Chapter 33 - Explanation: To Listen or Not?

85 7 0
                                    

Youtube Update:
Hottest and Best THAI BL KISS 2019 | Sweet Throwback Edition | Kiss Series

Warning!
Not your ordinary Man x Man story.
Sizzling hot! Controversial! Tear jecker! Love-Filled!
ALL Emotions in One Gay Love Story

Chapter 33: Explanation: To Listen or Not?

"Y- you love me?" Nauutal pero sarkastikong tanong ni Stefan kay Andrei. "Ako mahal mo? Hahaha!" Saka siya pilit na tumawa.

"Anong nakakatawa don Stefan?" Tila galit na tanong nito. Seryoso ang mukha nito habang nakikipagtitigan sa kanya. Wala naman siyang tigil sa pagtawa.

"Everything! Everything about it is funny! Hahaha!" Tugon niya.

"Stop laughing! Pwede ba?!" Saka ito lumapit sa kanya. Akmang hahalikan pa siya nito ngunit sinuntok niya ang lalaki. Nakadalawang suntok na siya rito in just one night.

"Don't you dare Andrei! Wag mo na akong paglolokohin pa! Hindi ka nagparamdam! Iniwasan mo ako! Tapos sasabihin mo sa akin makalipas ang maraming buwan na mahal mo ako. Sinong maniniwala sayo? Sino Andrei? You fooled me once and that's enough. Umasa ako. Alam mo ba 'yon? Nag- expect ako ng explanation. Kung bakit may nangyari sa atin. Kung bakit ka umiwas. Well yung pag- iwas medyo gets ko naman. Kasi ayun nga may nangyari tapos ikakasal ka pa. Maybe you're just confused with your sexuality. May issue ka pa sa sarili mo. Please lang wag mo na akong idamay." Marami na naman tuloy siyang nasabi rito. Nailabas na naman niya ang galit at inis dito.

"Yes I'm confused. Pero alam ko na ngayon na mahal kita. Let me explain once and for all. Let me show you how sorry I am." Tugon nito habang nagpupunas ng dugo sa labi. And he's even crying.

Doon naantig ang damdamin ni Stefan. Tila siya naman ang na-confuse. At the back of his mind he wanted to listen to his explanation and believe that he loved him. Pero buo na ang kanyang loob at isipan. He was over him and to his feelings for him.

"Shut up Andrei. Huli na nga ang lahat. I don't need an explanation. I'm here to enjoy. Ayoko na ng stress from you. Leave me alone." Saka niya ito tinalikuran at lumakad palayo. Sumunod naman ito. Matahimik na sumunod sa kanya. He was walking behind him.

"I'll respect your decision. But I won't stop. Papatunayan kong mahal kita Stefan." Saad nito habang naglalakad sila.

May kung anong kumurot sa kanyang dibdib. Tila nagsasabi talaga ito ng totoo. Nagtatalo na ang kanyang puso't isipan.

Pagbalik sa kanyang kwarto matapos hindi lingunin si Andrei pero matinding pakikiramdam ang ginawa niya ay agad niyang tinawagan ang ina. Kinuwento niya ang lahat ng nangyari at ang mga sinabi ni Andrei.

"OMG nak! Mukhang naguluhan lang talaga noon si Andrei! Mukhang mahal ka nga niya! Sinundan ka pa niya dyan sa Boracay!" Halos tumiling komento ng ina matapos niyang magkwento.

"Ma? Mama ba talaga kita? Bago ko umalis yung payo mo sa akin mag- move on na. Ngayon parang kinikilig ka na dyan. Ano ba talaga? Nagpapaniwala ka dun sa lalaking 'yon." Mataray na tugon niya rito.

"Sa sandaling panahon na nagkakilala kami niyang si Andrei nak nakita kong mabuti naman siyang tao. Sobra nga akong nanghinayang sa nangyari sa inyo hindi ba? Baka kasi nak may explanation siya talaga sa mga nangyari. Baka kailangan mo lang 'yung pakinggan. Alam kong long overdue na 'yun. But still you owe that explanation from him." Payo nito.

Napaisip na naman si Stefan saka isang malalim na buntong - hininga ang kanyang pinakawalan.

"Hindi ko na alam ma. May side rin naman ako na gusto kong pakinggan ang paliwanag niya. Pero sobra na akong nasaktan eh. Nagmukha akong tanga kahihintay sa paliwanag na yun ma for months. Ang hirap lang lalo na ngayong ready to move on na ako. Isa pa kung ganitong marami siyang issues ayusin niya muna ang sarili niya. Ayokong madamay sa mga pinagdadaanan niya."

"Alam mo nak. Hindi ba't magkaibigan kayo? Baka kailangan mong madamay sa mga pinagdadaanan niya? Baka kailangan ka niya. Baka mas matindi yung sakit na naramdaman ni Andrei..."

Mahaba pa ang naging kumustahan nilang mag- ina pero napaisip siya sa mga sinabi nito. He might consider listening to him. Saka siya dinalaw ng antok.

Kinabukasan ay maaga siyang sinundo ni Hanz sa kanyang kwarto.

"Good morning!" Masigla at nakangiting bati nito.

"Good morning. Ang aga mo yata?"

"Dayoff ko ngayon. I want to join on your activities. Oks lang ba?" Tanong nito.

"Sure. Island hopping ako today. Snorkeling din and other water activities."

"Great! Matagal- tagal ko nang hindi nagagawa ang mga yan dito dahil nakulong na ako sa hotel at wala akong makakasama." He paused. "And Andrei wants to join us. Oks lang ba?"

"Huh?" Nagpantig ang kanyang tainga sa huling tanong nito.

"Ayaw mo ba? Hindi ka ba komportable kay Andrei? Medyo mahangin lang talaga yun pero mabait yun. You'll enjoy his company."

Pinag- iisipan na niyang pakinggan si Andrei sa mga paliwanag nito pero ayaw pa niyang makasama ito. Lalo na sa mga activities niya sa isla. He wanted to enjoy his vacation. Mabilis siyang nag- isip ng alibi.

"Ah eh. Hindi naman sa ganon. Pero... pero... pero ayaw mo ba akong masolo?" Medyo paasa pero yun ang naisip niyang palusot.

"What? Sorry Stefan?" Namumula at nangingiting pagkokompirma nito.

"Ah eh... ayaw mo ba akonb masolo? Moment sana natin 'to di ba? Para makapag bonding pa tayo lalo. Yung ikaw sana ang kasama ko sa mga activity na 'yun." Dagdag niya upang mas kumbinsihin ito.

"I would love that Stefan. But..."

"But? Hayaan mo na yung kaibigan mo." Saad niya.

Hanggang sa biglang lumabas si Andrei. Tila nandoon lang ito at nakatago sa labas. At narinig nito ang lahat ng pinag- usapan nila ni Hanz.

"Wag kang mag- alala. Hindi ko kayo iistorbohin." Sambit ni Andrei na kakaiba ang mga titig sa kanya.

What the hell. Nabanggit ni Stefan sa kanyang isipan.

I STILL LOVE YOU STEFAN (ManXMan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon