Chapter 9

61 37 10
                                        


"Nagugutom kana ba? We can eat in our restaurant."

Nandito na kami sa sasakyan Niya ngayon, dahil dito niya na ako pinasakay. Kanina pinauna niya na si mang berto na umuwi at sinabi niya na idaan Yung gamit ko sa condo niya daw. Sinabi ko kasi sa kanya na ayoko muna umuwi, nagstay pa kami muna don ng isa't kalahating oras Kaya ending Gabi na kami nakaalis. It's already 7, Kaya nagugutom na din ako pero nahihiya ako sa kanya, Hindi ko siya close at isa pa parang Ang sungit sungit niya well masungit Naman siya,Yung mukha Niya kase parang mananapak ng Tao, pero kapag nagsasalita Ang lambing ng boses.

"Hindi pa ako gutom." Napahawak ako bigla sa tiyan ko ng biglang tumunog Ito, Hindi ako tumingin sa kanya Hindi niya naman narinig diba? Mahina Naman Yung tunog eh.

"Are you sure" naniniguradong tanong niya na may kasama pang tawa. Hayss narinig niya nga, Hindi na ako sumagot. "Okay kakain tayo, I'm also hungry." Biglang aya Niya. Dina ako nagsalita.

Hininto niya yung sasakyan at inutusan niya akong bumaba. Bumaba na din ako at Maya Maya Lang ay bumaba din siya, tinawag niya Yung guard at binigay niya Yung Susi. Inaya niya na ako at pumasok na kami sa loob, nasa likod niya lang ako.

"Good evening sir!" Ngiting Sabi ng mga waitress at pagkatapos nilang batiin si Marcellus ay saka sila titingin sakin ng may pagtataka. Tinitignan ko nalang din sila ng may pagtataka habang nasa likod ako ni Marcellus.

"Ms. Judy please serve us the best food."

Pagkatapos niyang sabihin yon ay umupo na siya Doon sa may dulong lamesa na pangdalawahan na Tao lamang Kaya umupo na din ako sa harap niya.

Habang hinihintay namin Ang pagkain ay may katawagan siya sa cellphone niya habang ako naman ay nakatingin Lang sa labas tinitignan Ang mga taong naglalakad kahit Gabi na. Mga sasakyan din na dumadaan daan.

Nakatuon lng doon Ang atensyon ko nang biglang dumating Ang pagkain. Sakto pabalik na din si Marcellus mukang tapos na siya sa katawagan Niya. Sakto gutom na ako, mukhang masasarap Ito ah,

Nagsimulang na kami kumain, walang imikan, walang nagsasalita ni Isa man samin. Gutom lng talaga kaming dalawa.

Nang matapos kami ay tumayo na siya at naglakad palabas Kaya dali Dali akong sumunod.

" Uyy teka Marcellus! Yung kinain natin Wala pang bayad Tanga, ayoko pang makulong, uyy Naman eh! Marcellus!"- tumingin Naman siya agad sakin ng bigla Kong sinigaw pangalan niya. Kase Naman bigla ko na Lang naalala na Hindi pa pala kami nakakapagbayad. Wala Naman akong peers dito dahil mahirap lang ako siya mayaman..

"We owned that restaurant, no need to worry" nakangiting Sabi niya. Ayy oo nga pala! Bat ko nakalimutan yon? Sinabi niya pala kanina yon haha.

Nakasakay na kami sa kotse niya at nasa daan na kami papauwi. Sabi niya sa bandang cainta daw Yung condo niya Kaya medyo malapit na kami pero mukha ding matatagalan dahil traffic.

Nagtataka Lang ako Kung bakit ag bait niya? Tsh samantalang eh Ang unang pagkakakilala ko sa kanya ay masungit. Siguro tama nga si mama na mabait talaga itong si Marcellus. Pakikisamhan ko na Lang Yung kabaitan niya.

Huminto Ang sasakyan sa isang tapat nang malaking building. Wow! As in wow! Ang taas.

"We're here now" tinatanggal niya Yung seatbelt niya kaya tinanggal ko na Rin Yung akin. Bumaba na siya Kaya sumunod ako sa kanya,

"Good evening Sir Marcellus" pagkapasok namin sa entrance ay binati na siya kaagad ng guard pati lahat ng madadaanan naming mga trabahante, samantalang ako nakasunod Lang sa kanya na parang aso Kaya nagtataka Yung mga tao.

Sacrifice For LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon