V

28 4 1
                                    

"She is Queen"
Kabanata V

♟️

MAAGA akong gumising at naghanda na. Hindi na din ako nag-abala pang kumain ng umagahan. Kaagad akong nagtungo sa unibersidad.

"Captain, may isusuot ka na ba mamayang gabi sa Welcome party?"

Kabababa ko palang ng motor ko ay tanong kaagad ni Lea ang sumalubong sa akin. Nasa likuran niya ang iba pang Student Council maliban kay Zero na pihadong mamaya pa ang pasok. Isa ring tanghali na pumulas.

"Why so early?" tanong ko sa kanila.

Nagtingin pa sila sa isa't isa bago nawi-weirdohan akong binalingan. Naguluhan naman ako bigla.

"Hindi ba't dapat kami ang nagtatanong niyan, President? Why are you so early?" tanong ni Ken.

Nangunot ang noo ko. "So what? Nakakagulat ba na pangyayari iyon?"

Sabay-sabay at mabilis silang nagsitanguan.

"Napaaga lang," pagdadahilan ko at naglakad na paalis. Ramdam ko namang sumunod sila.

"So Captain, may isusuot ka na mamayang gabi sa Welcome Party?" muling tanong ni Lea na nasa tabi ko na.

"Yes." And that was a total lie.

Wala pa talaga akong isusuot at wala akong balak magsuot kung meron man. I don't plan to attend the Welcome party in the first place. Throwing a welcome party was my plan and not attending it.

"Really?" At nagsitabihan sakin ang mga babaeng Student Council.

"What does it looks like, Captain?" Lea.

"What kind of color did you pick, President?" Delayla.

"I bet it'll look dazzling on you." Bea.

Napabuntong-hininga ako at hindi sila pinansin. Tatlong araw na ang nakakalipas at alam na ng buong unibersidad ang tungkol sa Welcome party. Isinabay na rin kasi dito ang University Ball at dapat nakamaskara ang lahat ng dadalo. Half day lang ang klase ngayon para makauwi ang mga estudyante para makapag-prepare ng sarili nila.

"Ay Pres, una na kami. May class pa kami eh. Bye-bye!" Paalam ni Bea. Nagpaalam na rin ang ilang Student Council hanggang sa nawala na silang lahat sa harapan ko.

"A-attend ka ng klase mo?" Biglang may tumabi sa akin. Hindi ko na ito kailangang lingunin dahil kilalang-kilala ko ito.

"Nope."

He frowned. "Why? Halos dalawang araw ka ng hindi na-attend sa mga klase mo."

"I am busy. Nadagdagan ang paperwork's na aasikasuhin ko. Also, I am excused in all of my class," pagdadahilan ko.

Na-imagine ko ang pag-irap nito. "You and your excuses," aniya.

"Zero, I'm dead serious."

"Tsk. Basta ba huwag mong kalilimutan mamaya." At lumiko ito ng dadaanan.

Napakunot ang noo ko. Naguluhan kasi ako. Anong mamaya ang sinasabi nun'? May pinag-usapan ba kami? Nagkibit-balikat na lang ako.

Pagkapasok ko ng Council ay kaagad akong lumapit sa cabinet at kumuha ng A4 size na bondpapers tsaka lumapit sa printer at isinuksok iyon roon. Humarap ako sa computer, binuksan iyon at nagpipindot bago ko narinig na tumunog ang pinaglalagyan ng bondpapers hudyat na nagpi-print na iyon.

Napasandal ako sa lamesa habang iniintay na matapos nang bumukas ang pintuan ng Council. Nakita ko roong pumasok ang taong hindi ko kailan man inaasahang pumasok rito. Kaagad akong napatayo ng tuwid.

She Is QueenWhere stories live. Discover now