Prologue - First Day Blues.

816 42 4
                                    

Disclaimer:

This is a work of fiction. All the names of the characters, events and incidents in this story are either product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events happened is purely coincidental.
---

Hello guys! I am just one of many na aspiring writer and this is my story. I hope you'll appreciate my raw work.
Also, pls bear with me if medyo unstable yung style of writing ko. Forgive me if may mga typos and stuff na makikita kayo. Hehe I'm trying to be better. So ayun, sana magenjoy kayo.

-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

"What a way to start my senior year, Punyeta!" I shouted so loud as I look for my seat habang kararating lang sa room. It was so loud that it caught the attention of my highschool barkadas.

Time check: 7:45 am. Late na ako ng 15 minutes; buti nalang kaclose ko si Kuya Ato, yung guard na nakabantay sa gate ngayon. Pinagbigyan niya ko makapasok without violation. First day pa lang naman kasi. Paliwanag ko.

Kaya tip ko sa inyo, tropahin niyo mga empleyado sa school na pinapasukan niyo, mas gagaan buhay niyo. Chareng.

I was busy checking my seat and writing my name sa attendance sheet sa teachers' table when they went near me para lang manggulo.

"Besh, anyare sa'yo? Mukha kang pinahirapan ng tadhana. Kaloka umagang-umaga ang dugyot mo. Char haha" Fretzie exclaimed.

I glared at her. "Wag ngayon, Fretzie Denice ha. Sira na umaga ko besh, wag mo na dagdagan. You know whole name basis na ako pag napipikon." I told her.

"Chill! Kaya wala kang jowa eh, highblood ka masyado. Umagang-umaga 'day!" Wendy chimed in.

"And lumabas naman saglit si sir Yrving kaya di nya alam kung sino mga bagong pasok. Tignan mo, ingay nila diba? Nasa labas pa kase si Sir." Sabat naman ni Melanie.

"Kakastress kase! Ngayon pa talaga walang maparang tricycle sa kanto. Gandang timing. First day na first day. Tapos pota pa kayo, pumasok na pala kayo ni di niyo man lang ako ginising. Parang 'di kaibigan. Tss. Hassle malala! Kaya ayun, Bawas dangal at ganda talaga kapag late. Putragis!"

They laughed at me and said things na nakakaasar. "So sinong tanga ngayon, yung alarm clock mo o ikaw na di nagising kaagad kase puyat kakastalk sa mga papi na varsity kagabi."

"Parang gago. Nakatira tayo sa iisang bubong so malamang lahat tayo puyat boba. Kilala ko pagkatao niyo, walang matutulog hanggat walang nauuna." Sagot ko.

"Uh, not me. Kaya nga ang aga kong nakapasok kasi 'di ako napuyat, Beauty Rest lang ganon." Sagot ni Wendy.

"Te, di mo sure sa beauty. Rest nalang para keri. Pero Wow! Edi ikaw na . Edi Ika.." I stopped responding to her when I saw someone entering our room. It was someone seemed familiar to me yet at some point I couldn't familiarize him.

Johan Dionn Ngiti.
Ang gwapo niya talaga.

A lot has changed during the summer I guess. I knew him so well. He was my crush.

Well one of many. Dami kasing papi sa school namin and kaya nga tayo binigyan ni Lord ng two eyes para mag sight-seeing ng pogi. Charing.

I used to admire him from afar. Friends kami before oo. Casual lang. 'Di kasi namin siya kasection. Nakakasalubong lang sa school kapag may events or keme.

Pero things got awkward nung nalaman niya na crush ko siya. Ewan ko ba kung bakit ang dadaldal ng mga hinayupak kong kaibigan. Happy Crush lang naman.

Pero yun nga, He seemed happy tho. Good for him.

Tsaka nabawasan na pagkacrush ko sa kanya. Dati mga 100% ngayon 98% nalang. Chos.

"Yuhoo, besh tama na pag space out?? Nakakita ng anghel? Ayaw na bumalik sa realidad?  Happy Crush mo lang siya sa lagay na yan diba, pero grabe ka na magspace-out. O siya, andyan na ulit si sir. Balik na sa upuan!!!!" Fretzie's words made me stop looking at him.

Shet. magiging kaklase ko ba siya? If yes, then ngayong senior Year ko pa. Kung anong mga mangyayari ngayong taon, di ko pa alam. Pero isa lang sigurado ako. I'm in for a one whole school year of a roller coaster ride. Naeexcite na ko para sa mangyayari sa taong ito.

🖤

Love Like We Used To. ♡ (SUPER SLOW UPDATES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon