"She is Queen"
Kabanata XI♟️
Napamura ako nang biglang tumunog ang cellphone ko sa bulsa kung kaya't natugunan ng dalawang natitira pang assassin kung nasaan ako banda nagtatago. Kaagad nilang pinaputukan ang gawi ko, samantalang ako'y patuloy lang sa pagtatago sa likuran ng puno.
Inis na hinablot ko ang cellphone sa bulsa tsaka iyon pinatay. Si Zero ang tumawag.
"Wrong timing, Zero," bulong ko.
Muli akong napamura nang may lumagpas naman na patalim sa kaliwa ko, hindi kalayuan sa pisngi ko. Bahagya akong sumilip ngunit nagpakawala na naman ng patalim at bala ang kalaban kung kaya't hindi ko makita kung nasaan sila. Malas! Kung may granada lang sana akong dala, e' 'di sana pinasabog ko nalang sila para tapos na kaagad.
Napangisi ako ng makaisip ako ng ideya sa kung paano ko malalaman kung nasaan sila. Kumuha ako ng isang hindi kalakihang bato at itinapon iyon sa katabing puno nang kinalalagyan ko. Gumawa iyon ng ingay kung kaya't alam kong napunta doon pansamantala ang atensyon ng dalawang assassin. Kaagad akong sumilip upang tingnan kung nasaan sila. Saktong nakakita ako ng pagkinang ng dalawang bagay sa iisang puno. Muli akong nagtago sa likuran ng puno bago isinuksok sa likuran at tagiliran ang magkaibang baril na hawak. Tiningnan ko ang itaas ng puno tsaka walang kahirap-hirap na nakaakyat sa isa sa mga malaking sanga noon nang walang kaingay-ingay. Mabuti nalang at ang napili kong sanga na akyatin ay natatabunan ng mga naglalakihang dahon, kaya hindi ako nakikita ng mga kalaban.
Umayos ako ng upo sa sanga kahit na hindi ako kumportable sa upo dahil sa suot kong uniporme. Kinuha kong muli ang itinagong silencer at hinawakan iyon sa kaliwang kamay. Bahagya akong dumapa sa sanga tsaka hinanap ang punong nakita kong pinagtataguan ng dalawa. Kaagad ko iyong nakita ngunit dahil nasa ibang anggulo na ako ng puno ay biglang dumilim na ang parte sa kung nasaan ko sila nakita kanina. Dahan-dahang umipod palapit sa dulo ng sangang kinalalagyan ko.
Napamura ako ng mapagtantong wala na sila sa kinalalagyan nila kanina lamang. Inilinga ko ang tingin sa paligid. Alerto sa kung anong posibleng mangyari. Umihip ang malakas at malamig na hangin kasabay ng unti-unting pakiramdam kong papalapit na malamig na bagay sa leeg ko at ang presensya ng isang tao sa likuran ko.
Mabilis na tumalon ako pababa ng puno bago pa man ako mapugutan ng ulo ng assassin. Agad na binunot ko ang pistol at pinaputukan ang assassin na nasa itaas ng puno. Sa kasamaang palad ay nakaiwas ito sa pamamagitan ng pagtalon papunta sa katabing puno.Nakaramdam akong muli ng presensyang palapit sa akin. At bago pa man nito masaksak ang noo ko ay kaagad na akong gumulong palayo tsaka mabilis na tumayo at pinaputukan ang assassin. Ngunit dahil sa liksi nitong taglay ay nakaiwas rin ito at nakatago pa. Nagtago rin ako sa pinakamalapit na puno bago maingat at maliksing lumipat sa katabi pang puno.
Muling tumahimik ang paligid at mas lalo akong naging alerto. Itinago ko ang pistol tsaka pinalitan iyon ng silencer nang makita ko ang nakabaong dagger sa punong kinatataguan ko. Ito yung patalim na ginamit ng assassin kanina. Hinawakan ko ang hawakan nito saka hinila paalis sa katawan ng puno.
××××××
Aron X Dimitri
Breathe in, breathe out.
Breathe in, breathe out.
Breathe in, breathe out."You're already here, so, you shouldn't backed out." I said to myself.
I stepped outside of the car and looked at the pet house in front of me. And all I can say is, the house looks old and dark. I wonder why he's living in this kind of place. I heard he's wealthy enough to buy his own mansion. But I guess, he has no interest at all in living in such a great house. I looked around the place before going in his front door.
YOU ARE READING
She Is Queen
Mystery / ThrillerSuicide. One word with seven letters but can help people to escape suffering and reality. I am Elizabeth Queen Jackson, the President of Jet X University. And I like suicide. But it seems like suicide doesn't like me. What should I do?