Chapter 6: Way back home

75 1 0
                                    

Hanggang ngayon nakabusangot pa rin ako.. naglalakad kami ngayon ni Kent pauwi kasi nga pinaubaya ako ni Kyle sa lecheng lalaking to. Ngayon naman, nasa magkabilang side kami ng kalye, kasi nga ayokong dumikit sa baklang yun. Ayoko siyang makasama.

Bad trip kasi dapat si Kyle ang maghahatid sa akin eh dapat siya ang makikita ni mama dapat siya ang ipapakilala ko dapat siya ang kasama ko ngayon dapat siya ang nandito sa tabi ko dapat siya ang aalalay sakin dapat siya ang tutulong sakin dapat siya ang papatuluyin ko dapat siya ang makikilala ni mama dapat wala na tong Kent na to dito dapat wala sya dito dapat wala na lang siya sa buhay ko dapat wala---

"Hoy ang lalim ata ng iniisip mo? ...amazona"

BWISIT!!!! Bahala ka dyan magsalita ka mag-isa hindi kita papansinin.

"Hoy AMAZONA!" hindi pa rin ako nagsalita.. "ah.. ganun ah!!!!"

Napahinto ako sa paglalakad sa ginawa niya..

....nilagay niya sa gitna ng kalsada yung mga bag ko. Eh may dadaan pa namang tricycle!!!!! SH*T.

"HOY ANO BA YUNG BAG KO!!!!!!!!"

tinakbo ni Kent yung bag ko.... nagulat ako nung.....

NAPABULAGTA SIYA.

"KEEEEEEEEEEEEEENTTTT!!!" 

oh my gosh hinding hindi ko mapapatawad yung sarili ko if something happens to him. tinakbo ko yung pinagbulagtaan nya. tapos... nilagay ko yung ulo niya sa lap ko. tinapik-tapik ko yung pisngi niya. tiningnan ko kung buhay pa siya.. tinapik ko pa siya tapos sinuntok ko na ata siya hindi ko na alam sobrang nagpa-panic na ako.

Nakita ko yung pain sa muka ni Kent pero nanatiling nakapikit lang sya. May tinuturo siyang parte ng katawan niya at dumadaing..

"Ugggggghhhh.....!!!!" daing ni Kent.

"Kent naman... Gumising ka naman oh, sige na please. Inaamin ko kahit gannyan ka, MABUTI KANG TAO.Kahit nag-aasaran tayo hindi ko kakayanin kung may mangyari sayong masama, please Kent gumising ka na.. Please... pramis pag gumising ka dyan HINDING HINDI NA KITA AASARIN. Please naman oh.."  NO RESPONSE kahit involuntary movements lang... What am I gonna do!!?!?!? tulong! tulong!!! tulungan niyo kami! Nasagasaan yung...." hindi ko alam kung ano itatawag sa kanya. eh kasi ni hindi nga kami naging magclose. bale nagsimula kami sa magkaaway. kahit labag sa loob ko... "yung.. KAIBIGAN KO." sumigaw pa ako.. "Tulong!! tulungan niyo ho kami ng kaibigan ko...!!!!"

Maraming tao ang nagsilapit. Linapitan nila kami ni Kyle at nagsimula nang magtanong... Yung iba naman, nakikiuchoso lang.

"Miss anong nangyari sa kaibigan mo?" "tumawag kayo ng ambulansya!" "Anong nangyari sa kanya?" "nabangga ba siya?" "bakit ano bang nangyari?"

Mga tao nga naman. Pumunta lang talaga dun yung iba para magchismisan. EH KUNG TINUTULUNGAN NA KAYA NILA KAMI NI KENT!!!!!!

Nagulat na naman ako nung...

kumindat si Kent.

SH*T I got fooled.

Tumayo si Kent at nagjumping Jack sabay sabing... "don't worry guys, thanks for the concern. I'm sorry naistorbo pa namin kayo ng GIRLFRIEND KO."

"HOY ANONG---!?!?"

"Sorry po mam sir. Salamat po." nag-bow pa ang mokong.

"Ano ba yan kung maglalambingan kayo wag nga kayong mandamay ng ibang tao!" "Mga sira-ulo, loko loko." "Kabataan nga naman.. kahat na lang ginagawa." "Mga papansin!" "Ikaw naman miss, wag ka nang manggugulo next time para lang sa boyfriend mo ha?? KABATA BATA E ANG LANDI LANDI. MAG-ARAL NGA KAYO!" sabi nung mga tao dun. Live criticism sh*t that. -_- 

at kasalanan itong lahat ni.......

KENT.

 5 minutes na ang nakakaraan simula nung pagtripan niya ko.. 5 minutes na kaming hindi nag-iimikan. Oo kinakausap niya ko pero hindi ko siya pinapansin. Ikaw ba naman, ganunin ka ng kaaway mo, matatanggap mo!?!?! at ang matindi pa dun... PINAKILALA NIYA KO BILANG GIRLFRIEND NIYA! Para ano!? Para pulaan ng mga tao!? NAKAKAINIS TONG BAKLANG WHIRLWIND NA TO!

 Nabasag ang katahimikan.

"Hoy, Jamie. mamansin ka naman!" Hindi ko sya pinansin.. "AH GANUN--"

"WWWAAAAAGGGGGGGG!" Uulitin na naman kasi nya yung ginawa niya. "Bwisit ka akin na nga!" kinuha ko yung bag ko pero hindi niya binigay.

"Ano ba kasing trip mo ha!?!?"

"Eh bakit kasi ang sungit sungit mo sakin ha!?"

"Wala lang bwisit ka kasi eh!"

"Eh bakit ako bwisit?"

"Nakakainis ka nga kasi!"

"Eh bakit ka naiinis sa akin?"

"Eh naaalibadbaran kasi ako sayo!"

"Eh bakit ka naaalibadbaran sakin?"

"Eh kasi Bwisit ka!"

"Jamie naman eh..."

"Ano na naman ba!?"

"Wala lang. san ba bahay niyo bat parang kanina pa tayo naglalakad?" hindi ako sumagot.

"Ah.. siguro sa bundok noh.. dun pala naninirahan ang mga Amazonang katulad mo."

sinuntok ko sya. "OH KITA MO AMAZONA TALAGA!"

"Ang daldal mo!"

"Wag ka na kasing magsungit..." nagpacute siya. "Please?" puppy eyes. cute..

.....sana kaso ang hangin.

"Yan na bahay ko, mawalang galang lang umalis ka na salamat!"

"Tama ba yun basta basta na lang ako palalayasin!? di man lang ako ipakikilala sa magulang niya? Ambait oh." sabi ni Kent.

"Ona umalis ka na hindi ka naman nila gugustuhing kilalanin ako nga hiniling ko sana hindi na lang kita nakilala sila pa kaya."

"ANG SAMA! Oo na sige na po Boss Jamie Agent amazona13 aalis na ko.." may pacodename-codename pa. >.<

"Sige na layas na!" napasigaw ako.. nagulat ako nung......

"Oh Jamie anak, hindi mo ba ipakikilala sakin yang kasama mo?"

SHEET.

SI MAMA.

Opposites AttractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon