Chapter 2 : "Different paths"

342 12 7
                                    

A/N:

I changed the title of this chapter hehehe Enjoy reading!

CHAPTER 2

+Cali+


"Gusto mong makipaglaro ng tagu-taguan sa pangit na yon?"

Tanong ko kay Mr.Invisible, Narinig ko kasing gusto raw niyang pagtaguin yung gwardiya atsaka namin siya Hahanapin.

"Anong gagawin na tin pagnahanap na tin siya?" Tanong ko pang muli sa kaibigan ko.

Teka, Bakit hindi na sumasagot si Mr.Invisible? May nangyari ba?

"Mr.Invisible nandyan ka pa ba? Hindi kita nakikita!"

Lumipas ang ilang minuto pero wala ng sumasagot kaya naman itinuon ko na lang ang pansin ko sa iba ko pang mga kaibigan.

Nasa isang sulok sila at mukhang natutuwa sa akin, Mas natutuwa ako kasi pare-parehas kami ng suot ba damit.

Though hindi ko talaga gusto ang color orange pero pwede ko naman tong kulayan ng pula kaya Okay lang!

Sagad kong nginitian sila pero imbes na ngumiti ay binigyan lang ako ng mga ito ng isang matalim na tingin.

Ooops anong ginawa ko?

"Hoy barbie girl kinakausap mo ba yung sarili mo?"

Sigaw nung babaeng malaki ang katawan at tadtad ng tattoo ang braso.

Yuck, Hindi ko gusto yung mga tattoos niya! Wala rin ba siyang sense of fashion tulad ni luke?

Gusto rin ba niyang matuto? Magaling akong mag design!

Pfft Nakakatuwa dahil naalala ko yung ginawa ko kay Luke at sa nga kotse niya. Those are my precious new set of arts.

"Nah!" I squealed, napangiwi pa ang mga ito dahil sa lakas ng tili ko.

Actually tumitili lang ako tuwing nasisiyahan ako at nakakakita ng mga mapaglalaruan.

Sa ngayon kasi kaya masaya ako ay dahil...meroon nanaman akong nakitang laruan.

Magtuturo-turuan kami, Tuturuan ko siyang magdesign!

"I'm talking to my friend, Mr.Invisible!"

Sagad ang ngiti kong tinapunan ng tingin si Mr.Invisible na nasa gilid ko.

"Mr.Invisible say Hi!"

Hindi nag hi si Mr.Invisible pero may inutos siya sa akin.

Mas exciting yung inutos sa akin ni Mr.Invisible...

Nagsitawanan yung mga kaibigan ko kaya nakitawa na rin ako. Hehehe pinagtatawanan yata nila ako?

"Baliw ka pala!"

Sigaw nung babaeng walang taste sa fashion.

A-Ako baliw? Nakakagulat naman...

"Hindi naman ako baliw, kasi kung baliw ako..."

Hmmm ano nga ba ang mangyayari sa kanila kung baliw ako?

Umakto akong nag-iisip at upang mas maging kapani-paniwala ay inilagay ko pa ang hintuturo ko sa aking baba.

"Kung baliw ako...ano na lang kaya ang mangyayari sa mga kasamahan ko ngayon dito?"

Oh? Nakakagulat naman? Bakit hindi na sila tumatawa?

Tapos mukhang natatakot na sila sa akin kasi umaatras na sila. Nakakalungkot tuloy.

Nabura ang nguting naka paskil sa aking mukha at dahil sa takot na naamoy ko sa bawat isang tao na nandito sa kulungan ay muli akong ginanahan na makipaglaro sa kanilang lahat.

"Aww don't be scared...I'm a good girl, I won't hurt you!"

Hehehe hindi ko kayo sasaktan dahil hindi naman na nila mararamdaman iyon kung patay na sila diba?

"Ginagago mo yata kami?" Galit na tanong nung walang sense of fashion.

Nagkibit balikat na lang ako sa kanila at hindi na nagsalita ng nagsitayuan silang lahat.

Anong meroon sa buto ng mga ito? Bakit kailangan nilang palagutukin habang lumalapit sa akin?

Nginitian ko sila ng makalapit na sila sa akin.

"Let's pla-Ouch!"

Sinuntok niya ako sa mukha!

Napatabingi ang mukha ko dahil sa lakas ng pagkakasuntok ng babaeng ito.

Bakit hindi nila sinasabi sa akin na  Nagsisimula na ang laro?!

Pero masakit talaga yung suntok niya...Nag gy-gymn kaya siya?

"Kung susuntukin mo ko, Pwede bang magpaalam ka?!" Singhal ko sa babae pero muli nanaman niya akong nasuntok.

Nagsitawanan na yung iba pa naming kaibigan at...bakit parang lasang kalawang na ang laway ko?

Wha! Dumudugo ba ang labi ko?!

Hi-Hindi pwede to! Paano kong magagamit yung red matte lipstick na bigay sa akin ni boss kung sira na itong labi ko?!

Urgh!


Kinunutan ko ng noo ang babae at akmang susuntukin na ako nito muli ng agad aking tumayo at sinalag ang suntok niya gamit lamang ang isa kong kamay.

"Dito  mo ko sa tiyan suntukin, Huwag sa mukha!" I hissed at her.

Binitawan ko na ang kamay ng babae at yoon na ang kinuha niyang pagkakataon para masuntok ako sa tiyan.

Damn hurts but...at least hindi sa mukha!



+kion+



"Look how successful your brother is!"

Napaikot na lamang ang mga mata ko ng marinig ko nanaman ang pagkukumpara ni mama sa akin at sa kapatid ko.

As if hindi ko pa alam kung gaano nila kamahal si Kian kesa sa akin...

I accepted long time ago and I'm tired of it. Being the second son means nothing to them.

Kahit anong medal ang iuwi ko, Kahit anong Contest ang ipanalo ko hinding hindi nila ako makikita katulad ni kuya.


I'm nothing...that's what I am in this family.

"Being a psychiatrist is not a joke, Carmen. Magaling din naman ang apo ko." Pagtatanggol sa akin ni lolo na nasa pinaka dulo nitong hapag.

Hindi ko tuloy maiwasan ang mapangiti, Lahat sa pamilya namin ay minamaliit at tinatapakan ako pero hinding hindi ang lolo ko...

He sees my achievements...

Siya ang nagtatanggol at tanging tao na may pakialam sa akin.

"That's still not enough pa, Tignan niyo itong si Andrei hinahandle ng mabuti ang kimpanya katulad ng iba pa niyang mga pinsan."

Napabuntong hininga pa si mama at ng tumingin ako sa kaniya na kita ko nanaman ang pamilyar na emosyong iyon.

"Disappointment..."

Nawalan na tuloy ako ng ganang kumain... Sino ba naman ang makakain kung kasama mo sa hapag ang mga taing kadugo mo pero tinuturing kang "wala" at "kahihiyan" sa pamilya.

Binitawan ko ang kutsara ko bago inayos ang salamin kong suot. I need this, Hindi na kasi malinaw ang paningin ko kaya kahig hindi ko gusto ay kailangan kong magsuot ng salamin.

"Apo narinig kong lilipat ka na bukas sa King's Island?"

My twitch when I heard that, Naalala kong hindi ko pa pala nasasabi kina mama na lilipat na ako sa isla bukas.

Ibig sabihin mawawala ako ng isang buwan sa bahay na ito, I need to live on that Island to make sure that my soon to be patient will be properly treated.

Kinakailangan rin tumira doon ng mga Doktor at mga taong ma-aassign sa islang iyon.

Malayo kasi masyado sa siyudad at magiging pahirapan kung magpapabalik balik kami.

"Oh my gosh! Hindi ba at puro mga delikadong kriminal ang dinadala don?." Gulat na tanong ni carley---Pinsan ko sa side ni Papa.

Isang sikat na Artista rin ito pero usap-Usapan rin na kilala ito sa pag gamit ng droga.

Tsh hindi na nakakapagtaka kung alam niya ang tungkol sa islang yon.

"Is it true kion?" Tanong ni papa na hindi ko alam kung nag-aalala...

Hindi ko pa kasi nakikitang nag-aalala sila sa akin, Puro sa kapatid ko lang.

"Yes pa but we have our own guards to pro-"

"Please don't shame this family, You're going to work for the criminals!"

Of course kion...Bakit mo naman iisipin na nag-aalala ang papa mo?

That's impossible.

"I am a professional psychiatrist pa, I'm not going to bring shame to this family."

Dahil kahit naman wala akong gawin ay kinahihiya pa rin nila ako.
Nakita ko ang paglungkot ng mukha ni lolo kaya naman mas lalo lamang bumigat itong nararamdaman ko.

Ka-Kailan ko kaya mararamdaman na...Importante rin ako?

I-I wanted to change but I don't know how, I want to feel love but that's impossible as long as I'm staying here.

Hindi na siguro masamang ideya ang magtrabaho sa pugad ng mga pinaka delikadong kriminal?

"Baka naman malaman laman namin na kriminal ka na rin ah!" Biro pa ni carley na ikinatawa nilang lahat. Hindi ko nagustuhan iyon pero wala naman akong karapatan na magreklamo.

Yumuko na lamang ako at upang maibsan ang inis na nararamdaman ko ay Kinuyom ko na lamang ang aking nga kamao.

I can't breath...here, I'm still being suffocated by their Standards.

I'm in love with the Psychopath [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon