Chapter 73: Regrets

51 6 0
                                    

Chapter 78: Regrets

Pag- uwi sa kanilang bahay ay kaagad na sinalubong si Stefan ng inang si Stella. Niyakap siya nito nang ubod ng higpit.

"Maaaaaaaa!" Muli siyang naluha. Kumuha siya ng lakas mula sa ina.

"Anak. Tahan na. Tahan na. Kaya mo 'yan." Walang tigil ito sa paghaplos sa kanyang likod. "Malalampasan mo rin 'to."

"I need to prepare my things ma." Saka siya umalis sa pagkakayakap dito.

"Wag na kaya anak. Wag ka na muna kayang umalis. Baka hindi ka kumain doon eh. Baka pabayaan mo ang sarili mo. Mag- aalala lang ako sayo."

"Ma. I'll be fine. Aalagaan ko ang sarili ko. I need to go away. I need to forget. Isa pa kasama ko namang maa- assign sa Thailand si Chester. May magbabantay sa akin. Araw- araw din tayong magvi- video call." He assured his mother.

Kinabukasan ay maaga siyang nagising upang maligo at magpunta sa airport. Hinatid siya ng ina roon. Matinding iyakan na naman ang naganap bago sila magpaalaman sa lobby ng airport.

"Please take care of yourself anak. Wag mong pababayaan ang sarili mo huh?"

"Ikaw din ma. Wag mong papabayaan ang sariili mo."

"I love you nak."

"I love you too ma."

Habang naghihintay sa Gate 4 ng airport ay nakaupo lang si Stefan at nakatingin sa malayo. Pinagmamasdan ang mga eroplanong lumalapag at umaalis.

"Baka you'll regret ang pag- alis mong ito Stefan? Sure ka na ba?" Tanong ni Chester na hindi niya namalayaang inaabutan na pala siya ng kape. "Inom ka muna."

Kinuha niya naman iyon. "Thanks." He sighed. "Mas okay na ito. Mas okay nang lumayo. Malay mo naman pagbalik natin bumalik na ang alaala ni Andrei. Maging kami ulit. Hindi ba?"

"Paano kung may makilala kang iba sa Thailand? Very open ang mga Thai sa LGBT relationship. Excited na nga ako eh."

"Naku mukhang si Andrei na ang huling lalaking mamahalin ko." Then he drew a smile on his face while thinking of him.

"Nakakapagselos na talaga kayo. Hindi mo na ako nabigyan ng chance talaga dahil sa kanya." In- open up na naman nito nang minsan siyang landiin ng kaibigan.

"Hindi nga kita magugustuhan dahil sobrang lalakero mo. Manahimik ka na dyan dahil hanggang friends lang tayo. No more no less."

"Aray ko po. Friendzoned forever!"

Nang pasakay na sila sa eroplano ay napalingon pa si Stefan. Baka kasi nasa likod lang si Andrei at magtatangka siyang pipigilang umalis. Ngunit walang Andrei na naroon. Napabuntong- hininga nalang siya. Makalipas ang ilang minuto ay lumipad na sila pa- Bangkok, Thailand. Bagong bansa. Bagong buhay. Nagpakaabala si Stefan sa trabaho. Ginalingan niya ang trabaho. Inalagaan niya rin ang sarili. Nag- enrol siya sa isang gym malapit sa kanilang condo ni Chester. This was to keep him fit and healthy.

"Hi. I'm Gun." Tila isang Thai ang lumapit sa kanya habang nagpapahinga siya sa gym.

"Not interested." Pagsusuplado niya rito saka siya uminom ng protein shake sa kanyang tumbler.

"Hahaha! That's what I want hard to get." Tugon nito.

Binalik niya ang paningin dito. Infairness naman, gwapo ang lalaki. Maganda rin ang pangangatawan nito. Pero wala siyanng panahong makipaglandian. "I'm not hard to get. I'm just not interested with you or to anyone here." Saka siya tumayo.

"Ouch! Let's see if you can resist my charm!"

Makalipas ang ilang araw. Weekend. Nag- shopping si Stefan sa Chatuchak Market kung saan matatagpuan ang pinakamurang bilihin sa Bangkok, Thailand. Namili siya ng mga kakailanganin sa bahay. Hindi na niya sinama pa si Chester dahil tulog pa ito nang magising siya. Habang naglalakad ay naka- video call siya sa kanyang ina.

I STILL LOVE YOU STEFAN (ManXMan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon