18

44 33 1
                                    

Nanlalaki ang aking mata dahil sa kaniyang sinabi, pero hindi kalaunan ay naglaho ang aking pagkagulat at napalitan ito ng pagkaseryoso.

Rinig ko ang kaniyang pagbuntong hininga, dahilan na rin para tignan ko ito ng hindi iginagalaw ang aking ulo, "Hindi naman malaki ang mundo para 'di kayo makita," kasuwal na sambit niya habang nakatingin sa labas.

Tinitigan ko siya ng ilang minuto bago bumuntong hininga't tumingin muli sa labas, "Umamin sa'kin si Mr. Principal." Bulong na sambit ko bago yumuko dahil sa hiya na bumabalot sa buong sistema ko, "Naguguilt ako dahil-"

"Alam ko,"

Tuluyang tumingin na ako sa kaniya habang nanlalaki ang aking mga mata.

Tumingala ito, at pinagmasdan ang magandang kalangitan, "Alam ko ang tungkol sa nararamdaman ni Mr. Shawn, hindi ko pa sinasabi sa'yo ang bagay na iyon dahil ang gusto ko, siya mismo ang magsabi sa iyo." Sabi niya bago tumingin sa akin, at gumuhit sa kaniyang labi ang isang ngiti.

Alam niya? Nag-uusap sila ni Mr. Principal?

"May gusto lang ako malaman sa'yo, Suzy." Sambit niya bago tumingin sa akin.

Sa kung anong dahilan, naramdaman ko ang matinding sensiridad nito sa bagay na gusto niyang malaman, "Ano 'yon?" Seryosong sambit ko.

"Gusto mo rin ba si Mr. Principal?"

Na tahimik ako dahil sa tanong niya, hanggang sa unti-unting nagsink-in sa isipan ko ang tanong nito.

"Hindi." Maikli kong sagot bago tumingin sa labas.

Hindi ko naman talaga gusto si Mr. Principal. Oo, aaminin ko, gwapo siya, mabait, tinitingala ng tao dahil sa achievements nito na narating sa ilang taong gulang lamang — masasabi ko na ideal man siya. Pero 'di ko naramdaman sa kaniya ang nararamdaman ko kay...  Klein at Louie.

"Si Louie? Gusto mo ba siya?"

Nanlalaki ang mga mata ko na tinignan siya, at mabilis din na umiling.

Tumaas ang isang kilay nito bago humalukipkip, "Hindi? Sigurado ka?" May pagdududang tanong niya.

"O-Oo naman!" Agad na sagot ko sa kaniya.

Bumaba ang pagtaas nito ng kilay, pero pumalit naman ang mapang-asar nitong ngiti, "Pero... Iba ang sinasabi ng mga mata mo," sambit niya.

Tumaas ang aking kilay dahil sa mga sinambit niya, "Nakakapagsalita na ba ngayon ang mata?" Pilosopong sambit ko.

Nagtakha ako nung bigla itong sumeryoso, inilapit nito ang mukha sa akin sabay pitik nito sa noo ko.

Lukot ang aking mukha habang nanlilisik ang mga mata ko na nakatingin sa kaniya, "Bakit mo ako pinitik sa noo!?" Sambit ko habang nakahawak sa aking noo.

Tumawa ito ng mahina habang umiiling, dahilan na rin para malukot ang aking mukha, "Baka sakaling matauhan ka lang kaya ginawa ko 'yon," sambit nito.

Umirap ako kasabay n'un ang pagsinghal, "Siraulo ka talaga! Hmp!" Sambit ko

Nagpatuloy ito sa kaniyang mahinang tawa, pero hindi nagtagal 'yon kaya agad din na tumingin ako sa kaniya.

Bipolar talaga siya! Ang bilis magbago ng mood.

"Iba rin ang ikinikilos mo kapag nand'yan siya, malapit sa'yo kaya sabihin mo sa'kin na mali ang nakikita ko," sambit niya dahilan para akin siyang titigan.

Ganoon ba ako kahalata?

Bumuntong hininga na lang ako bago matulala sa labas, ilang sandali pa ay bumalik na ako sa kama ko pero siya? 'Yon, nakatanaw na naman sa labas at tila malalim ang iniisip.

THS2: Secret Of Hearts [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon