Sino nga ba siya

133 1 0
                                    

Diba kapag kaibigan mo parang nakakailang kung mag-iiba ang trato mo sa kanya, kung mag-kakagusto ka sa kanya, at kung mamahalin mo sya higit pa bilang KAIBIGAN.

Sabi nila masarap sa tenga ang salitang kaibigan, masaya kapag may kaibigan ka, lagi mong kasama kakulitan at kakuwentuhan, pero bakit sabi din ng iba masakit kapag naririnig nila ang salitang kaibigan? Nakakapag-taka lang, dati. pero ngayon parang alam ko na kung bakit.

Ako nga pala si Catherine Lacena Cathy for short 16 years old na ako kakagraduate ko lang ng high school, hindi ako mayaman kaya nga hindi ko alam kung makakapag-collage ako :( pero ok lang yun pwede namang mag ipon diba? meron parun kasi akong kapatid na nag-aaral 3rd year high school na sya ngayon at ako heto umeextra sa pag titinda ng barbeque, eto muna ang ginagawa kong negosyo para makatulong narin kila mama.

"uy! mukang masarap yan ah! patikim nga". Dinampot ko yung bakal na pag-iihawan ko saka ko saka ko pinuk-pok sa ulo nya. "aww.. hindi pala!. Sabay kamot sa ulo nya.

"manahimik ka nga dyan opert at baka ipukpok ko sayo tong hawak ko". Saka ko tinaas yung hawak ko. Si opert pinsan kong loko-loko.

"ipupuk-pok e pinuk-pok mo na nga". Pag angal nys saka hinimas-himas yung ulo nya.

"ah! hehe, napuk-pok ko na ba? nakalimutan ko e, paulit isa pa para patunay!. Sabi ko at akma ng itataas yung hawak ko nang bigla syang tumakbo. "hoy! sandali hindi pa!. Sigaw ko habang nakataas yung hawak ko.

"baliw ka.. Sigaw nya sakin. Baliw e hindi naman ako tumatawa mag-isa ha. "baliw? si ogag kaya yun!. Sigaw ko ulit. Si ogag kasi yung sinto-sinto na gumagala-gala samin tapos mang hihingi ng pagkain o pera, at ang nakakayamot pa sa kanya biglang nanghahalik, nahalikan na kaya ako nun buti nalang sa pisngi lang bata pa kasi kami noon kaya galit na galit talaga ako.

Hinintay ko pang bumalik si opert kaso ang tagal nya kaya binaba ko nalang yhng hawak ko saka inayos lahat ng kakailanganin sa pagluluto.

"renan... pakidala nga dito yung mga karne. Sigaw ko sa kapatid ko bakasyon ngayon kaya tinutulungan nya ko. Lumabas sya sa bahay at dala-dala narin nya yung mga pinalabas ko.

"oh! lahat nayan, maliligo lang ako ah. Sabi nya saka umalis sa harap ko.

"ok, kaya ko na to!. Sabi ko saka nilagyan ng uling yung pasasalangan.

"hi tin.. Naihagis ko yung uling dahil bigla ba naman akong kiniliti ng mokong nato, ng kaibigan ko. "Ahahahaha.. Sabay tawa pa nya ng malakas.

"ay! palaka, ikaw talaga pugna lagi mo nalang akong ginugulat. Pero imbis na tuligil sya ay lalo pa syang tumawa. Sa inis ko ay ibinalot ko sa plastik yung isang piraso ng uling saka ipinasok sa bibig nya. "Ahahahaha.. haha.. Nang mailagay ko iyon sa bibig nya ay ako naman ang tumawa. "masarap ba? bleh!. Binelatan ko sya saka tumakbo, kasi alam ko na hahabulin nya ako at kikilitiin.

"ah! ganon ha,. Tinangal nya yung uling sa bibig nya saka tumakbo patungo sakin.

Sino nga ba sya.

Sino nga ba syaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon