Nanatili lang kami nang mahigit isang minutong ganon ang posisyon kung hindi pa siguro dumating si opert ay wala samin ang gagalaw.
"uy! ang sweet naman..! Sabi ni opert minsan pala may pakinabang din to e hindi lang puro pambibwiset ang alam. "kaya pala ang langam na dito e.
"ulul.. Sagot sa kanya ni edward. Inalalayan nya ako na umupo saka tinanong. "ok ka lang?. Tumango nalang ako dahil hindi talaga ako makapagsalita. Nabigla yata ako dahil sa nang yari na baka masaktan ako sa pagbagsak o dahil sa mga pagtitig namin sa isat-isa.
"sige dito muna ako!. Pagpapaalam ko sa kanya. Tumingin naman sya sakin saka sumagot.
"a.. si-sige... uuwi nalang din muna ako. Nakita ko pa syang tumayo saka binatukan si opert.
"aray naman! nagjojoke lang e!. Sabay kamot nya sa ulo nya.
"tanga hindi yun para sa walang kwenta mong joke!. Sagot ni edward.
"e para san?
"wala trip ko lang. Natawa naman ako sa sagot ni edward kaya naglalakad ako pauwi nang may ngiti sa mga labi. Ngiti na para saan nga ba? dahil sa sinabi nya kay opert o dahil sa nangyari kanina? ay! wag magulo di dapat nagiisip ng ganon bad yun. Pero pansin ko lang noong mga nakaraang araw parang hindi ko gusto yung mga nararamdaman ko. Minsan kasi nakita ko sila edward at yung girlfriend nyang mukang ungoy na mahaba yung baba na nagmana sa tita nyang pangit. Naglalambingan sila at masayang naguusap. Kahit na hindi nakatingin sa akin si ronalyn pakiramdam ko may ginagawa sya sa akin para mainis ako. Bigla nalang umiinit yung ulo ko parang gusto ko pa ngang manapak ng babae yung babaeng mukang ungoy na may mahabang baba. Nakakainis talaga ewan ko ba.
....
*kring kring kring.
0_-. yawn.. Hay umaga na teka bat ang ingay sa labas? Bumangon ako mula sa pagkakahiga, hindi mula sa pagkakatayo joke, at sinilip kung ano yung naririnig kong maingay sa labas. "hoy! bat ang iingay nyo ang aga-aga!. Nilingon nila ako saka may nagsalita.
"uy! si birthday girl oh! gising na. Si jr habang may hawak na mike. teka.. mike? para saan? "hoy! bumaba ka na dyan para makakanta na kami, kanina pa nagiinit yung videoke dito kakahintay sayo!.
"ha? kanino ba yan? Sigaw ko sa kanya.
"edi sa may ari.. inarkila ng mama mo, dahil birthday mo. Wow galante si mama may pa-videoke pa.
"a.. sige bababa na ako sandali lang!. Inayos ko na yung sarili ko naghilamos na rin ako at bumaba.
"o.. catherine mag-almusal ka na dito. Sabi ni mama habang naghahain ng pagkain.
"ok ma.. tnx nga pala sa videoke ha! ^_^. Tumango lang si mama saka umupo at nagsimula ng kumain.
"si papa ma,? Tanong ko.
"wala pa, may pinuntahan. Sagot ni renan.
"a.. si kuya nasaan? uuwi ba sya?. May kuya ako at ate pa nga e bale apat kaming magkakapatid.
"oo uuwi daw sya. Sagot ni mama. Pagkatapos kong mag-almusal ay naglinis na ako ng pinagkainan at dahil birthday ko, hindi ako maglilinis ng bahay. Lumabas na ako ng bahay at nagtungo na sa mga kumakanta.
"baby i love you mahal kita, baby i love you walang iba! magpakailan man sanay malaman mo baby i love you". Naks makakanta wagas parang may pinanghuhugutan, sino pa ba? edi si jr.
"oh! wala na si ten years move on din pag may time! hahaha.. Sabi ko sa kanya pagkatapos nyang kumanta.
"ha? nakamove on na ako noh!. Nginitian ko lang sya saka kinuha yung song book para pumili ng kanta.
BINABASA MO ANG
Sino nga ba sya
Teen FictionSya? sino nga ba sya? isa lang naman syang kaibigan na nakasama ko mula pagkabata hangang sa lumaki kami hanggang magbago ang nararamdaman ko hanggang mag-kagusto ako sa kanya hanggang sa minahal ko na sya. yan ang mga salitang gusto kong sabihin sa...