Chapter 91: In Sickness and In Health

41 4 0
                                    

Warning!
Not your ordinary Man x Man story.
Sizzling hot! Controversial! Tear jecker! Love-Filled!
ALL Emotions in One Gay Love Story

Chapter 95: In Sickness and In Health

"Stefan anak! Bakit ka sumisigaw?" Agad na pumasok ang ina ni Stefan sa kanyang kwarto pagkagising niya.

"Maaaa... ang sakit ng balat ko rito sa gawing tagiliran sa kanan." Daing niya rito.

Itinaas ng ina ang kanyang damit. "Naku nak may rashes ka."

Pagtingin niya sa ina ay nakangiwi ito. Tila hindi maganda ang lagay ng kanyang balat. Hinawakan din nito ang kanyang leeg sa gawing kaliwa. Pagtingin niya sa kanyang kaliwang braso ay may mga rashes din doon. Hindi ordinaryong rashes.

"M- maaaa ano 'to?"

Nagtutubig ang kanyang rashes. Namumuo ang mga iyon at parang sasabog. Sa gawing kaliwa lang ng kanyang katawan iyon tumubo.

"Parang chicken pox pero iba ang itsura eh nak. May vaccine ka naman na sa chicken pox kaya paanong magkakaroon ka ulit. Tara na sa ospital. Ipa- check up na natin 'yan."

Kagyat nga silang nagtungo sa ospital na mag- ina. Doon niya nalaman ang kanyang karamdaman. Agad siyang pinasok sa isang isolation room. Hindi na pinasama pa ang kanyang mama dahil baka mahawa raw ito. Nag- message nalang din siya kay Andrei para malaman nito kung nasaan siya.

"Meron po kayong shingles o kulebra sa Tagalog. Same virus po ang pinagmulan nito sa chicken pox. May mga rare cases na ganito. Kahit na nagka- chicken pox ka na noong bata ka ay tinatablan ka pa rin ng chicken pox virus. 'Yung lagnat niyo po noong mga nakaraang araw ay first stage na ng shingles. Ang kakaibang rashes nito ay sa isang bahagi lang ng katawan tumutubo. Kaliwa lang kung kaliwa. Kanan lang kung kanan." Paliwanag ng doktor.

Binigyan lang siya ng doktor ng ointment upang mabilis na humupa ang mga rashes at tablet na pampaiwas sa kati at hampi. Nakakahawa raw ito kaya pinapag- isolate siya kahit sa kanila.

Palabas na siya ng isolation room nang dumating si Andrei. Niyakap siya nito kaagad.

"Okay ka lang ba? Patingin nga ng rashes mo." Itinaas pa nito ang sleeve ng suot niyang jacket. "Nakabili ka na ba ng mga gamot na nireseta sayo?"

"Okay na ako Andrei. Wag ka nang mag- alala. One to two weeks bago tuluyang mawala at matuyo ang mga rashes. I need to isolate dahil baka mahawa kayo. I will be working from home na muna." Saka siya lumayo rito. Ayaw niya naman itong mahawa.

"Alam mo dahil sa kakatrabaho mo 'yan eh. Dapat mag- sick leave ka nalang muna para mas maka- recover ka."

"Okay na ako Andrei." Binigyan niya ito ng matamis na ngiti. This is to assure him that he was really fine. "Wala na akong lagnat. Rashes nalang ito. Hindi ako mapapano rito. I need to get back to work. Alam mo namang buhay ko na ito eh. So don't worry okay?"

Inaya na niya ito pauwi. Dinaanan nila ang kanyang ina sa waiting area ng ospital.

Hindi naman nagpapigil si Andrei sa pagbisita sa kanya. Dahil night shift siya bago siya matulog sa umaga ay dumadalaw ito para ipagluto siya ng almusal. Binabantayan pa siya nito sa kanyang kwarto hanggang sa siya'y makatulog.

Habang nakahiga siya sa kama ay nakatabi ito't minamasahe ang kanyang ulo.

"Ang sarap naman magmasahe ng nurse slash cook slash therapist ko." Komento niya. Dinadalaw na siya ng antok. Pupungas- pungas na ang kanyang mga mata habang pinagmamasdan ang mukha ni Andrei.

"Kahit yayo, driver at taga- hugas pa ng pwet mo gagawin ko. Mapagsilbihan lang kita Stefan. Tulog ka na. Kakantahan kita."

"Salamat Andrei. Goodnight. I love you."

I STILL LOVE YOU STEFAN (ManXMan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon