Agad naman na iniayos ang lahat ng may kinalaman sa pagpapakasal nila Suzy at Louie, maski nga bahay ay ibinili sila ng ama ni Louie para ro'n sila magsimula gayo'ng batid naman ng dalawa kung bakit kinailangan nila na roon manatili, para sa kaligtasan nila.
"Thanks Dad," nakangiting sambit ng ikakasal na kinabukasan.
"So? What's your plan for honeymoon?" nakangising sambit ng Kuya Luis niya.
Agad naman na namula ang pisngi ng ikakasal dahil sa itinanong ng kaniyang Kuya dahilan para matawa ang lahat at nangibabaw ang boses ni Yohann kaya sinamaan niya ito ng tingin ang kaniyang matalik na kaibigan.
"Ako may kahoneymoon na, ikaw ba Mr. Russelle?"
"Oi! Walang personalan!" nakangusong sambit ni Yohann.
Lahat nagtawanan dahil sa naging reaksyon ni Yohann sa lahat, samantala, ang mga kababaihan naman ay nagsasaya rin pero 'di gaya ng naunang party para sa huling araw ng ikakasal ay naging maayos ito, no men half-naked in mask.
"Let's cheers for soon-to-be Mrs. Shin!" sambit ni Fiorella habang nakataas ang kaniyang hawak na wine glass.
Itinaas ng lahat ang hawak nilang baso bago ito inumin.
"So... How's the feeling?" biglang tanong ni Phenelope Ramos dahilan para tignan siya ng lahat.
"What do you mean by that?" taas kilay na tanong ni Fiorella sa dati nilang kaaway na ngayon ay kanila ng kaibigan.
"Oh come 'on guys, don't be innocent!"
Lahat ng mga mata nila'y nagsilakihan maliban kay Stella at Fiorella na blangko ang mukha habang ang nagtanong naman ay kunot na ang noo.
"What? Did I say something wrong?" inosente niyang katanungan bago inumin ang kaniyang wine.
"What do you feel when something inside—"
"Shut the fuck up Phenelope! Pati ba naman 'yon itatanong mo? Seriously?" kunot noong sambit ni Fiorella.
Natawa lang ito ng mahina bago ibaba ang hawak niyang baso't tignan ang lahat at muling humalagakhak ng tawa.
"Kidding," natatawang sambit niya pa.
"Not funny bitch," sambit ni Fiorella bago irapan ang kaibigan na tumatawa lang.
Sinulit na nila ang huling araw na 'yon ng dalaga bago ang kasal nila ni Louie.
*Insert song The Gift by Jim Brickman*
Nagsimula ang kasal nila ng maayos at matiwasay kahit na may pangangabang nararamdaman ang ama ni Louie na si Kelvin dahil nga, hindi sila pangkaraniwang tao at kahit anong oras ay maaari silang mapahamak.
Naglakad ang flower girls, bridesmaid, groomsmen, ring bearer at ang babaeng sentro ng kasalan na 'to, sa paglakad ng bride kasama ang kaniyang ama na siyang naghatid sa altar kung saan nag-iintay ang lumuluhang mapapangasawa nito at ang kapatid nito na siyang ring bearer.
"Anak... Napakaganda mo ngayon," bulong man ang pagkakasabi ni Theo sa kaniyang anak ay bakas ang pagkabasag ng boses nito dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman niya.
"Salamat Papa dahil pumayag kayo ni Mama na ikasal ako sa taong gusto ko," bulong din nito sa kaniyang ama bago tuyuin ang luhang bumabagsak sa kaniyang mata.
BINABASA MO ANG
THS2: Secret Of Hearts [COMPLETE]
Romance🔹Action, Rom-Com, Drama, Young Adult🔹 "You can fool me by your mask, but not my heart." SERIES 2: Meet Suzy Raine Hernandez, a simple girl with a simple dream, a simple life, and a K-pop lover. Until one day, she fell in love with a hot-handsome...