Chapter 15

75 25 3
                                    



'Salamat sa paghatid.'- pasasalamat ko kay Arvid.

'Wala yun, ayos lang bumaba kana bilis.!'- tignan moto ang ganda ng pagkakangiti ko eh.

Nginitian ko na lang siya ng pagkalaki-laki para lalo pa siyang maasar. Nang makababa naman ako ay biugla niyang pinaandar ang kotse niy. Ang yabang talaga nitong lalaking to. Porke inlove eh! Hahaha.

Kanina kase napaamin ko itong lalaking ito. Habang kumakain kasi kami pana'y ang tingin kay Kristela na kumakain sa kabilang lamesa kasama si Roger. Nang magsabi si Thea na magccr siya ay saka ko tinabihan si Arvid na hindi niya napansin kaya naman binulungan ko siya.

'Hoyy baka matunaw yan'- bigla siyang napalingon sa akin at saka nagulat.

'Ano ba Jane? Bakit ka nanjan? Nasaan si Thea?'- nanlalaki ang mga mata niya habang tinatanong ako. Tss. Tapos pati ilong pa nga lumaki ang butas.

'So anong meron kay Kristela?'- nanunuksong tanong ko sa kanya. Huminga siya ng malalim at akala ko magsasalita na siya pero nagging sunod-sunod ang paghinga niya ng malalim tapos hindi pa makatingin.

Halatang kabado!

'Ano ba sinasabi mo ha? Bumalika nga sa upuan mo!' – sabi niya saka nagkunwaring kumakain. Sus obvious, akala kaaya nito hindi ko alam ang ganyan moves hahaha, eh napagdaanan ko iyan eh.

'Ah maang-maangan ah!'- bigla ako napangisi at saka bumalik sa upuan ko. Pagkaupo ko ay sumigaw ako.

'Kristela'- nakatingin ako kay Arvid na ngayon ay pinanlakihan nanaman ako ng mata. Deny pa...

Tumingin ako kay Kristela ng nakangiti saka ko siya sinenyasan na lumapit sa mesa namin.

'ahh pwedeng dito kana umupo may mga bagay kasi akong itatanong sayo eh. Sige na..' nagpout ako para mas effective.

'ayy sige po ate wait lang po kukunin ko po yung pagkain ko po.' Nakangiti siya saka bumalik sa mesa nila, may sinabi siya kay Roger na bigla naman tumingin sa amin kaya nginitian ko siya.

Maya maya ay pumunta na dito si Kristela habang si Roger naman ay tutulungan daw muna ang nanay niya na magserve ng pagkain..Pinaupo ko si kristela sa upuan ni Thea which is katabi si Arvid.

Nagtaka naman ako, hanggang ngayon kasi wala pa si Thea. Nyii ano nang nangyari doon. Pero mamaya na siya may kailangan pa akong paaminin hahaha.

'Ate ano po pala ang itatanong ninyo sa akin?'- nakangiti siya habang nakatingin sa akin.

Tinignan ko naman si Arvid na parang tuod na sa upuan. Bago ako nagsalita ay nginisihan ko siya at siya naman ay palihim niya akong sininghalan tapos yung tingin pa parang nangbabanta.

'Itatanong ko lang sana kung ilang taon kana?'- kunwari ay curious na curious ako about sa age niya para hindi halata.

'18 na po ako ate'- nakangiti niyang sabi sa akin.

Nilingon ko si Arvid na mukhang tanga na palihim ngumungiti. Jackpot daw kase hindi child abuse nasa tamang edad nah haha.

'Ah nagkaboyfriend ka na ba?'- nakatingin ako kay Arvid habang tinatanong ko kay Kristela iyon.

Nakita ko naman ang unti unting pagtingin sa akin ni Arvid kaya bago pa siiya tuluyang makatingin ay agad ko ibinaling kay Kristela ang paningin ko.

'Bakit po ninyo natanong ate?'- nagtatakang tanong niya.

'ah wala lang, I'm just curious kase ang ganda mo eh. I wonder kung meron na ba or ilan na ang nagging? Hehe..'- na-aawkardan kong paliwanag sa kanya at mukhang kumbinsido naman siya sa explanation ko.

Sacrifice For LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon