"She is Queen"
Kabanata I♟️
Elizabeth Queen Jackson
"WHAT the hell did you do again, you damn brat?!"
Malakas ngunit matigas na sigaw ang sumalubong sa akin pagkapasok ko palang ng bahay. Walang gana ko lang s'yang tiningnan bago nilagpasan.
"Huwag kang bastos kapag kinakausap kita Elizabeth Queen Jackson!"
By calling my full name, alam kong galit na galit na s'ya.
Tumigil ako sa paglalakad at hinarap s'ya. Nginisian ko muna s'ya tsaka bahagyang tumungo.
"OMO! I'm sorry Mr. Perfect—"
Bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay isang malakas at lagitik na sampal na ang nagpatabingi ng mukha ko. Napadura ako ng kaunting dugo sa maputing sahig bago pinahidan ang kaunting tira na nasa gilid ng labi ko gamit ang braso ko. Muli ay nginisian ko ang nasa aking harapan. Hindi ako nito makapaniwalang tinitingnan.
"You useless kid! Hindi mo ba nakikita 'yang pag-iitsyura mo?! Punong-puno na ng band-aids 'yang mukha mo, puro cut 'yang labi mo at parehong may bandage pa 'yang kamay mo! My God, Queen! Are you even a girl?!" palatak n'ya mismo sa pagmumukha ko. "You're a Jackson, right?! Then, could you please act like a Jackson?!" galit na dagdag pa nito.
"I'm sorry." Labag man sa kalooban ko pero 'yan nalang ang sinabi ko ng matigil na ang away na ito. Masyado akong napagod dahil sa bugbog na natamo ko kanina sa laban tapos idagdag pa ang sermon ng matandang ito.
"Get out of my sight!" galit na sigaw n'ya na akala mo kung makatingin ay isa kang walang kwentang nilalang na dapat hindi na nabuhay pa simula't simula pa lang.
Naglakad na ito paalis pero bago 'yon ay narinig ko pang may idinagdag ito.
"Wala akong anak na mukhang basura."— At wala rin akong amang mukhang mas malala pa sa taong mukhang basura!
Napatingala ako at pilit na inalis ang inis sa damdamin.
Damn this life!
××××××
KASALUKUYAN akong nandito sa kwarto ko't naglalaro ng G.T.A. sa aking latest P.S.P model nang may kumatok ng tatlong beses sa pintuan. Hindi ko nalang ito pinansin at pinagpatuloy nalang ang paglalaro.
"Queen, hija. Gamutin natin 'yang sugat mo," ani Nanay na may hawak na first aid kit.
"Later, Nanay," tamad kong sabi dito.
"Alam mong hindi uso ang salitang 'later' sa akin, hija," aniya.
Napabuntong-hininga nalang ako saka pinatay ang nilalaro at umupo sa paanan ng kama kong kaharap ang isang human size mirror. Tinitigan ko ang repleksyon ko roon at tama nga ang sinabi ni Daddy. Puro sugat at band-aids ang mukha ko. Napabaling naman ang tingin ko sa kamay kong may bandage. Bakas ang kaunting dugo roon.
"Nanay, am I a bad daughter?" mahina kong tanong habang 'di pa rin inaalis ang tingin sa kamay ko. Pero kahit hindi siya magsalita ay alam ko na rin na naman ang sagot.
I am not just a bad daughter but also a suicidal person. And that fact, makes me worst.
I'm the worst of the worst. I can't do good things and all I know is to join gang fights and street fights whether I'm alone or my gang is with me. I can punch a girl or a guy's face without a thought. I can easily kick someone else's butt whenever I feel irritated. I can manipulate others perspectives and loyalty. And the bad part is, I can actually kill in just a couple of seconds. Choke it, stab it or point the mouth of the gun on it's temple and pull the trigger.
YOU ARE READING
She Is Queen
Mystery / ThrillerSuicide. One word with seven letters but can help people to escape suffering and reality. I am Elizabeth Queen Jackson, the President of Jet X University. And I like suicide. But it seems like suicide doesn't like me. What should I do?