Chapter 17

48 13 13
                                    

'Guys wala na ba kayong naiwan?'- pasigaw na tanong ko.

Ngayon kase ang alis namin papunta Atimonan para samahan si Roger doon ang kaso nag insist si Arvid at Thea na sumama.

Bale lima kami. Ako, Roger, Kristela, Thea at Arvid. Pinilit sinama ni Roger si Kristela dahil daw para naman makagala gala ito.

'Wala na po madam,'- nakangisi at may nanunudyong boses si Arvid nang sabihin niya iyon.

'okay let's go children.'- sinakyan ko naman ang biro niya at natawa silang lahat.

Dapat ay magco commute na lang sana kami ni Roger pero dahil sumama sila Arvid at sinabi ngang wag na daw magcommute at meron naman daw siyang sasakyan.

Sports car niya ang dinala niya kaya ang resulta sikip kami ngayon oh diba napakayabang talaga nitong lalaking ito..

Akala niya magugustuhan siya ni Kristela dahil lamang sa sports car na ito tsh.

'Bakit ito ang dinala mo Arvid tignan mo ang sikip naming tatlo diti ngayon!'- naghihumutok na si Thea dahil nga sa sikip namin dito.

Nasa unahan ang dalawang lalaki at si Arvid ang nagdadrive since siya lang naman marunong. Totoong masikip dito sa amin at mabuti na lang nagreklamo na itong si Thea.

Para namang napapahiya si Arvid lalo na nang lingunin niya si Kristela na hindi mapakali. Bale pinanggitnaan namin siya ni Thea.

'Meron namang van sa inyo diba?, bakit hindi iyon ang dinala mo?'- asik ni Thea. Ngali ngali niya pa itong binatukan.

'Aray ko!,... Thea pasensya kana kase ang alam ko ay hindi ka sasama kaya ito ang dinala ko pang four person lang.'- nanggigigil na sabi ni Arvid kay Thea.

'Abat, talaga naman oh...'- magsasalita pa sana si Thea nang pigilan ko ito.

Hindi na talaga nahiya tong magpinsan na ito.

'Ano ba tama na nga yan... Hindi na kayo nahiyang dalawa sa kasama natin!'- nakakunot ang noo ko ngayon. Na stress na ako dito sa dalawang to. Maling mali na sinama ko pa.

Tumahimik sila pagkatapos kong sabihin iyon parang doon lang natauhan.

Nang may kumatok sa bintana namin. Si Marcellus!

Eh? Ano ginagawa nitong lalaking ito dito? Nandito kami sa tapat ng bahay nila Roger na papaalis pa lang.

"Third Person POV"

Gulat ang makikita sa mga mata ni Jane nang makitang si Marcellus na nandodoon na kumakatok sa tapat mismo ng bintana niya.

Habang si Thea naman ay nasa mukha ang pagtataka ganon din ang mga kasama. Binaba ni Arvid ang bintana sa gilid ni Jane na ngayon ay gulat na gulat pa din.

'Hey bro'- ani ni Arvid na parang close sila kung batiin niya ito.

Tinignan ito ng binata at saka tinanguan kalaunay ibinalik ang paningin kay Jane.

Binuksan niya ang pintuan at tsaka niya sinenyasan si Jane na bumaba. Agad naman bumaba ang babae.

Kahit may nagtataka ay bumaba na ng sasakyan si Jane dahil mahirap na kung doon sila magusap. Nagpaalam siya sandali sa mga kasama niya.

'Guys wait lang ah kausapin ko lang si Marcellus.'- nakuha pa niyang tumawa kahit na kabado at nahihiya siya.

Kabado dahil sa presensiya ni Marcellus sa hindi niya malamang dahilan at Nahihiya naman para sa mga kasama niya.

Sinabayan ni Thea ang tawa ng dalawa para naman hindi awkward.

'Sige be hintayin ka namin dito.'- sagot ni Thea.

Sacrifice For LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon