Chapter 18

24 9 0
                                    


Ringgg (vibrate) Ringgg (vibrate)

Dahan dahang minulat ni Jane ang kanyang mga mata nang maramdaman niyang parang nakukuryente siya. Nang madako ang pangin niya sa kamay niya na kung saan nakadikit ang cellphone niya sa kanyang mga daliri ay siya namang tunog niyon.

Sino naman itong tumatawag na ito, bwesit istorbo sa tulog! Sambit ni Jane sa isip niya.

Nang makita niya kung sino ang tumatawag ay binaba niya kaagad ang cellphine niya at saka pinikit ang mga mata. Ngunit maya maya lang ay bigla nanaman tumunog at hindi niya pa din ito sinagot, hanggang sa nag paulit-ulit ito kaya naman inis niya kinuha ang kanyang cp saka ito inis na sinagot.

'Ano?!'- asar na ani ni Jane sa tumawag na walang iba kundi si Marcellus.

'Nasaan ka?'- Kalmadong tanong ng binata sa kanya.

'Nandito sa bahay!'- anang ni Jane na humihikab pa.

'Anong oras na ah, kagigising mo lang?'- Takang tanong ng binata.

Paano kasi ay tanghali na, Pero ang mga kasama ni Jane ay tulog pa hanggang ngayon.

Maagang nagising si Marcellus kahit pa na siya ang walang tulog dahil sa bukod siya ang nagmaneho buong biyahe.

Tinignan ni Jane ang oras sa kanyang cellphone at doon niya nakita ang oras na tanghali na talaga, 12:30 na.

'Ah oo nga sige gisingin ko na mga kasama ko- '

Papatayin na sana niya ang tawag nang magsalita agad si Marcellus.

'Wait, nandito ako sa labas pagbuksan mo ako.' Anang ni Marcellus na siya na ang tumapos ng tawag pagkatapos niya sabihin iyon.

Nagtaka naman ang dalaga, dahil bakit nasa labas ito? Dapat nasa lungga siya ng ate niya. Sa isip isip niya.

Tumayo na siya at lumabas sa kwarto niya. Nakita niya agad ang tao doon sa sala nila, Gising na si Roger habang si Arvid naman ay tulog pa.

'Magandang umaga'- nakangiting bati sa kanya ng binata na tinanggal ang earphone sa tenga.

Lumapit naman sa pinto si Jane para buksan iyon habang binati niya din pabalik ang binata.

'Magandang umaga din'- nakangiting ani niya at tuluyan ng binuksan ang pintuan.

Nakita niya agad ang sasakyan sa labas kung saan lumabas si Marcellus ngayon. Nakaparada kasi ito mismo sa tapat ng bahay. Yung sasakyan naman ni Arvid ay nakaparada sa tabi kaya naman hindi ito kita mula dito sa bahay nila.

Bumaba na ng sasakyan si Marcellus at tuluyan ng naglakad papalapit sa kanya.

Bakit ganon? Bakit ganyan siya kagwapo? Wala sa sariling sambit niya sa isip.

Marcellus is wearing a plain fit t-shit na kulay brown at pinartneran niya ng short na pambahay tapos naka tsinelas lang siya.

Even na ganon ang porma niya, ang lakas ng dating. Tuluyan ng nakalapit sa kanya si Marcellus kaya naman tumikhim siya saka niya niluwagan ang bukas ng pinto.

'Bakit ka pumunta dito'- bago pa man makapasok ang binata ay tinanong na niya ito hindi na alintana sa likuran si Roger na nandoon at naglalaptop habang naka earphone.

'To remind you na inaasahan tayong dalawa ni lolo ngayon sa mansyon niya.'- hindi makita ni Jane kung ano ang reaksyon ng lalaki dahil nakasalamin ito na kulay black.

Sacrifice For LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon