Chapter 5: Tinapay na naging bato pa

85 0 0
                                    

"Kung di ko lang kayo kilala, iisipin kong mag-syoting kayo."

Dumating na yung pinakahihintay ko....

Dumating na yung mahal ko.

"EWWWWWWWW!!!!!!!!!!!" sabay kami ni Kent. DIRING DIRI KAMI SA ISA'T ISA EH.

"Hay para talaga kayong mga bata. Hindi ko lubos maisip kung bakit kayo hindi magkasundo..." nagtatakang sabi ni Kyle ko.

"Kasi mayabang sya."

"kasi baliw sya."

"Bakla pa."

"AMAZONA PA."

ARGGGGGGH tawagin daw ba kong baliw? at.... at.... at.... AMAZONA!?!?!!? Ang hangin talaga neto kahit kelan. BALANG ARAW MAKAKAGANTI RIN AKO SAYO..

"hahaha! nakakatuwa kayo. Parang aso't pusa. nga pala, Jamie, ito na yung gamot mo oh.. bumili na rin ako ng tubig mo.."

Pinainom sa akin ni Kyle yung gamot saka tubig.

"Salamat Kyle!!!" Hi-nug ko sya. GRABE AH LANDI MO JAMIE. Nagmamahal lang naman.. WEEHHH. Oo mahal ko nga si Kyle.

Kailan kaya magsi-ceasefire itong dalawang parte ng utak ko?

"EHEEEMM" EPAL TALAGA -_____________-

"Kahit kelan talaga epal to.. bwisit!" pabulong na sabi ko.

"ANO YON SISA???" aba may codename pa ang walanghya!

lakas ng pandinig. "WALA!" tumungo na lang ulit ako.

Habang nakatungo naririnig ko pa silang nag-uusap. Kala nila nakatulog na ko..

"Pare ano may balak ka ba dyan kay Jamie ha?"

"Pare naman best friend ko yung tao.. ayokong masira yung friendship namin."

"Walang masama kung magtatry..."

"Sa walong taong pagkakaibigan namin, sisirain ko ba dahil sa hindi siguradong nararamdaman?"

"So ano, gusto mo ba siya?"

DOES THIS MEAAAAAAN!?!?!?

:""""""> GUSTO AKO NI KYLE!!!!!!!!!!!!!!!!! YEHEY SA WAKAS!!! THANK YOU STARS MOON NAGKATOTOO WISH KO SA INYO!!!!!!! Naniniwala kasi ako na pag humiling ka bituin or buwan, magkakatotoo yung wish mo.. at parang eto na nga yun!

........"Kaibigan ko lang talaga si Jamie pare."

</////////////////3 Nagse-celebrate pa lang ako.. Bakit ganun.. :( Kahit konti lang Kyle. Kahit konting pagnanasa lang. (oy ah hindi pagnanasang bastos) Pagtapos nun, di ko na binalak makinig. Bad trip eh! Tinulugan ko na lang yung ibang subj. kasi sobrang ang sama pa rin ng pakiramdam ko.. Diskarte ko? Dun ako natulog sa likod. Sa sulok. Para di madaling mapansin ng teacher.

Right after Geom, nagtext agad si Mama. Nalaman niya agad na tumakas ako..

Anak bakit ka naman tumakas? Mag-usap tayo pagdating mo!

Broken-hearted na nga, galit pa si Mama. Hay buhay... natapos nang mabilis ang isang buong araw. Mahimbing yung pagkakatulog ko...

"Jamie gising na.. uwi na tayo?"

ganda ng boses nya. :') "ha? ... nasan ba ko ano--" Nakalimutan mo na namang broken-hearted ka Jamie. Nakalimutan mo na naman. LAGI NAMAN EH. Ganyan ata talaga pag nagmamahal, kahit ilang beses masaktan, hangga't may paraan, lalaban pa rin at lalaban.

"Jamie, nasa school pa tayo. Nasa school ka pa..."

"Ah kala ko naman nasa langit na ako... ang GANDA KASI NG BOSES MO NAKAKAINLOVE."

JAMIE ANO BA YANG SINASABI MO!?!?!? Shucks, sana di nya seryosohin!

"Ikaw talaga puro ka biro.. Halika na nga!" Relieved. Inaya nya na kong umuwi. Inalalayan nya ako... dinala niya yung gamit ko... :') ang sweet poreber! Sana mag-stop na lang yung time sa gantong pagkakataon.

"Tara! ...."

Naglalakad na kami sa hallway.. "Kyle, ano nga palang nangyari kanina?"

"Ah wala, tinanong lang ng mga teachers kung bakit ka nakatungo. Sabi ko naman, may sakit ka. At pumasok ka para sa GEOM UNIT TEST." Mali ka Kyle, hindi lang dahil dun... para sayo kahit may sakit ako, pumasok ako.....

"Ay ganun, buti di nila ako pinalayas?"

natawa si Kyle. "Sus sa talino mong yan!? Saka, BEST FRIEND KAYA KITA!"

BEST FRIEND. </3

"Salamat sa tulong mo, Kyle. Best friend... talaga kita."

"Sus ikaw pa Jamie! Mahal kita eh..."

"Ha ano--"

*ringggg* *ringgg*

..BAD TRIP! pambitin e ana. SIGE LANG UMASA KA PA, JAMIE. Wala namang masama sa pag-asa di ba? Ganun naman pag nagmamahal diba? Kahit 99% gusto mo nang sumuko, hahanap-hanapin mo pa rin talaga yung 1% para lumaban. At yun ang masusunod.. that's the way it is.

"Hello? Ma. Oh bakit po?... ah, ganun po ba? Sige I'll be there in a few."

"Uy mama mo?"

"Oo. Sorry Jamie ha? Hindi muna kita maihahatid sa inyo.. May emergency kasi eh... teka. Pano ba to..." naghagilap ng paraan si Kyle.

...sa kasamaang palad.

"KENT!" malakas na tawag ni Kyle.

"Oy pare!" *fistbump*

"Pwede bang... ikaw muna maghatid sa Best friend ko?"

"Ah si Amazona."

"HOY ANONG!?"

"O kita mo talaga namang amazona talaga!"

"Magtigil ka nga bakla."

"Basta Kent, make sure she's safe. Okay? I'll go ahead.. Pare bye ah! Ingatan mo Best friend ko." tiningnan ako ng mabuti ni Kyle.. Nagulat ako nung........

kiniss nya ko sa noo......

NOO LANG YUN JAMIE. Hoy para sa taong nagmamahal malaking bagay na yun noh! Ilusyunada! Kdot.

"Bye Jamie..."

Siguro natulala ako ng 3 minutes. "Bye Kyle..."

Maiiwan na naman ako sa pangil ng bading na buhawi.

Kent "The Gay Whirlwind"

"So... Pano ba yan. Amazona???" Sarcastic smile.

BWISIT KA KENT BWISIT!!!!!!!!

Opposites AttractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon