Chapter 9: What a burden

81 2 4
                                    

"OHHH JAMIE, KYLE!!!!! NANDITO PALA KAYO!!!!"

Ay wala wala!!!!! talaga namang--

"Hi KAIBIGAN!" tumingin sa akin si Kent. Nakakainis yung way nya nung pagsabi nun. Batibot accent eh. Nang-aasar pa rin talaga to dahil sa ginawa niya kagabi.

"Hi." tipid na sagot ko. Ngumiti ako ng kaunti tapos inirapan siya.

"It's nice seeing that you two are fine! ...at last" Ngiting ngiti na naman si Kyle ...ko. Saya nya eh! "What brings you here, Kent?"

"Ahmm..." sumulyap sa akin si Kent tapos tingin ulit siya kay Kyle. "Wala lang may bibilhin lang kasi ako.."

"Ano naman yun?" tanong ni Kyle.

"Hmm.. let's just say na gift para sa magulang...."

"Kelan ka pa naging sweet sa magulang MO, Kent? HAHAHAHA!!" tawa ng malakas si Kyle. Siguro dahil alam niyang tough si Kent at hindi naman talaga sweet sa magulang niya kaya naman I can't figure out kung nagloloko na naman ba ito or.... NAGLOLOKO. Yun lang naman yun e. Loko loko kasi talaga si Kent.

"...magulang ng NILILIGAWAN ko pare." Ngiting ngiting ngiting ngiti si Kent. Siguro sa lahat ng ngiti eto na yung pinakangiti. Ako naman, si gaga, namula yung pisngi ko. Eh kasi naman.. Naisip ko.......

AKO ba yung sinasabi niyang...... NILILIGAWAN?

 at si MAMA ba yung.... MAGULANG ng nililigawan?

Pinangatawanan niya ba talaga?

......or ako lang talaga TRIP niya.

argh kainis!!!!!

at dahil sa mga naisip kong yun, NABULUNAN AKO. "*ubo* *ubo* *ubo*"

"Oh Jamie, ayos ka lang?" Sabi sa akin ni Kyle. hinaplos niya yung likod ko. Parang hinagod. ang sweet talaga. Ang sweet ....ng BEST FRIEND ko.

"Oo ayos lang akoo..." *smile*

"Dahan-dahan lang kasi ha? *tap sa ulo*"

"Opo opo.. BEST."

"Yan goood.. sige na kain ka lang ha?"

"Opo." ngiti naman din ako. Grabe kasi napakacaring niya. Sana naman dumating na yung panahong..... INAALAGAAN MO AKO DAHIL MAHAL MO AKO. AT HINDI LANG DAHIL KAIBIGAN MO AKO.

Dahil na naman sa naisip ko, nagkatitigan kami. Parang langit. sana lagi na lang kaming nagtititigan. I know it's weird. Pero ganun naman pag nagmamahal diba? KAHIT IMPOSIBLE, PATULOY MO PA RING PAPANGARAPIN. Hindi ko alam kung gaano katagal na kaming nagtititigan basta may narinig na lang ako na......

...EPAL.

"AHEMMMMMMMMMMM!!!"

tokwa ka talaga!!! "Ano na naman bang problema mo!?!?! ..HA? KAIBIGAN?"

"Wala lang. sungit mo ah."

"Yan na naman nag-aaway na naman kayo."

"Hindi ah!" sabay na sabi namin ni Kent. Kahit kelan talaga---

Natahimik kaming tatlo.

.

.

.

.

"Pare by the way, sino ba yang nililigawan mo? Ikaw naman hindi ka na nagbabalita ha!?"

Opposites AttractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon