Chapter 13: Kyle's POV

52 1 0
                                    

Hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako......

Hindi ko alam kung dapat ko pang ituloy to o itigil na lang kasi baka magkaroon pa ng malaking gulo...

School.

"Prayer leader."  sabi ni mam Glenda.

*Pray*

"ID. Sino walang ID?"

"Okay good morning class!"

"Good morning, Mam Glenda!"

"Sit down."

"Okay class, I have a very important announcement to tell you all....

...this month gaganapin ang ating Sportsfest."

Sari sari ang mga naging reaksyon ng mga kaklase ko. "YES!!!!" "YUN YON EHH!!!" "OKAY PETIKSSSS!!!!" "SANA MAGCHAMPION ULIT TAYO!" "SINO KAYA MVP!?" "BAKA SI KENT NA NAMAN." "AY HINDI MAGALING DIN KASI SI KYLE EH." "EH SINO KAYA MUSE?" "BAKA SI SELENA!" "YUN NA MUSE LAST YEAR EH" "WALA NAMANG IBANG MAGANDA DITO EH."

 "Meron kaya.... si Jamie!" sabi ko sa isip ko. Nagulat ako nung........

  "MERON KAYA... SI JAMIE!"HA? Si Kent?

"YIIIIIEEEEEEEEEEEE!!!!!" sabi ng buong klase

Nagseselos ako.

Hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman ito. Alam kong best friend ko siya pero hindi ibig sabihin nun e may karapatan na akong harangan yung kaligayahan niya. Eh kung sasaya ba naman siya kay Kent, bakit hindi? Alam niya namang palagi lang ako nandito para sa kanya para alalayan siya. Hindi ko siya hahayaang masaktan kasi mahal ko siya. Bilang kaibigan. Alam kong magulo pero kahit ako naguguluhan sa sarili ko. Kasi all these years, tinuring ko si Jamie na best friend ko. Siya yung taong gusto kong laging ipagtanggol, alagaan, arugain at mahalin......

bilang kaibigan. For 8 years I have treated her as my princess. Sa loob ng walong taong pagkakaibigan namin,

siya yung naging PINAKAIMPORTANTENG BABAE SA BUHAY KO.

PERO ALAM KONG HINDI TAMA TO.

kasi--

"Ano na naman bang-----!!!!! sabi ni Jamie.

"Quiet!"

"So.. ilista niyo sa 1/4 yung mga sasali sa Basketball. Sino Captain ball?"

"Mam ako na lang po!" sabi ni Kent.

"Okay, Kent. Ilista mo yung players niyo. As well as sa Volleyball, table tennis, badminton singles and doubles, chess."

After 10 minutes... natapos na ang paglilista ng mga sasali. kinolekta niya na yung mga listahan.

"And now... botohan naman tayo para sa MUSE at ESCORT."

 "HA? May escort na po mam?" sabi ni Selena.

"Yes, binago na ang patakaran. Besides, nakakadagdag din to ng opportunities sa mga boys para makakuha ng ECA points. okay.. now, the table is open."

"Mam! I nominate myself as the Muse of this Class!" sabi ni Selena.

"Who else?"

*kroooo* *krooooo* nagtitinginan lang sa isa't isa yung buong klase.

Gusto ko rin sanang iboto si Jamie... kasi alam kong matagal na niyang pangarap to eh. Matagal niya nang ginustong maging muse ng klase. Napagkwentuhan na namin to dati eh....

Opposites AttractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon