11 - The Art of Annoying You.

88 6 1
                                    

Sa buhay estudyante, hindi talaga maiiwasan yung mga araw na tatamarin ka. Yung tipong kahit maraming requirements na need ipasa, mas pipiliin mo nalang magchill muna tapos kapag malapit na yung deadline saka mo nalang iccram lahat.

Parang ngayon; Marami-raming requirements ang kinakailangang maisubmit today. Quizzes, assignments, Project presentations. Bukod pa diyan yung after school affairs namin; CAT Training, Glee Club song selections tapos mga literary works para sa school paper namin. Magsisimula na rin kami magtrain para sa journalism contest namin. Hassle!

Pero ang focus naming lahat ngayon ay yung Physics. First subject pa kasi. Required na kasi kami magpasa ng draft of our project proposal. Yung title and problem sa Baby Thesis namin sa Physics. Hindi naman talaga hassle itong mini thesis sa amin. Parang introduction to college daw kaya binibigyan na kami ng background. Nakakastress lang kasi individual project siya. Hindi tulad noong last year na by group.

"Alam niyo, antanga natin sa part na hindi natin sinuggest kay Ms. Flora na kung pwede by group yung Physics." Realization ni Fretzie habang nakasakay kami sa tricycle.

Sabay-sabay na kasing apat sa pagpasok sa school. Inagahan talaga namin yung pagpasok today dahil bet naming magpasurvey sa mga kaklase namin kung may naisip na ba sila na project proposals sa Physics.

"May mga naisip na ba kayong project proposal mga teh?" Tanong naman sa amin ni Wendy nang makarating kami sa school.

Nagtinginan na muna kami at sumensyas sa isa't-isa na mag-ayos muna ng mga gamit bago kami tumuloy sa chikahan. Inayos na muna namin yung mga gamit na kinuha sa locker kanina pag-akyat nung nakarating kami sa school.

"So pwede na ulit makipagchikahan? As I was saying, ano nga may mga naisip na ba kayong project proposal?" Umpisang tanong ni Wendy sa amin matapos makapag-ayos.

"Mga besh! 'Di talaga kaya ng brain cells ko ang science and math. Wala akong maisip. Huhu." Reklamo sa amin ni Fretzie.

"Naisalba lang ng History at Filipino yung grades ko last year kaya pasok parin ako sa Top 20 Overall!" Dagdag pa niya.

Si Melanie kampanteng sinagot yung tanong ni Wendy sa amin, "Ako may naisip na kaso not sure if magugustuhan ni Ms. Flora yung proposal ko. Something about magnets. So basically about magnetic force siya."

Sumabat na rin ako sa usapan. "Sana all may valedictorian like yung utak para makaisip ng proposal. Kakastress ugh!"

"Wait! Dahil almost all of us are struggling. Bilang class president, I must do something. I'll see what I can do." Sagot sa amin ni Melanie.

Unti-unti ring nagdatingan yung mga kaklase namin at kapag pumapasok sila agad naming tinatanong if they already came up with their drafts para sa naisip nilang project proposal. Iisa lang naman yung sagot nila; tulad namin nahihirapan rin silang mag-isip.

Hindi naman kalaunan ay tumunog na yung bell to signal na magsisimula na yung class. Nagsipag-ayos na kami ng upo.

Maya-maya lang ay dumating na si Sir Yrving para magcheck ng attendance namin at magsabi ng ilang announcements. He was busy checking our attendance when he called the name of my seatmate, Johan. Oo nga, ngayon ko lang napansin na wala pa pala siya. Kaya pala antahimik at walang nang-aasar. Oh well baka absent. Buti naman.

Patapos na yung first period nang may kumatok sa classroom namin. Binuksan naman ni Sir Yrving yung pinto at bumungad si Johan. Basang-basa ng pawis at halatang kararating pa lang. Pumasok siya kaagad at umupo sa tabi ko ng walang sabi-sabi. Mukhang bad mood. Nakakatakot asarin kaya pinabayaan ko na lang. Natapos naman na rin yung announcement period ni Sir Yrving kaya lumabas na siya ng classroom.

Love Like We Used To. ♡ (SUPER SLOW UPDATES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon