Chapter 40 - After Death: I Love You Stefan

69 4 0
                                    

Youtube Update:
Hottest Upcoming THAI BL and THAI KISS of 2021 | Kiss Series

Warning!
Not your ordinary Man x Man story.
Sizzling hot! Controversial! Tear jecker! Love-Filled!
ALL Emotions in One Gay Love Story!

Chapter 40: After Death: I Love You Stefan

"Kap tulong! Tulong!" Walang tigil sa pagsigaw si Stefan. Marami na siyang nainom na tubig dagat. Nahihirapan na siya sa pagalalay kay Andrei. Ngunit hindi siya bibitiw. Hindi niya ito binitawan.

Kung dito tayo mamamatay Andrei. Hindi ko hahayaang ikaw lang. Kung pwede ngang ikaw ang makaligtas eh. Willing ako. Hindi kita bibitawan. Mahal din kita. "Mahal kita Andrei." Nabanggit niya rito.

"Sir!" Sigaw ng kapitan. Malabo na ang paningin niya rito. Halos mawalan na siya ng malay. Saka ito may inihagis na salba bida nakatali sa lubid. "Pumasok at kumapit kayo dyan sir! Tapos ay hihilahin ko kayo pataas!"

Tinipon ni Stefan ang lahat ng lakas. Pinasok niya ang sarili kasama si Andrei sa loob ng salba bida. Kumapit siya ng mabuti roon hanggang sa unti- unti silang naitaas ng kapitan pabalik sa yate. Nang nasa itaas na sila ay kagyat niyang hiniga si Andrei sa lapag.

"Andrei? Andrei gising!" Niyugyog niya ito. Hindi na rin maganda ang kanyang pakiramdam pero ito pa rin ang nasa isip niya. Ang kaligtasan ng lalaki. "Andrei please gising! Wag mo akong iiwan!" Napatangis na siya habang pinagmamasdan ang mamumutlang sinisinta.

"Kailangan po nating i- push ang dibdib niya at mouth to mouth resuscitation!" Saad ng kapitan. "Gawin niyo na po sir. Kailangan ko nang paandarin itong yate pabalik sa pampang bago pa tayo abutan ng mas malakas na mga alon."

Saka siya bahagyang nahimasmasan. He pushed his chest. He gave air in his mouth. "Ano ba Andrei?! Gising na!"

Hanggang sa nilabas nga nito ang mga nainom na tubig. Wala pa rin itong malay ngunit humihinga na ito. Mahigpit niyang niyakap ang lalaki. "Salamat at buhay ka. Salamat po Panginoon." Naibulong niya rito habang wala pa ring tigil ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata.

Dumaong sila sa pinakamalapit na isla. Hindi ito ang main Boracay island. Maliit na isla lamang ito. May maliit na cabin sa gitna ng kakahuyan. Tila ginagamit nga ito ng mga manlalayag ng lugar kung sakaling abutan ng masamang panahon.

"Dito na po kayo sa kabilang kwarto sir. May mga damit po sa cabinet. Magpalit na po kayo. Palitan niyo na rin po si sir para hindi kayo magkasakit. Heto po ang first aid kit. Kung lagnatin po siya o kayo ay uminom po kayo. Tapos ay heto na rin po ang cup noodles at biscuits. Kumain na rin po kayo. Nabasa po kasi ang mga pagkain na kasama sana sa package ninyo sir. Hindi natin naalis sa taas ng yate. Pasensya na po. Dito na muna po tayo magpatila ng ulan at alon."

Kinuha niya ang mga inabot ng kapitan. "Salamat po kap ah. Wala pong problema yun. Ang mahalaga po ay ligtas tayo. Ligtas si Andrei."

Pagbalik niya sa kwarto ay nagpalit na nga siya ng mga suot. Pinalitan na rin niya Andrei. Paghipo niya sa katawan nito ay naramdaman niya ang init ng balat nito.

"Oh my God. Ang taas ng lagnat mo."

Kumuha siya ng bimpo. Binasa iyon ng maligamgam na tubig saka ipinunas dito. Nagbalot din sila ng kumot at niyakap niya ito ng mahigpit. "Get well Andrei." Hanggang sa hindi niya namalayang nakatulog na siya.

"Good evening." Pagbati nito nang imulat niya ang kanyang mga mata. Hindi niya alam kung naaalimpungatan siya o nananaginip pa. Nakatagilid ito sa kama habang pinagmamasdan siya. When he realized it wasn't a dream ay kagyat niya itong niyakap.

"Andrei! Gising ka na! Okay ka na ba? Sobra akong nag- alala sayo!" Saka siya napaluha sa saya.

Gumanti naman ito sa pagkakayakap sa kanya. Mahigpit na yakap. "Okay na ako. Salamat sa iyo Stefan. Baka wala na ako ngayon kung hindi dahil sayo. Tapos inalagaan mo pa ako. Thank you so much. And I'm really sorry dahil naging matigas ang ulo ko." He heard him crying too.

I STILL LOVE YOU STEFAN (ManXMan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon