Chapter 76: HIV

53 3 0
                                    

Chapter 76: HIV

Nang mahimasmasan si Stefan ay sinundan na niya ang kaibigang si Chester. Nagtatakbo siya palabas. Ngunit hindi na niya ito nahabol pa. Umabot siya sa baba ng condominium building nila ngunit wala na ito. Wala siyang idea sa pwede nitong puntahan dahil bago palang sila sa lugar.

Bumalik nalang siya sa kanilang unit. Doon niya ito dinatnan. Nakadukdok ito sa kabilang dulo ng kanilang sofa. Umupo naman siya sa kabilang dulo.

"Ano dyan ka sa kabilang dulo umupo dahil nandidiri ka na sa akin? Hindi nakakahawak sa hangin ang HIV Stef. Hindi kita mahahawa dahil sa isang lugar tayo nakatira." Praning na saad nito habang umiiyak.

Wala siyang planong husgahan ang kaibigan at lalong higit na pandirihan ito. Bigla tuloy siyang lumapit dito at niyakap ito ng mahigpit.

"I will never judge you Chester. Never. Hindi mo kailangang magpaliwanag. Hindi mo kailangang magsalita. I just want you to know that I'm here. I'm just here." Saad niya habang sinasabayan ito sa pagluha.

Niyakap na rin siya nito. They hugged each other so tight. Indeed, no judgments. He was there as a true friend for him. Halos thirty minutes din silang nanatili sa ganoong posisyon. Napasandal na nga sila pareho sa sofa eh. Hanggang sa unang humiwalay si Chester at nagsimulang magkwento.

He took a deep breath. "Alam niyo na naman na galing din ako sa broken family. Pareho tayo di ba. Pero hindi mo katulad Stef, walang kwenta ang mga magulang ko. Nang maghiwalay sila sobrang napabayaan kaming magkakapatid. Sa murang edad I exposed myself sa sex. Doon ko talaga nahanap ang pagtanggap na hinahanap ko sa aking pamilya. I do versa. Kung minsan ako ang top. Kung minsan ako ang bottom. Safe sex naman ako noong una eh. Gumagamit ako ng condom. Pinapagamit ko rin ng condom ang partner ko kapag ako ang bottom. Hanggang isang araw... sinubukan kong makipag- sex na walang proteksyon. Nasundan pa 'yun. Akala ko normal lang. Parang hindi naman totoo ang HIV. Until one day, lagi na akong nagkakasakit." He stopped talking at muling bumalik sa pag- iyak.

Hinawakan niya ang balikat nito. "I remember those days. Lagi kang absent noon dahil lagi kang may sakit. Lagi kang nilalagnat, sinisipon at inuubo. Pinayuhan ka pa nga namin ni Haze na magpa- check na eh dahil baka may something na sayo."

"Tama. Tama. Actually sinunod ko ang advice ninyo noon. Pumunta ako sa Love Yourself Anglo." Ang Love Yourself ay isang HIV at AIDS center sa Pilipinas. Marami silang serbisyo na tumutulong sa mga PL HIV o Persons Living with HIV. Mula sa counselling at pagbibigay ng gamot na anti- retroviral drugs sa mga maysakit nito. "That's when I found out na meron na nga akong HIV. Actually AIDS na siya. Sobrang baba na ng CD4 cells ko."

Ang CD4 cells ay ang general ng mga cells natin sa ating immune system. Sila ang nangunguna sa pagprotekta sa ating kalusugan kapag ito ay dinapuan ng sakit. Ang mga cells na ito ang unang pinupuntirya ng HIV. Sinisira ng HIV ang CD4 upang maging mahina ang immune system. It will compromise the health of the PL HIV patient. Mas madali itong dapuan ng iba pang viral diseases tulad ng flu at kapag mas lumala ay Tubercolosis o TB, pneumonia at iba pang skin diseases ang may HIV. Five hundred pataas ang count ng CD4 count ng isang healthy na tao. Kapag bumaba ay hindi na maganda. Madalas na itong magkakasakit. Kapag less than 200 naman ay AIDS na ito.

"P- pero nakapagpa- check ka na pala. For sure binigyan ka na ng mga antiretroviral drugs ng doctor mo sa Love Yourself. Wala pa ring gamot ang HIV pero dahil sa mga naimbentong drugs para rito ay napipigilan na ang pagdami ng virus hindi ba? You can live a normal life na. Pwede ka na ulit maging healthy. May chance na ring hindi ka makahawa sa iba. Umiinom ka na ba ng mga gamot?" Tanong niya rito.

Tumayo ito. "Ayokong uminom ng gamot."

"C- chester. Bakit naman? Mas lalala ang lagay mo kapag hindi ka uminom ng gamot. Sabi mo nga AIDS na ang level mo hindi ba? Tapos nakikipag- sex ka pa. Makakahawa ka niyan."

I STILL LOVE YOU STEFAN (ManXMan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon