Chapter 81: Seems so Peaceful

39 2 1
                                    

Chapter 85: Seems so Peaceful

Nang maawat si Stefan ng mga security guards ay akmang gaganti pa sa kanya si Gun ngunit napigilan na ang mga ito.

"You're also a gay! All you want is to have sex and sex and sex!" Bulalas nito sa kanya. Hindi niya alam pero parang nakita niya si Chester dito. Sa kabila ng mga sinabi nito ay nakita niya ang lungkot sa mga mata nito. Ang pananabik na matanggap.

"Yes I maybe gay but not all gays just want to have sex and penis in our behind. There are still gays that want to share the love in their heart without having lust in mind." Kumawala siya sa mga sekyung nakahawak sa kanya. "This is the last time that I'll see you. Don't bother seeing me again. And just a piece of an unsolicited advice, try to find that love in your heart."

Dahil sa labis na pagka- praning matapos ang nangyari ay agad siyang naghanap ng HIV at STD testing center sa Bangkok. Nakahanap naman siya. Habang nasa grab ay doon na siya kumain.

Pagdating sa testing center ay kinuhanan siya ng dugo. Makalipas ang ilang minuto ay may resulta na.

"Congratulations it's negative."

He felt relieved. Nawala na siya sa sarili. May mga sinabi pa ang nurse pero hindi na niya napakinggan at naintindihan.

Dahil wala na rin naman siyang kasama sa condo unit kaya lumipat siya sa ibang condo. 'Yung mas malapit sa kanilang opisina. Nag- iba na rin siya ng gym upang hindi na muling nakita si Gun. Isa lang ito mabilis na alaala sa kanya ngayon. He really wanted to cut ties with him.

Sinubukan ni Stefan na mamuhay ng healthy at fit sa mga sumunod na panahon ngunit hindi niya magawa dahil labis siyang nag- aalala kay Andrei. Isang buwan na ngunit hindi pa rin ito gumigising. Magmula nang lumipat siya ng tirahan at gym ay minsan lang siya nakapag- exercise. Puro fast food nalang din ang kanyang kinakain. Labis din siyang naging abala sa trabaho. Wala na siyang tulog dahil kapag gabi ay tumatawag naman siya sa Pilipinas. His health was really at risk.

Kinausap na rin niyang muli ang HR Manager. Pinamamadali na niya ang papalit sa kanya. Then it was a cycle hanggang sa...

"Kuya Stefan! Gising na si kuya Andrei!" Bulalas ni Aleya. Una itong tumawag sa kanya. Madaling araw iyon ngunit nagising siya s mabuting balita.

"T- talaga ba?" Naluha siya nang makita sa video ang may malay nang si Andrei. "A- andrei..."

Itinapat naman ni Aleya ang camera rito. "S- stefan..."

Natigalgal siya sa ginawang nitong pag- usal sa kanyang ngalan. Naalala na ba siya nito? Wala na ba itong amnesia?

"A- andrei. Naaalala mo na ba ako?" Tanong niya rito habang matindi ang kabog ng kanyang dibdib. Natatakot siyang ma- deny na naman nito.

Then it was a complete silence. Nakatitig lang ito sa kanya mula sa lente ng camera ng phone. Ayaw na niyang mag- expect until he cried. He was crying so hard.

"Bakit siya umiiyak Aleya? May masakit ba sa kanya? I need you need to call a doctor. Baka may nararamdamang kakaiba si Andrei." He was already panicking. Kung kaya niya lang mag- teleport sa mga sandaling iyon para makarating siya ng Manila ay hindi na siya magdadalawang isip pa.

"Wala akong masakit Stefan. Masaya lang akong makausap ka ngayon. Akala ko hindi na kita makikita't makakausap eh." Putol- putol pa ang boses nito dahil sa labis na pagluha ngunit naintindihan niya pa rin ito. Ilang milya man ang layo nila ay tumagos iyon sa kanyang puso.

"M- masaya ka?" Pagkukumpirma niya. "Naaalala mo na ba ako?" Inulit niya ang tanong kanina.

"Never naman kitang nakalimutan eh. Hindi kailanman."

I STILL LOVE YOU STEFAN (ManXMan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon