Naghahanda na ako para sa pagpasok ko. Alas 12 na kase at may klase kami ng 1. Wala na dito Sina mama at Yung kambal dahil pumasok na sila at si mama ay nasa palengke na.lumabas na ako sa kwarto at lumapit sa lamesa para kumain. Mabuti na Lang may natirang kanin kanina, binuksan ko Yung mega na sardinas. Ito kase Ang nasa lamesa.
Nang tapos na ako kumain ay nagtooth brush na ako, nang tapos na sa lahat ay lumabas na ako at nilock Ang pintuan. Actually Wala akong duplicate kase madalas na maaga umuuwi si mama kase maaga Ang uwian ng kambal. Ala 6 kase uwian nmin. Pero ngayong Friday ay alas kwatro Kaya ako Ang susundo sa kambal a sigurado na iniwan na no mama Yung Susi sa kambal,ganon Naman lagi.
Nandito na ako sa school at naguumpisa na ng klase namin sa literature. Actually Hindi ko napansin na dumating Yung professor namin dahil napatulala ako ng matagal, kaya ayun nang mahuli Niya ako tinanong niya ako ng sangkatutak na tanong pero nasagot ko Naman haha. Wala Yung next subject teacher namin Kaya balak Kong tumambay sa library.
"Rish!" - rinig Kong sigaw ng groupmates ko sa p.e namin. Tinignan ko Naman sila at hinintay na lumapit sa akin, - "Pinapasabi ni ma'am Aquino na pumunta ka daw sa kanya kapag may vacant tayo or sa uwian daw, kausapin ka daw regarding don sa pag skip mo nang dapat performance natin kanina, naku! Mabuti na Lang individual ang grades Doon, Kaya nakapagperform pa Rin kami Yun nga Lang Hindi siya okay Wala ka kase eh,."
"Oo nga on the spot tuloy kami! Naku ka Rish."
Nagiguilty tuloy ako sa kanila, pero inaalala ko rin Yung grades ko! Naku Po scholar pa Naman ako! Huhu... Nagpaalam na ako sa kanila at nagsorry na rin,. Nandito na ako sa office ni ma'am Aquino at kinakausap niya na ako.
"Miss Perez sana hindi na maulit ito , scholar ka pa naman."
"Opo ma'am sorry po ulit."
"Oh siya sige na makakaalis kana, make sure na talagaang magiging attentive kana sa academics mo, that's important."
"Okay Po ma'am,thank you Po."
Tumayo na ko at lumabas na. Habang naglalakad ako papuntang library nakasalubong ko nanaman Yung mga kaklase ko, niyaya nila akong sumama Sa kanila kaso tinanggihan ko na . Kailangan Kong mapagisa ngayon para makapag isip ako ng maayos.
Nandito na ako sa library at umupo ako sa pinaka dulo. Inisip ko nanaman Yung grades ko, dibale na isang activity Lang Naman Yun, pero Yung isang Yun Lang ay malaki ng bawas Yun sa grades huhu. Babawi talaga ako s recitation niya at exam kala Niya ha! Tsss Kaya ko yon,parang p.e. Lang eh! Hehe,
Gaya nga ng inaasahan ko umuwi kami ng alas kwatro, niligpit ko na lahat nang gamit ko at naglakad na palabas, marami akong mga nadadanan na studyante, nginingitian ko Yung mga kakilala ko, yung iba kase mga dati Kong naging classmate noong highschool. Napatingin ako sa isang building kase naalala ko Yung kaibigan ko na nagaaral din dito pero magkaiba kami ng course.
Lumabas na ako, Hindi ko din Naman kase mahanap si Sarah sa loob. Napahinto ako sa may malapit sa waiting shed, kase Naman, dito ko laging hinihintay si Rence eh, kapag free time siya sinusundo niya ako at diyan sa tapat ng waiting shed siya naka park Yung kotse.
Namimiss Kona talaga siya. Tapos ngayon habang nakatayo dito at binabalikan Ang alaalang nagdaan may bigla namang sumingit! May bigla kase dumaan sa harap ko mismo, magjowa at parang slowmo pa ng paglalakad nila, napakasweet! Bwiset, tinignan ko sila nang masama sabay sabing,
"Maghihiwalay din kayo huyy! Kala niyo ha!"
Tinignan nila ako ng Masama lallo na Yung babae, haha epic eh, hindi na sila sumagot naglakad na sila papaalis. At ako Naman ay winaksi na Rin Yung iniisip ko kanina, Ang hirap Naman magmoveon guys haha. Naglakad na ako pauwe, kulang kase allowance ko para sa isang linggong ito, nakakahiya Naman Kay mama. Papunta na sana ako sa school ng kambal ng nagtext SI mama, sinundo niya na daw Ang kambal Kaya umuwi na ako.

BINABASA MO ANG
Sacrifice For Love
Fiction généraleRishly Jane Perez, is a simple girl with a simple life. She already contended with everything she have. A family, friends and her loved ones. But her relationship with someone doesn't know by her mother, because its a secret. But that's not necessar...