Guyss sorry dahil na delete ko iyong chapter 1, Inilagay ko na lang ang chapter 1 pagkatapos nang chapter 10. sana basahin niyo pa rin ito, thank you for your consideration.
Kanina pa ako tumatakbo at huminto narin ang ulan, kaya huminto muna ako para magpahinga. May nakita naman akong waiting shed sa tabi kaya pumunta ako doon para makaupo. Kinalkal ko ang bag ko. Kinuha ko yung cellphone ko para tawagan sana si mama kaso basa! Nako mukhang nasira pa...
Alas nwebe na pala baka hinahanap na ako ni mama, kaso ayaw ko pa umuwi ehh.. Hindi ko kaya na Makita nila ako umiiyak. Ayaw ko pa sabihin sa kanila ang nangyari sa amin ni Rence! Huhuhu hindi ko matanggap ang mga nangyayari! Bakit naman pinsan ko pa? at bakit naman pumatol si Ryz kay Rence? Napapaisip tuloy ako kung matagal na bang may gusto si Ryz sa boyfriend ko?
Kay Ryz ko kase sinasabi lahat ng tungkol sa relasyon namin ni Rence., ultimong kilig na nararamdaman ko kay Rence pinapakita ko sa kanya. Minsan pa nga sinabihan niya ako naba ka daw mamaya , sa sobrang kilig ko daw eh baka bigla daw mapalitan ng lungkot! Hindi ko lang matanggap na yung nagsabi pa sakin nun ang siyang dahilan ng pagiging malungkot ko ngayon![ Huhuhu] ....
"Miss bakit nasa labas ka pa po? Alas onse na po oh! Umuwi nap o kayo miss delikado dito!-"-
"Ayy sorry po! Opo uuwi na po ako..."
Tumayo na ako at naglakad na. marami pa naman ako nakikitang mga studyante ditto na naglakad lakad. Tatambay muna ako sa plaza, ayoko pa kase umuwi eh, gusto ko muna pakalmahin ang sarilli ko. Naglalakad nako papuntang plaza kaso naalala ko pala nay un yung madalas na tambayan naming ni Rence! Ayoko doon, ayoko siyang maalala sa ngayon huhuhu... kaso lahat pala ng pwedeng tambayan sa bayan napuntahan na namin.
Napagdesisyinan kong umuwi na lang. dibale sasabihin ko na lang kay mama na masama pakiramdam ko na gusto ko na matulog na ayaw ko ng istorbo,. Kaso masyadong OA mama lalo na yung kambal kong kapatid na lalaki, oo kambal sila at kahit na matanda ako sa kanila ako daw yung prinsesa nila!
Napahinto ako at tinignan ang isang bahay. Nakita kong may mga ilaw doon na umiikot at may malakas na tumutugtug. Feeling ko may party sa bahay na ito. Mabuti pa sila nagsasaya, makikita mo talaga sa mukha nila na ang sasaya nila at parang walang problemang dinadala. Chill lang sila hahaha sana ganyan din ako.,
"Do you want to go in miss?"
Nagulat ako nang may biglang nagsalita sa likod ko at pagtingin koi sang napakagandang binibini ang aking nakita! As in maganda talaga siya, kasing ganda CATRIONA GRAY.
"Ahh naku hindi miss sige aliis na po ako."
I saw how you starring in that house, parang gusto mo makisali sa party, and nakikita ko sa mga mata mo na kakagaling mo lang sa iyak, may nangyari ba? Nanakawan kaba kaya ka umiyak? Halika sasamahan kita sa pulis station, may kakilala ako doon! Nag aalalang sabi niya sa akin. Natawa ako sa sinabi niya
"Hahahahahahahahahahaha!!!"- Nagtaka naman siya sa tawa ko nang sobrang lakas, kase naman nakakatawa talaga, mukha ba akong nanakawan? Porket umiyak lang tas nakatingin sa bahay niya kuno? Haha grabe!
"Why are you laughing? Nagtataka niya talagang tanong!"
"Kase naman miss ganda umiyak lang eh nanakawan na agad diba pwedeng hearbroken kase niloko ng pinakamamahal na boyfriend?"- Haha...-nakangiti kong sabi sa kanya.
"Ahh so you are heartbroken right now? Hmm that is why you are crying and looking in my house? Because you want to be happy like them right?"- Napatango naman ako sa sinabi niya., infairness ha alam niya nararamdaman ko., predictionist ba siya? Haha charrr ang gandang predictionist niya naman lung ganon!
BINABASA MO ANG
Sacrifice For Love
General FictionRishly Jane Perez, is a simple girl with a simple life. She already contended with everything she have. A family, friends and her loved ones. But her relationship with someone doesn't know by her mother, because its a secret. But that's not necessar...