Suzy's POV
Masayang pumasok ako sa iskuwelahan dahil makikita ko na naman si Klein.
Oo, siya ang nagpapasaya ng araw ko, aminin ko man o hindi.
Pero, 'yong sayang nararamdaman ko, na wala nung hindi ko nakita si Klein. Lumipas pa ang ilang oras hanggang sa nag-uwian, walang Klein na lumabas. Ni anino niya ay hindi nagpakita sa'kin.
Tinatanong din nila ako kung bakit ang tahimik ko, tinatanong nila sa'kin kung bakit 'di ko kasama si Klein, na siyang hindi ko masagot.
Lumipas ang isang linggo, at hindi ko na kita si Klein, dahilan para malungkot ako ng sobra na... Hindi naman dapat.
Bakit ko nga ba nararamdaman ang ganitong klase ng lungkot? Ano niya ba ako? Ano ko ba siya para magkaganito ako?
"H'wag ka ng malungkot d'yan, nandito naman kaming magpapasaya sa'yo." Masiglang sabi ni Sue bago ako yakapin ganoon rin si Stacey at Stella.
Sumilay ang isang ngiti sa'king mga labi dahil sa ka-sweet-an nang mga kaibigan ko.
Walang pinagbago, gano'n pa rin sila ka-sweet kahit na minsan, nagkakaroon kami nang hindi pagkaka-unawaan sa isat-isa.
Sinubukan kong maging masaya kahit, hindi ko na nakikita si Klein. Pero, may panahon talaga na naalala ko siya, dahilan para malungkot muli ako. Hanggang isang araw, may manggugulo na naman sa buhay ko.
"Class listen up!" Sigaw nung teacher namin dahil ang ingay na naman ng klase.
Lahat na tahimik, nung nakakabinging katahimikan na ang namayani sa classroom, nagsalita ang Professor namin, "We have a project for Physical Education. You need to create a group, at least 5 members," sabi nito.
Group project ulit? Sabagay, Physical Education naman 'yon, hindi naman kami siguro gagala no'n.
Isa sa kaklase namin ang nagtaas nang kamay, nung tignan ito ng Prof ibinaba niya ang kamay bago nagsalita, "Miss, ano po ba 'yong project?" Tanong niya.
"Dancing," ma-ikling tugon nito.
Tila nagningning ang mga mata ko dahil sa sinabi ng Professor, para akong kinilig sa sinabi niya. Muling nagka-ingay ang klase dahil sa anunsyo ni Prof.
Kunot na kunot ang noo nito, tila may lumalabas ng usok sa kaniyang tenga't ilong, "Quite class!" Sigaw niya.
Lahat kami na tahimik dahil sa pagsigaw nito, tila 'yong maala-palengkeng ingay, naging sementeryo sa sobrang tahimik.
Tumikhim ito bago magsalita, "By the way, before I forget... We have a new student here." Sabi niya dahilan para magtilian ang mga kaklase kong babae't bakla.
Ano ba ang meroon sa bagong kaklase namin? Bakit ganito sila magreact?
Huminga ng malalim ang Prof namin sabay tingin sa lahat, "Quite class! Please come in, Mr.Kim," sambit nito kasunod ang pagtingin niya sa pinto.
Lahat kami, napatingin do'n sa lalakeng pumasok sa classroom. Nanlaki ang mga mata ko, nung makita ang bagong kaklase namin.
S-Si Kim Jin-Ha! OMO! Totoo ba ito o panaginip lang?
Tumayo siya sa harapan, at tinignan ang buong klase, pero huminto ang tingin niya sa direksyon ko. Mas lalong lumaki ang mga mata ko nung, ngumiti siya't lumapit sa'kin. Akala ko, hindi ako ang pinunta niya, pero.
"Miss Suzy Raine Hernandez? Finally I meet you," sabi niya dahilan para mapatitig ako sa kaniya.
K-Kilala niya ako? Pa'no niya ako nakilala? Hindi naman ako ang admin sa bawat page ng K-Pop PH, at saka ano raw? Finally I meet you? Anong ibig sabihin niya ro'n?
BINABASA MO ANG
THS2: Secret Of Hearts [COMPLETE]
Romance🔹Action, Rom-Com, Drama, Young Adult🔹 "You can fool me by your mask, but not my heart." SERIES 2: Meet Suzy Raine Hernandez, a simple girl with a simple dream, a simple life, and a K-pop lover. Until one day, she fell in love with a hot-handsome...