Part-6 Ang limang gangsters.

30 0 0
                                    


Edward's POV

"babe! dun tayo dali. Iniyakap nya ang braso nya sa braso ko at isinandal ang ulo nya sa balikat ko habang naglalakad kami papunta sa kung saan man nya gusto. Nandito kami ngayon sa mall. Nag-aya si ronalyn na mamasyal daw kami sa mall na malapit lang samin. Hindi naman ako pwedeng tumangi dahil sisimangutan lang ako nito tapos pagagalitan nanaman ako ng lolo nya.

"babe.. e saan ba tayo pupunta? Tanong ko. Kanina pa kasi kami naglalakad kaya napapagod na rin ako ewan ko ba dito kung napapagod ba o hindi. Nakarating kami sa tapat ng maraming tao. Nagkakagulo sila na parang may pinagkakahulugan. Siguro artista nanaman.

"babe.. tara punta tayo dun oh! Gustuhin ko mang tumangi ay wla na rin akong mapapala hila-hila na nya ako e.

"babe! sandali lang, ang daming tao baka maipit ka. "tabi nga dyan! mga harang!. Sigaw nya dyn sa mga babaeng maiingay. Humingi nalang ako ng pasensya dun sa mga nakarinig baka mapaaway pa kami e. Pero sa totoo lang! nagulat talaga ako sa inasal nya kanina.

"ouch!.. Rinig kong sabi nung babae na nakaupo na sa simento. Tinulak pala sya ni ronalyn kaya sya natumba.

"haharang-haharang ka kasi.. tatanga-tanga ka pa!. Inirapan sya ni ronalyn saka tumalikod at hinila ang kamay ko. Ngunit napalingon ulit sya sakin dahil napansin nyang hindi ako sumusunod sa kanya. Tinignan ko lang sya ng masama saka tinabig ang kamay nya. Bumaling naman ako dun sa babaeng nakaupo parin at parang iiyak na sa kahihiyan.

"miss ok ka lang?. Tanong ko sa babae at aalalayan ko na sana sya para tumayo nang biglang may humawak sa braso ko. Namalayan ko nalang na nakahandusay na ako sa sahig.

"gago! ka, bakit mo tinulak ang girlfriend ko?. Tanong na may halong galit sakin nung lalaking sumuntok sa muka ko.

"mahal.. hindi naman sya yun e!.. Pag-awat sa kanya nung babaeng natumba kanina.

"e sino?. Tumingin yung babae sa gawi ni ronalyn. Lumingon din ako at nakita kong takot na takot ang mga mata nya habang nakatitig sakin. Sa laki ba naman ng katawan ng lalaki na to! ewan ko nalang kung di sya matulog kapag sinuntok sya nito.

"sya yu- Ituturo na sana nung babae si ronalyn nang bigla kong putulin ang sasabihin nya.

"hindi.. a-ako talaga ang may kasalanan. Lumunok muna ako bago nagsalita ulit. Nilingon ako nung lalaki at tila hinihintay pa ang sasabihin ko. "naitulak ko kasi sya kanina kaya.. kaya natulak nya din yung girlfriend mo!. Pagpapaliwanag ko saka pinunasan ang bibig ko na may dugo dahil sa lakas ng suntok nya. Tatayo na sana ako pero bigla nalang akong hinawakan sa damit ko malapit sa leeg saka sinabihan.

"SA SUSUNOD TITIGNAN MO ANG DINADAANAN MO!. Nagulat ako sa sigaw nya sa muka ko. At napansin ko din na halos lahat ng tao na malapit samin ay sa amin na nakatingin imbis na sa artista na nasa stage.

"nako! ang yabang naman nyan!.

"oo.nga kala mo kung sino..

"kung ako yan di ako papayag ng ganyan, wala syang karapatang manapak.

Ilan lang yan sa mga narinig kong usapan sa paligid namin habang sya ay nakahawak parin sa damit ko.

"ANONG PROBLEMA DYAN? Rinig kong sigaw nung guard samin.

"eto kasi kuya e.. mayabang hinamon akong suntukan di naman pala kaya,. Ngumiti sya sakin na may halong kayabangan. "di ko na sana papatulan pero bigla ba namang itulak yung girlfriend ko!. Sabi nya habang nakatitig sakin. Napaka hambog ng taong to.

"ganyan talaga yan, palibhasa pulis ang tatay at yung guard ay kuya nya kaya mayabang!.

"oo nga balita ko dyan madami na rin nagrereklamo dyan kasi mahilig sa gulo.

Sino nga ba syaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon