Monday ng umaga. 5:30AM
"MAAAAAAAAAAAA!!! MAAAAAAA!!!!!!!!"
"Oh Jamie anak bakit anong nangyari?"
"Wala lang ang sama po kasi ng pakiramdam ko ehh.."
hinawakan ako ni mama sa leeg chineck kung may lagnat. "Aba anak ang init mo! Saglit kukunin ko lang yung thermometer."
after 2 minutes. "Oh taas mo kili-kili mo baby.."
"Mama naman.."
"Bakit may amoy ba???"
tinaas ko na lang yung kili kili ko. tas sinuksok ni mama yung thermometer. Kahit kailan talaga binebeybi ako ni mama. Nakipagchikahan pa siya sakin habang inaantay ang resulta ng kainitan ng kili kili ko.
"Anak naman kasi ano bang pinaggagawa mo!?"
"Eh ma.. wala naman po e.."
"Anong wala?! halos araw-araw ka na lang puyat. Halos wala kang pahinga!"
"Eh ma.. Alam mo naman kasi running for honors ako. Saka pangarap mo yun sakin diba? Para sayo to ma.." *yakap kay mama*
"Aba nangonsensya pa tong Baby ko.."
"MA NAMAAAN.!!!" napabitiw ako sa pagkakayakap kay mama. XD
"Oh bakit?! siguro may iba ka ng baby noh?" *sad face si mama*
Single mom kasi si Mama. 6 years old ako nung layasan kami ng tatay ko. Kaya naging sobrang close kami. At sobrang alagang-alaga niya ko.
"Ma wala noh.."
"Anak okey lang naman sa akin kung magbo-boyfriend ka eh.. basta wag mong ilihim. At wag kayong gagawa ng masama! At lalong wag na wag magpapadala sa init ng--"
"Katawan at tukso." PS. kabisado ko na laging sinasabi ni mama.
"Good! So ano.. Kamusta kayo ni Kyle?"
SHUCKKKKKKKKKKKKKKKS!!! PANONGGG!!?!?!?
"Ma pano---"
*tuut tuut* tumunog na ung digital thermometer namin. x)
"Anak ang taas taas ng lagnat mo!!! 38.9! Wag ka nang pumasok!!"
"Pero ma..."
"Wala nang pero pero basta wag na. My decision is final! Osya pagluluto kita ng mainit na sopas. Wait ha.."
Anak ng hototay. May Unit test kami sa Geom. Hapit pa naman ako dun.. Kailangan kong pumasok! Tsaka.. makita ko lang si Kyle, mawawala na to.Tokwa landi mo, Jamie -___- Eh ano!? Nagmamahal lang naman ako... Kdot.
Nababaliw na nga ata ako. Kausapin ba naman sarili ko. Anong gagawin ko? Bukod sa kelangan kong makita si Kyle, syempre mas importante para sa akin yung Unit test. I WILL MAKE A PLAN. PAPASOK AKO. NO MATTER WHAT.
Tamang tama... Nagluluto si Mama. tatakas ako! Pano? Edi anupa't nanuod ako ng mga movies na tumatakas ang mga rebeldeng anak!? So yun tinakpan ko ng kumot yung mga unan ko at inanyo kong parang ako. Para isipin ni mama na natutulog ako. Ayaw ko pa namang nagpapaistorbo. Alam niya yun. Nagbihis na ako, hindi na ko naligo, Labar lang. PS. "labar" is yung pagliligo na walang shampoo shampoo sabon lang sa katawan. Salitang bikol yun.
Malapit lang yung school tinakbo ko na! Abot pa to. mag 7 pa lang ang aga aga pa. Though nahihilo talaga ako. Feeling ko tutumba ako anytime.. pero, kelangan kong gawin to! Kahit first period lang.. para sa Geom...
..at para kay Kyle.
Wushu landi mo Jamie!! Oy ah Geometry naman first priority ko eh... second lang si Kyle. Weh palusot landi e oh. Nagmamahal lang naman ako...
NABABALIW NA TALAGA AKO.
Nasa school na ko. Umupo agad ako at tumungo. Sobrang nahihilo kasi ko pati ang sakit sakit ng ulo ko. All I gotta do is to wait for Mam Glenda and her destructive Unit test. Mahirap magpa-exam yun eh. Chugas, kumbaga sa KPOP, "NO MERCY."
Sa wakas... dumating na si Mam Terror. Este Mam Glenda.
"Good Morning class! You may now sit."
Bastusan hindi man lang kami pinag-good morning.
"Arrange your chairs 6 by 7. One sit apart. Get one and pass."
Nagmamadali lang?! Ugh.. Nahihilo na talaga ako... Lalo pa akong mahihilo lalo na't ang daming numbers ang nakikita ko... WEAKNESS ko to swear.
YOU CAN DO IT JAMIE!!!!!!
Nagsagot na ko.. isang oras lang ang binigay sa amin para sagutan ang 99 items ng exam ni Mam Glenda. Bakit 99? Ewan. basta 59 minutes ko sinagutan yun eh. Tinadhana ang exam sa time. Siguro di mo gets? Okay lang yan di ko rin gets eh.
Sa wakas! I may now rest in peace.....
Oy Jamie ano ba yang iniisip mo!
Joke lang.
Busy pa mag-usap ang left and right brain ko nang.....
may humawak sa leeg ko. Chineck kung may lagnat ako.
Si...
......my love.
"Ang taas ng lagnat mo Jamie!!!"
"Kyle, ano ka ba hindi kaya.. Mainit lang talaga yang kamay mo noh.."
"Hay naku. Halika nga rito samahan kita sa clinic? Para makauwi ka na rin! Bakit ka pa ba pumasok nang ganyan ang kalagayan mo???" nakikita ko yung galit sa muka ni Kyle.. Ngayon ko lang sya nakitang ganyan. Alalang alala talaga sya..
"Para sa Geometry... at para say--" oops! Muntik na Jamie, muntik na.
"Ang kulit mo naman eh... Osha hintayin mo ko dyan kukuha ako ng gamot mo..." tinap nya ung head ko.
Shet ang sweet. :')
Jamie ano ba wag ka ngang mag-ilusyon. Malamang mag-aalala sya ng ganun. BEST FRIEND KA KAYA NYA.
BEST FRIEND. Ah ok. Oo nga pala... pero okay lang kuntento na ko.. tumungo ulit ako nang....
"Oy gusto mo?"
"Ayoko."
"Sungit. Balita ko may sakit ka raw ah."
"Oo e ano naman sayo!? Saka bat ka ba nandito??"
"Wala. Pinabantayan ka sakin ni Kyle e."
"E bakit naman--"
"Kasi BEST FRIEND KA NIYA AT BEST FRIEND NYA KO."
*end of conversation*
Di na ko nakaangal kay Kent. Sinubuan niya ko nung cup noodles. Medyo umokey naman pakiramdam ko dahil dun. Parang ang awkward.
"Oh ah..." sinubo nya sakin ung noodles.
"Alam ko!"
"Aba sungit talaga kundi lang dahil obligado ako--" galit na sabi ni Kent.
"Hindi mo ko papakainin." seryosong sabi ko. Pinakaseryosong muka yung pinakita ko sa kanya.
"Hindi syempre papakainin pa rin kita kahit di ako obligado. Oh say ahhhh.." Ngumiti sya.
Ano ba to may sweldo ba sya kaya siya nagtitiis sa akin? Bipolar lang ang peg eh. Di mo maispelling.
Tagal maubos nung noodles........
Tagal maubos ng oras na magkasama kami ng Kent na to...
Tagal dumating ni Kyle ng buhay ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/2481488-288-k528071.jpg)