Chapter 2: I hate him once I hate him forever

116 0 0
                                    

Natapos yung Breaktime nang hindi ko man lang nalalapitan si Kyle dahil NAGPAPATUYO AKO NG DAMIT. Lecheng lalaki yun, gwapo sana e BASTOS lang talaga. Sayang T.T!!!!

Nagsimula na yung next class. Chemistry subject namin ngayon. Ewan ko ba kung bakit bored na bored ako at sobrang inaantok pero favorite ko naman Science eh, General Science nga lang. Ang dami kasi eklaber sa Chemistry eh, eklaber=solving. Yung mga mol. Oo, alam ko na hindi naman ako bobo pero kasi kung AYAW KO ANG ISANG BAGAY, AYOKO TALAGA. Nothing can change the fact. And the fact is, I hate Chem..

Nagulat ako nung........

"Ms. Reyes!" napabangon ako sa pagkakatungo nung narinig ko yun. Medyo nakatulog na rin kasi ako eh..

"Yes sir?" yes tama yan Jamie.. umakto kang may naintindihan ka kahit wala. Hay nakuuu. Bahala na nga si Batman!

"Based on our discussion earlier, the time when you're sleeping peacefully in your desk, How many atoms are in 0.909 moles of Silver?"

Crap. May math. My weakness. My goodness I'm dead. Pero kahit matalino ako, naniniwala pa rin ako sa sagradong paniniwala ng mga dakilang tamad na hindi nag-aaral: "People look look up for inspiration, down in desperation and left and right for information." Kaya tumingin ako sa up, left and right at nung tumingin ako sa down, hindi desperation inabot ko. Kundi INFORMATION. Nakanang chuchu Jamie swerte mo talaga kahit kelan.

Siguro di mo gets, may nakita kasi akong papel dun sa baba ko. nakalagay yung sagot.. edi sinagot ko na.

"Sir, 5.47x10 raised to 23 atoms of Ag po."

"You may now sit. And next time, PLEASE WAG MATUTULOG. Sayang ang talino mo." ang bait ni Sir Marky. Kahit natulog ako, pinagbigyan nya ko. Pero mas mabait pa rin talaga yung nagbigay sakin ng sagot. Alam ko galing sa likod ko yun eh.. tiningnan ko yung nasa likod ko magpapasalamat lang.

"Uy thanks nga pa-- hindi ko na natuloy yung sasabihin ko..

IKAW?!?!?!" Napasigaw ako. bakit sya pa!?!?! T.T hinding hindi ko makakalimutan ang muka netong laalaking to..

"Miss Reyes, What's wrong!?!"

"Nothing sir, I'm sorry. Please go on with your discussion."

So ayun. Nagpatuloy ang nakakalokong Chemistry subject habang pasulyap sulyap ako kay Mr. Whirlwind. whirlwind kasi napakayabang. Ang daming hangin sa katawan! Biruin niyo habang sumusulyap ako sa kanya, kinikindatan nya ko. Walanjaaa!! Asaaar.

Nagpatuloy pa yung ibang classes tapos nag-ring na yung bell. Mabilis akong lumabas sa room para magpunta sa canteen. Ayokong magpang-abot kami ni Whirlwind. Ang daming talagang kagulat-gulat na pangyayari ngayon..

may humawak sa kamay ko. "Jamie."

Ngumiti sya sakin. Tinawag nya pangalan ko. Kung pwede lang ivideo to ginawa ko na. Sino pa nga ba to sa tingin nyo? Kahit kelan talaga sya lang ang nakapagtatanggal ng Bad vibes ko..

"Oh Kyle, ano saan sino paano bakit--"

"Kalma lang Jamie parang di naman tayo magkakilala nyan oh. Tara punta tayong canteen, sabay na tayo. Treat ko!" *wink*

Kung alam mo lang Kyle...Nakakakilig ka forever :')) "Oh talaga? Dun din punta ko eh.." nakatungo lang ako. nakakahiya eh. Aminin kayo rin ganto pag nandyan crush nyo.

"Ano ka ba, act naturally nga. Kung di lang kita kilala siguro inisip ko na may gusto ka sakin." ginulo nya ung buhok ko. Yung parang sa aso. hahahaha

Edi hindi mo talaga ko kilala Kyle. Kasi.. matagal na kong may gusto sayo eh.. Pero hanggang ngayon, hindi mo pa rin maramdaman. AY MALI. KILALA MO KO, MANHID KA LANG. "Osige na nga.. Tara!"

Eto na siguro ang pinakamasayang Lunch break ng buhay ko! Sana lagi na lang lunch break. Sana lagi na lang nya kong niyayaya. Sana lagi na lang kaming magkasama...

Opposites AttractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon