X

23 4 1
                                    

"She is Queen"
Kabanata X

♟️

"Kung ganon, magiging makasalanan ako."
He sighed in confusion and in defeat. He looks so sad and looks like he's gonna cry in a minute now.

"Nasabi ko na ang gusto kong sabihin. Salamat sa oras. Aalis na ako."

At tinalikuran na ako ni Aron. Samantalang ako ay naiwang tulala, nakatiwangwang, hindi makagalaw at nakatingin lang sa pwesto kung saan s'ya nakatayo kanina lamang.

And for some reason, I feel a bit hurt when he left. I shouldn't be expecting this, but I thought that he'll tell me more about his feelings but he doesn't. And I wanna knocked myself out because of me wanting more from him. Ako na nga ang nagsabi kanina na huwag n'ya akong gustuhin pero heto ako ngayon, gusto pang makarinig sa kanya kung bakit n'ya ako nagustuhan? Dahil sa dinami-daming babae sa mundo na nakakasalamuha n'ya ay ako pa ang nagustuhan niya?

Napakamot ako sa ulo. Naiinis ako.
Why is my life so complicated? Ganoon na ba ako kasama para magkaroon ng ganitong klase ng buhay? Iba-iba pa siguro kung isa ako sa normal na babaeng nakakahinga ng maayos dito sa mundo— pero hindi! I'm not a typical girl with a typical life. I have a dangerous life.

I wake up in the morning.
I go to school with my motorcycle.
Students will bad mouthed me for being myself.
I go home.
Father will think of me as a trash.
My enemies hunted me.
I kill them.
I'll have bruises or be severely wounded.
I'm in the verge of death. But;
I don't die.

That's it. That's my life. That is my life cycle. It's funny how my life is going, right? So complicated!

Hindi ko napansing may tumulo na palang butil ng luha galing sa aking kaliwang mata. Napatigil ako. Why am I crying?

Kaagad ko iyong pinunasan gamit ang aking braso nang marinig kong tumunog ang cellphone ko sa aking bulsa. Hindi ko na tiningnan pa kung sino ang caller at basta nalang iyong sinagot.

"What?" sagot ko agad sa kung sino man ang tumawag sa phone ko.

"Queen ang daddy mo!" Magkahalong kaba at takot ang mahihinuha sa tono ng nagsalita.

"Where are you?"

Mariin akong napapikit. Hospital. Ang mga masasakit na ala-ala'y muling isa-isang bumalik.

Napahawak ako sa aking dibdib ng maramdaman ko ang bahagyang pagsakit non'.

Breathe in and out, Queen. Everything's gonna fine.

××××××

"WHAT happened?" tanong ko agad kay Nanay pagkarating sa loob ng hospital. Kasalukuyang pareho kaming nasa harap ng operating room kung saan nakalagay at inooperahan ang butihin kong ama.

"Nabaril ang Daddy mo!"

For some reason, hindi man lang ako nagulat sa sinabi nito. Para bang alam ko ng mangyayari ito.

"How did that happen?" Tanong ko.

"Kanina sinundo s'ya ng driver sa opisina n'ya nang saktong pagbaba n'ya ng sasakyan dahil nakadating na sila sa mansion ay may tumigil na dalawang lalaki na naka-motor tsaka biglang nagpaputok na baril sa kanya. Saktong nasa labas ako noong nangyari iyon dahil sasalubungin ko ang ama mo kaya kitang-kita ko ang pangyayari." Umiiyak ito.

Mahinahon akong umupo sa isa sa silyang nakahilera doon. Tinakpan ko ang aking ilong at bibig gamit ang aking kamay dahil sa amoy na hindi ko gusto— amoy hospital.
Hinila ko na rin si Nanay paupo dahil nahihilo ako sa palakad-lakad n'ya sa harapan ko. Halatang hindi s'ya mapalagay sa nangyayari.

She Is QueenWhere stories live. Discover now