Chapter 4

99 50 70
                                        



"Oo at next month na ang kasal!"

"Ano? Teka naman po! Ikakasal po kami nitong pangit na anak niyo? Hindi po ako papaya.!"

Aba! Bakit ako ipapakasal diyan sa hayop na iyan? Akala ko ba ipapakulong naming siya at sinabi pa sakin nitong tatay niya kagabi na naiintindihan niya ako! Akala ko sang-ayon na siya sa desisyon ko,! Naku ayaw ko magpakasal ditto sa lalaking to! Kahit gwapo pa ito!

"What? You sure im ugly? Hmm miss? And para sa kaalaman mo din miss ayaw ko magpakasal sa iyo! Dad? What is this all about? –"-

"Ace anak, si-

"Ha! Akala mo ha! Mr. Anderson pogi, akala ko naman po ipapakulong natin tong anak ninyo? Diba po sinabi niyo iyan sa akin kagabi? Diba galit na galit pa po kayo? Paanong ipapakasal niyo po ako jan sa anak niyong magnanakaw ng halik? Hindi po ba pwedeng kayo na lang pakasalan ko?"

Napatakip ako bigla sa bibig ko. Hala huhu bakiit ko sinabi yun? Oo na type ko na yung tatay nila! Keshe nemen mge sesss ehhh., ayyy self ano ba yan anjan yung asawa oh! Napatingin ako kay tita Eunice na nakangiti lang talaga sa akin. Yung totoo, mag-asawa ba sila? Bakit parang walang pakialam itong nanay nila, eh kase itong mga anak niya nagulat sa sinabi ko eh, as in gulat na gulat,

"what? Ate wag naman po si daddy, si kuya na lang total nahalikan mo naman na eh. Ayaw po kitang maging step mother!"-  Napatingin ako sa bunso nila ng magsalita ito. Hala, nagi guilty tuloy ako, hindi naman siya mukhang nagagalit malumanay lang kase siya magsalita eh, Napahalakhak ng malakas yung mommy nila kaya napatingin kami sa kanya, tumingin siya sa akin ng may ngiti sa labi sabay sabing,

"hahahaha nakuha mo yung ugali ng mama mo iha hindi nga lang yung height, naalala ko nung kabataan namin nila mama mo, ganyang ganyan din ang biro niya sa akin hahaha, well gwapo naman talaga itong si Mattius yun nga lang may pagka masungit din."

"Enough mommy! dad ? hindi ko papakasalan ang babaeng yan! At ikaw miss umalis kana, huwag mo nang subukang magpapansin sa dad ko hinding hindi din siya magpapakasal sa iyo! GET OUT!"

Napakalakas ng pagkakasabi niya ultimong mga kasambahay eh napasilip sa pinto pati mga bodyguard nila dali daling nagpunta dito sa kinakainan namin.

"KUYA!"-  Sigaw ni cidney sa kuya niya at tinignan niya ng masama, kaya bago pa aila mag away ay nagsalita na ako,

"Talagang aalis ako dito no! no need to shout at me, at FYI hinding hindi din ako magpapakasal sa iyo! Ang panget mo sobrang panget, mas gwapo pa tatay mo sayo no. tss kalalaking tao eh...."

"Berto send her home."-  Rinig kong sabi ng daddy nila pero hindi ko na pinansin, habang papalabas ako nakita ko yung shoulder bag ko sa sofa nila kaya kinuha ko iyon sabay naglakad na papalabas.

Pagkalabas ko ay may nakita akong napakagandang kotse na nakaparada sa harap, bumukas ito at niluwa nito yung berto, sinabi niyang ihahatid niya na daw ako sa amin. Tatanggi pa sana ako kaso naalala ko na kulang pala pamasahe ko kaya sumakay na ako. Sayang din aircon. Tumigil na iyong sasakyan sa tapat ng bahay namin kaya bumaba na ako. Nagppasalamat muna ako at pumasok na sa bahay. Nakita ko sila mama na nandoon sa lamesa kasama ang kambal kumakain, aba naman! Doon ako dumiretso.

"Mama!"

"Oh neng anjan kana pala, ano kamusta doon kila Eunice ha? Mababait pa ba sila ha? Pinakain kaba don? Nga pala may naghahanap sayong lalaki kaninang madaling araw! Sino ba iyon neng, lasi-" - nagulat ako sa sinabi ni mama at hindi ko na siya pinatapos, nagsalita na ako agad.

"Nasaan na siya mama?"

"Eh iyon nga pinatuloy ko muna dito, aba lasing na lasing kanina nakakaawa naman yung batang yun kung pabayaan ko lang jan at saka kaibigan mo naman daw. Teka nga lang neng kelan ka pa nagkaroon ng kaibigan na lalaki ha? Diba sabi ko sayo "–

Sacrifice For LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon