa kabilang dulo din. Wala ng makuhang pwesto sa lamesang malapit sakanya .

Spell ASA!

"no kaba gf! hindi naman masyadong nabasa.."

"hindi masyadong basa? pero basang basa lang?hindi ko tuloy malaman anong definition sayo ng salitang BASA!"Pinalo ko ang kamay niyang nakahawak sa uniform ng palda ko kung saan nabuhos ang juice.Napaka eskandalosa ng isang to.
"problema sayo masyado kang mabait! Nakakainis!"Dagdag pa niya, basang basa naman kasi ang palda ko.

"oo na kumain na tayo!" pagiiba ko . naririndi kasi ako pag ganyang nagsesermon siya tas kakain na kami.

"Next time kong gusto mong kumain ng tanaw si HUNTER GIBSON mo sa malapitan agahan natin dito.Ang bagal mo kasi! alam mo namang ang daming kalaban !"Natawa lang ako sa sinabi niya.Ah basta ok na ako na nakikita ko siya sa gilid ng mata ko .

"Nga pala kamusta si Kuya mo?"usisa niya.

"Busy siya ngayon eh,Nasa france padin siya para sa career niya.Next month uuwi na yon"

"ah..ano?nagpupunta pa din ba si hunter sa bahay niyo?" Napaubo ako sa tanong niya. 

"ssh!wag ka maingay .issue yan "Saway ko dito mamaya may makarinig.Tumawa lang siya na kinikilig.

"Hindi na daw sabi ni yaya kasi nga maraming projects.alam mo na para pag nag asawa kami maraming ipon" nagdi.day dreaming na sabi ko.Jusko !pakiramdam ko hindi na kami matatapos sa pagkain dahil sa tilian at hambalusan namin.

"Ang sarap siguro maging asawa ang isang hunter Gibson no.?Pagka gising mo kahit siya nalang ang almusal mo!"habang natatawa,Naiimagine ko kasi jusme patola talaga to si GF!

Namumula na ako sa kakaimagine.Imagine?iniimagine ko palang? Pano na pag in real life??

"para ka nang tanga gf.Hoy?mag hunos dili ka.!" Tapik niya saakin.Oo na ako na baliw! ako na tanga.Nakangiti kasi ako ng walang bukas.Napakagat nalang tuloy ako sa isiping yon.

Campus HOTTIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon