WARNING! BABALA! This chapter content violence, R-18, harsh words that may affect you. So, binasa mo pa rin? Ilang taon ka na ulit?🤣✌🏻
Lumapit sa akin ang principal, tinignan ako nito ng diretsyo sa mata na siyang nilabanan ko bago umiling.
Kaya pala gano'n na lang ang tinginan niya kay Suzy.
"Did you hear anything, Miss Romero?"
"Napakasinungaling ko naman po kung sasabihin ko na hindi, 'di ba po?"
Ginulo nito ang buhok bago ako hilahin papuntang school garden - sa likod lamang ng kaniyang opisina, binitawan ako nito at tumalikod sa akin.
Tinitigan ko lang ang kaniyang likuran ng ilang segundo, "Kung wala na kayong sasabihin, aalis na ako. Ayaw ko na malate sa pagpasok." Sambit ko bago ihakbang ang paa.
Nakaka-ilang hakbang pa lamang ako nung bigla nito hawakan ang aking braso, "Listen to me, Miss Romero. I know, you are confuse with what you heard-" agad na pinutol ko ang kaniyang sasabihin, "I'm not confuse, Mr. Principal. Na gulat lang ako sa mga na rinig ko sa pag-uusap ninyo." Kalmadong sambit ko bago hilain ang aking braso.
Huminga ito ng malalim bago tumingin sa akin ng diretsyo, "Puwede ba na huwag na ito makakalabas sa ating dalawa? For the sake of her." Sambit niya.
May punto siya, kung makakalabas ito mas maaapektuhan si Suzy kesa sa kaniya.
"Please? I'll give you what you want, just seal your mouth," seryosong sambit nito.
Huminga ako ng malalim bago siya tignan ng diretsyo sa kaniyang mga mata, "Mr. Principal, mahalaga sa akin ang mga kaibigan ko. Huwag ka mag-alala, hindi ko kailangan ng kahit ano mang kapalit para rito. Nakiki-usap lang ako, Mr. Luis Shawn, hangga't maaga pa... Itigil mo na 'yang nararamdaman mo para sa kaibigan ko, tandaan n'yo po, principal kayo at tinitingala nang nakararami- role model, alam ko na matalino kayo kaya, gamitin ninyo ang talinong 'yan sa pagkontrol sa nararamdaman mo, Mr. Shawn." Sambit ko bago tignan ang paligid.
Bumuntong hininga siya bago humalukipkip, kinain kami ng katahimikan hanggang sa magsalita siya, "How can I stop this fucking feelings?"
Muling tumaas ang kilay ko dahil sa tanong niya, "Mr. Principal, I am not love expert so don't ask me either." Sabi ko bago ito talikuran, at maglakad na papunta sa cafeteria.
Akmang papasok ako sa loob ng cafeteria ng makita ko sila Louie at Yohann kasama sina Stacey, nangunot ang aking noo nung malaman ang totoong pagkatao nila - kung sino ba talaga sila.
Pag-uwi ko galing sa iskuwelahan, agad na nagbihis ako ng all black dahil may trabaho pa ako. Nakakapagod, pero kailangan ko gawin ito.
"Saan ka pupunta, Stella?" Tanong ni Sue nung makita ako na lumabas mula sa kuwarto.
Tinignan ko muna siya panandalian bago isuot ang sapatos, "Bahay ng kaklase ko." Pagsisinungaling ko.
"Anong gagawin mo ro'n?" Dinig ko na tanong ni Stacey.
"Group activity." Sagot ko bago umalis papunta sa pinagtratrabau-han ko.
Gaya ng inaasahan, may misyon na naman kami. Na assign ako sa monitor ng van kasama ang isa sa mga katrabaho ko.
[Shadow... Do what I'm say.] Dinig ko na sabi ni Storm mula sa earpiece na suot ko.
Agad na pinasok ko ang cloud system ng gusali, medyo nahirapan ako kaya tinulungan ako ni Hunter na malipulahin ang security system nila.
BINABASA MO ANG
THS2: Secret Of Hearts [COMPLETE]
Romance🔹Action, Rom-Com, Drama, Young Adult🔹 "You can fool me by your mask, but not my heart." SERIES 2: Meet Suzy Raine Hernandez, a simple girl with a simple dream, a simple life, and a K-pop lover. Until one day, she fell in love with a hot-handsome...