Chapter 79: Upcoming Temptation

46 3 0
                                    

Chapter 79: Upcoming Temptation

Nang malaman ang nangyari kay Andrei ay kaagad na umuwi sa condo unit nila ni Chester si Stefan. He would not waste anytime para makauwi ng Pilipinas. Alam niyang dapat kasama siya ni Andrei sa mga sandaling iyon. Paano kung mawala ito? Paano kung wala nang chance para magkita silang muli? Paano kung hindi na niya ito makasama? Ayaw niyang mabuhay sa kanyang mga 'paano'.

Dumiretso siya sa kanyang kwarto. Inilabas ang pinakamalaking maleta saka nilagay doon ang kanyang mga damit. Si Amdrei lang ang nasa isip niya at ang lagay nito habang ginagawa iyon.

Bumukas ang pinto ng kanyang kwarto. Pumasok si Chester. "Stef. Nabalitaan ko na ang nangyari. Manalangin tayong sana'y maka- recover si Andrei. Sana'y walang masamang mangyari sa kanya."

"Kanina pa ako nananalangin Chester. Uuwi na muna ako. I need to go back to the Philippines para makasama si Andrei." Tuloy lang siya sa pagtutupi ng damit.

"Alam kong gusto mo nang umuwi Stef. P- pero may problema. Actually pwede namang masolusyonan kaya hayaan mo na." Lumapit ito at tinulungan siyang magtupi at mag- impake.

Matapos ay nag- book siya kaagad ng flight kinabukasan. Hapon ang kanyang na- book dahil kailangan pa niyang bumalik sa opisina nila sa Bangkok upang pormal na magpaalam at kumuha ng clearance.

Kinagabihan habang naghihintay ng paglipas ng oras ay walang tigil sa pangungumusta si Stefan kay Andrei sa mga nasa Pinas. Nag- video call sila ni Aleya. Nasa ospital ito.

"Napakakulit kasi ni kuya eh kuya. Sabi ko nang hintayin na namin ang security team ni dad pero lumabas pa rin siya ng police station." Kwento ni Aleya habang walang tigil na lumuluha.

"Ano nang lagay niya ngayon?" Pang- ilang tanong na niya iyon sa tuwing tatawag siya.

"Natanggal na ang mga bala. Isa sa dibdib at dalawa sa balikat. Nasa ICU na siya. Mino- monitor pa rin ang kanyang lagay. Maraming dugong nawala. Sa tingin naman ng doctor ay makaka- recover pa rin si kuya Andrei eh. Wag ka nang mag- alala at magpa- stress dyan."

"Kailangan pa ring nandyan ako sa tabi niya Aleya. Anuman ang mangyari. May amnesia man siya o wala. Anuman ang maging resulta nito sa kanya kailangan nandyan ako. Parang noon." He started crying. Hindi pa rin nauubos ang luha niya sa maghapong pag- iyak.

Pinagmasdan lang siya nito. Parang nawala naputol na nga ito dahil nakamasid lang ito sa kanya. "Grabe talaga ang pagmamahal mo kay kuya Andrei, kuya Stefan. Ganyan ka rin noong naospital siya dati. Pero alam mo grabe rin ang pagmamahal sayo ni kuya. Alam ko 'yan. Kaya sana kuya wag ka nang mag- alala pa. Hindi mo na kailangang umuwi pa rito sa Pilipinas. Hindi pa rin ligtas dito dahil kay Segundo. Kami na ang bahala kay kuya. Oras- oras kitang babalitaan sa lagay niya."

"Ayoko Aleya. Gusto ko nandyan ako."

Ilang oras din silang naka- video call. Wala na silang mapag- usapan pero naka- video call pa rin sila. Pareho nalang silang na- low bat at kailangang mag- charge kaya lang sila natigil.

Minabuti ni Stefan na magdasal. Lumuhod siya sa maliit nilang altar saka taimtim na nanalangin para sa kaligtasan ni Andrei.

"Diyos ko. Iligtas Niyo po si Andrei. Wag Niyo po siyang pababayaan. Parang awa Niyo na po. Mahal na mahal ko po siya."

Lately I've been winning battles left and right
But even winners can get wounded in the fight
People say that I'm amazing
I'm strong beyond my years
But they don't see inside of me
I'm hiding all the tears

They don't know that I come running home when I fall down
They don't know who picks me up when no one is around
I drop my sword and cry for just a while
'Cause deep inside this armor
The warrior is a child

I STILL LOVE YOU STEFAN (ManXMan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon