Chapter 7: Hot Issue

78 0 0
                                    

"Ano may ipapakain ka na ba sa anak ko?"

.....awkward.

"MA NAMAN!?!?!---"

"Gagawin ko po ang lahat, tita. Gagawin ko po ang lahat para mapatunayang karapat-dapat ako sa anak niyo.."

.....sheet talaga. Sige lang Kent!! Iniinis mo na talaga ako. Almost half an hour na silang nag-uusap tungkol sa mga.... ganyang bagay. Tungkol sa..... "PANLILIGAW" ni Kent. Like duh!?!?! PINAGTI-TRIP-AN nya lang kaya ko!!! eto kasi yung nangyari...

 "Yan na bahay ko, mawalang galang lang umalis ka na salamat!"

"Tama ba yun basta basta na lang ako palalayasin!? di man lang ako ipakikilala sa magulang niya? Ambait oh."

"Ona umalis ka na hindi ka naman nila gugustuhing kilalanin ako nga hiniling ko sana hindi na lang kita nakilala sila pa kaya."

"ANG SAMA! Oo na sige na po Boss Jamie Agent amazona13 aalis na ko.."

"Sige na layas na!" 

"Oh Jamie anak, hindi mo ba ipakikilala sakin yang kasama mo?"

OHNO. Si mama. Nakooo Kent subukan mo lang talagang gumawa ng di kanais-nais nako talaga tatamaan ka sa akin subukan mo lang na---

.

.

.

"Good evening po! Kent po pala. MANLILIGAW NIYA."

MANLILIGAW!?!?!?! PAK!!!!!! Anong pakulo na naman ba ito!?!!? Kanina sobrang joketime ginawa niya sa akin sa harap ng maraming tao. tapos ngayon naman.... Joketime..... sa magulang ko mismo!!?! Ang galing mo talaga, Kent! Gusto kitang bigyan ng Jacket!!!!!!!!!

Isa itong malaking KAHANGALAN! Nagpatuloy pa ang usapan nila...

"Aba naman susmaryosep, (nag-sign of the cross si mama) kabata-bata pa lang---"

"Tita, handa po akong maghintay. Handa po akong maghintay hanggang sa pwede nang maging akin ang PANGARAP KO."

Sheet talaga. Kung hindi ko lang siguro alam na nantitrip lang to, kanina pa ko kinilig. Pano ba naman kasi... Ang sweet nya. PERO MAYABANG SYA! at.....LECHE SIYA!

 "Handa kang maghintay? Paano mo ko makukumbinsing totoo yang sinasabi mo?"

"Tita, ni minsan sa buhay ko hindi ko pa pong nagawang bumali sa pangako. at dahil sinabi ko po sa inyo, PINAPANGAKO ko po yan."

"Iho sana naman sigurado ka sa sinasabi mo? Bakit ba ang anak ko pa ang nagustuhan mo?"

"Napakabuti niya pong tao. Siya po yung taong.... masarap alagaan....." ALAGAAN!?!?! KELAN PA KO NAGING ASO!?!?!?

".......at mahalin." dugtong ng gay Whirlwind.

"Aba Jamie mabuting bata to. Sige papayag akong ihatid sundo mo sya. Pero iho, siguraduhin mong wala kang gagawin hindi kanais-nais sa anak ko. ipinagkakatiwala ko siya sayo."

"MAMA!!!!!!!!????--"

"Opo tita. Asahan nyo po yan."

Sige lang wag nyo kong pagsalitain!!! "MAAA--"

"Oh pano po tita, mauna na po ako ha? Maraming salamat po!" Tiningnan ako ni Kent na parang nang-aasar. Leche ka talaga sige pa. Bwisit! Ayaw man lang ako pagsalitain!!!!

"Oh sige Iho mag-iingat ka. salamat sa paghatid sa anak ko."

Tumingin sa akin si mama.....

Nakatulala lang ako...........

Masyado na kasi akong nai-imbyerna sa mga nangyayari. KASALANAN NIYANG LAHAT TO!!!!!

"Oh DYAMAY! Ano pa hinihintay mo dyan!?! Ihatid mo na sa gate yung 'MANLILIGAW' mo!" DYAMAY=tawag sa akin ni mama kapag naiinis siya. nainis kasi hindi ako naging hospitable. PATI BA NAMAN IKAW MAMA??? Pinagtutulungan nila ko. Pinagtutulungan ako ng sariling mama ko.

"Ma di na kelangan kalapit-lapit lang ho ng gate naten oh!?"

"Anak matuto kang magpasalamat."

NAKO MAMA KUNG ALAM MO LANG OH KUNG ANO PINAGGAGAGAWA NETONG GAGANG TO! "Ehhhhh!!!!! Ayoko nga."

"DYAMAY!!!!!" okay galit na sya.

"opo opo eto na nga ho oh ayan na naglalakad na kami ihahatid ko na tong kumag na to ayan na ho.." hinila ko na palabas si Whirlwind.

"Hi, Dyamay." *ngiting aso* "Uy dyamay pansinin mo naman manliligaw mo." "Dyamay!!! ay sige wag mamansin."

Ang kulit talaga pramis. Kanina nya pa ako kinakausap pero di ko na sya pinansin nakakaleche eh. Tama ba naman kasi yung ginawa nya??? SUMUSOBRA NA SYA!

Nakalabas na kami ng bahay. Nasa gate na kami.

"Dyamay!!"

"Shut up."

"Sungit mo talaga kahit kelan."

"Eh bakit ka ba kasi gumagawa ng kwento?!?!"

"Wala lang... REVENGE."

"Revenge? Leche ka."

"Oo na alam ko na yan lage naman eh. Basta ha? DYAMAY!!!"

Nako naman di ko nga pinapaalam sa iba to eh. ambantot kasi ng name na un. "Shut up!!!! Umalis ka na nga."

"Ayoko nga. Bilang manliligaw, gusto ko munang makasigurong maayos kang makakabalik sa bahay niyo. Bilang manliligaw, gusto kong makitang ayos ka lang. Bilang manliligaw, gusto kong malaman na ligtas ka. Bilang manliligaw--"

"Yung totoo, SCRIPTED!?!?!" Sana sabihin din sakin ni Kyle yan. Haaay How I wish!

"Hindi po. I love you."

Alam kong nahalata niyang nag-blush ako. Kahit sino naman maiilang diba? In fact sa angking kagwapuhan ni Kent hindi maiiwasang mailang.

...pero di hamak naman na mas gwapo si Kyle ko. "Ano ba kasi tama na nga ayoko na makipaglokohan."

"Dyamay bakit ka nag-blush. Ikaw ah!!!!!!!! Kinilig ka noh?!?!?!" He smiled sarcastically.

Sapul. hindi na ko nagsalita. Naglakad na siya palabas ng gate.

I was shocked when he uttered these 10 words.

"SERYOSO AKO SA MGA SINABI KO SA MAMA MO, JAMIE."

Opposites AttractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon