Chapter 17 : "I like someone else"

419 22 10
                                    

Chapter 17

+Cali+

"Are you alright?" tanong ni kion sa akin habang naglalakad kami dito sa maliit na parke na ginawa para sa mga tulad ko.

Kailangan ko raw ng bagong kaibigan sabi nila, hindi ko naman kailangan iyon. Dahil sapat na si Mr.Invisible para sa akin.

speaking of Mr.Invisible, ilang linggo ko na siyang hindi nakikita at nakakausap, nagtatampo kaya siya?

"Kung isisigaw mo dito yung sinabi mo kanina sa kwarto ay baka mas maging okay ako." Natutuwa kong asik sa lalaki na bahagya pang napatingin sa gawi kung na saan si Raegan.

Muntik na silang magpatayan kanina, buti na lang talaga at nandoon ako para pag-untugin sila.

"That's ridiculous, please just forget that thing." Pakiusap naman ni Kion na ngayon ay lukot na lukot na ang mukha.

Hindi ko naman siya masisi kung bakit nahihiya siya, ako kasi walang hiya kaya hindi ko alam kung ano ang pakiramdam.

"how can I forget that?" angil ni kion.

"Nakuha mo naman yung address ng drug factory diba?"  Napatigil sa paglalakad ang doktor.

Kaya tumigil na rin ako kasi hindi ko naman siya makakausap kung mauuna akonv maglakad. Matiim kong tinitigan ang mukha ni kion ng mapansin kong parang may malalim siyang Iniisip.

Tungkol na ito doon sa drug factory?

"Why are you telling me your Secrets?" Seryosong tanong ng lalaki nang makabawi ito.

Sunod sunod kong naipikit ang aking mga mata atsaka siya nginitian.

"Because I trust you."

Sigurado nga ba akong pinagkakatiwalaan ko siya?

Lumakad ako papunta sa harap ni Kion hangang sa magkaharap na kami, mas matangkad sa akin ito kaya naman para magkapantay ang mga mukha namin ay kinakailangan ko pang tumingkayad.

Sinapo ko ang pisngi ng lalaki na naging dahilan upang mapaatras siya dahil sa gulat.

"I know you can't do anything to hurt me, magkaibigan tayo diba?"

Napatingin sa mga paa niya ang doktor hangang sa hawakan niya ang kamay ko at inilayo sa kaniyang pisngi. Akala ko ay kung ano ang gagawin niya pero nagulat na lamang ako ng bigla niyang pisilin ang aking kamay.

"We're friends."

Binigyan ko siya ng tipid na ngiti pero hindi naman niya iyon binalik. Aasarin ko pa sana ito ng may biglang sumingit.

"H-Hi Dr.Garet!" Masayang bati ng babaeng mukhang galing pa sa taon ng mga sinaunang tao.

Awtomatikong tumalim ang tingin ng aking mga mata ng bitawan ni Kion ang aking kamay.

"Hello Ma'am.Nicole."

Bati ng mabait kong gummy, akala ko ay hangang doon na lang iyon pero isioin niyo kung gaano ako kagulat ng hawakan nung babae yung kamay ni kion atsaka ito hinila palayo sa akin.

napaawang ang aking labi, Wow?

Ako lang ba o parang pakiramdam ko may gusto ang babaeng yon sa Doktor ko?

Napangiti ako ng malawak, hindi magawang gumalaw ng aking mga paa habang pinagmamasdan si Kion at yung doktor na kasama niya.

May nararamdaman ako...

Hindi ko gustong nararamdaman ito pero nakakainis dahil ito ang pumupuno sa buong sistema ko ngayon. Inis at galit, matagal ko na ring kinalimutan ang mga bagay na to pero ngayon...

I'm in love with the Psychopath [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon