"nakakainis talaga, bakit ba sa dinami-dami ng mababanga ko e si mylene pa, napakapikunin pa, ts..
"oh! kuya anong nangyare sayo? Tanong sakin ni marjorie kapatid kong babae.
"eto nahampas nanaman ni mylene.. yung best friend mo!. Lumakad ako para kunin yung tuwalya na nakasampay sa cr.
"wow ha.. kuya! kelan pa? parang di ko alam, mag best friend na pala kami? =__=.
"paabot nga nung shampoo. Utos ko saka tinuro sa may cabinet.
"kuya nagsha-shampoo ka? Takang tanong nya.
"ay hindi tide powder ang gamit ko!. Pambabara ko.
"ganun ba kuya? kaya pala ambaho! siguro di mo nababanlawan yung ulo mo ng maayos! kuya kadiri ka. Tumalikod nako pagkaabot nya nung shampoo, bat ang slow ng kapatid ko? parang sarili ko tuloy yung binara ko, makaligo na nga.
Pagkatapos kong maligo ay nagluto ako ng ulam at maya-maya pa ay kumain na kami.
"oh, edward san ka pupunta bat ganyan ang porma? Tanong sakin ni mama.
"syempre ma manliligaw yan kay ronalyn!. Pagsabat naman ni marjorie.
"aba anak! sigurado ka ba? wala ka bang sakit? Tanong sakin ni mama.
"ts.. wala ma!. Bakit? ano bang mali dun? e gusto ko sya e, ang sexy kaya nya.
"sige ka kuya! ikaw din, sexy lang katawan gusto mo na.. e ang haba kaya ng baba nun.. tsaka yung angkan nun masasama yung ugali.
"hayaan mo na ang kuya mo! ipapatawas ko yan bukas at baka naengkanto bago pa mahuli ang lahat.
>_>. Ako.
<_<. Kapatid ko.
0_<. Si mama . "oh? bakit ganyan kayo makatingin?
"ahahahaha.. Tumawa nalang si marjorie dahil sa sinabi ni mama.
"ewan ko sayo ma, engkanto ka dyan. Tumayo na ako at pumunta sa kwarto at ayusin ang sarili ko.
...
Cahty's POV
"yun oh! si pugna tin oh! may dalang rose para sayo. Si opert habang pinapatalbog yung bola. Gabi na at puro mga nakatambay nalang kami mga tapos na kasing kumain at magligpit sa bahay.
"ha? Nilingon ko si pugna at nakita kong may dala nga syang rose na kulay red, favorite kong kulay yun e. Bigla nalang akong nakaramdam ng kakaiba kaya para akong nanigas sa kinatatayuan ko, mabuti nalang at madilim kaya walang makakapansin.
"hi pwede ba kitang ligawan? Sabay abot nya ng rose at ngiti ng malapad.
" ^•^ ha? e..
"ano? ok na ba yun? pwede na ba kung ganun ang sasabihin ko kay ronalyn? Biglang tanong nya sakin. Ayan tayo e, masyado ka kasing ambiayosa. Sabi sakin ng konsensya ko. Umayos ako ng tayo at saka sya nginitian.
"a, oo ok na yun maganda, sige na punta ka na. Pero teka wait? parang pati ako naglalakad.. waaa.. bat pati ako?
"tara samahan mo ako. Ano daw samahan ko sya? e pero bat ganto parang ayaw ko? pero diba dapat sinusoportahan ko sya dahil mag bestfriend kami? pero bat ganto bat parang ayoko.
"ah.. wag na kaya mo na yan.. di mo nako kailangan.
"ano ka ba, kailangan kita. Napatingin ako sa kamay ko na hawak nya habang hila-hila ako. "nandito na tayo!.
Pagkalapit namin sa tapat ng bahay nila ronalyn ay agad naming nakita si ronalyn na nakaupo sa pintuan..
"hi ronalyn. Bati nya dito. "bumati ka rin!. Bulong nya sakin.
"ayoko nga close ba kami? Binawi ko yung kamay kong hawak nya saka sya inirapan.
"hi edward. Sabay kagat ng labi at may kasama pang kindat ang pilingerang si ronalyn. Itinapat nya ang mga mata nya sa akin at palihim akong inirapan. "hi catherine". Kaplastikan talaga nito, pwe.
"hi! Bati ko rin sa kanya sabay ngiti ng peke.
"edward halika pasok ka. Lumapit sya kay edward saka hinawakan ang kamay ni edward at hinila papasok. Tinitigan ko lang ang kamay nilang dalawa habang magkahawak.
"pist! bat ang sama ng tingin mo sa kamay namin? Hindi ko napansin na ang sama na pala ng tingin ko sa kamay nila.
"ah! hindi kaya. Pagpapalusot ko.
"tara na pasok na tayo!. Pag aya nya sakin, nauna na sya at hindi manlang hinwakan yung kamay ko para pilitin ako. Ngunit bafo pa sila tuluyang makapasok ay nilingon ako ni ronalyn at itinuro nya yung kamay nilang magkahawak sakin gamit ang binig nya. Tinignan ko lang sya ng masama at nginitian nya ko ng peke. Itinuro ko naman ying baba ko na ang ibig sabihin ay "ang haba naman ng baba mo" Sabay ngiti ko rin sa kanya. Inirapan nya lang ako at inirapan din sya saka tumalikod at naglakad pauwi.
"hmm.. nakakainis ka talagang ronalyn ka, epal ka.. lahi mo engkanto.. ahhh.. Nakatambay lang ako sa tabi habang may hawak na dahon at pinupunit-punit. "akala mo maganda ka? oo sexy ka pero dika maganda pangit ka oo pangit ka ang haba pa ng baba mo.. ANG HABA PA NG BABA MO. Hindi pa ako nakuntwnro at isinigaw ko pa.
"o, sino kaaway? reabakan natin. Napatigil ako sa kakasigaw dahil biglang may nagsalita.
"wala, wala ka na dun!. Pagsusungit ko sa kanya.
"oo nga kase andito ako! Sabay ngiti pa sya.
"ewan ko sayo! bat andito ka? umuwi ka na.
"may ibabalita kasi ako sayo ^___^. Tinignan ko lang sya. "kami na!.
"edi wow.. ang saya magpainom ka!.
"oo magpapainom talaga ako noh!. Ts.. magsama kayo ng ronalyn mo leche.
"oh! san ka pupunta? Tanong nya sakin dahil tumalikod na sana ako at uuwi na.
"uuwi na! bakit?
"ha? ang aga pa ha!
"e sa gusto ko ng umuwi e. Napataas yung bosea ko kaya bigla syang nagulat.
"e? bat ka nasigaw? meron ka ba? Ay bat ang manhid mo dre?. Tinalikuran ko nalang sya ng tuluyan at manmbilis na nglakad.
BINABASA MO ANG
Sino nga ba sya
Teen FictionSya? sino nga ba sya? isa lang naman syang kaibigan na nakasama ko mula pagkabata hangang sa lumaki kami hanggang magbago ang nararamdaman ko hanggang mag-kagusto ako sa kanya hanggang sa minahal ko na sya. yan ang mga salitang gusto kong sabihin sa...