Tuloy pa rin yung pagtawa namin ni Johan dahil sa sinabi ni Sir Luis habang nagaayos kami ng gamit palabas ng detention. Halos wala na ngang tao sa school. Malapit na rin kasi pala mag6PM. Eh ang normal school hours dismissal ay nagtatagal hanggang 3-5pm lang.
Sunod naming pinuntahan ni Johan ay yung locker area. May mga gamit pa kasi akong naiwan sa bag at medyo mabigat rin kaya hassle kjng bibitbitin ko pa pauwi.
"Samahan na kita sa locker. Madilim na oh! Baka may multo! Hala ka!" Nananakot na pagpiprisinta ni Johan.
Ano kayang trip nito? Whole day na kami magkasama sa detention pati sa pag-ayos ko ng gamit, gusto ring sumama. Pero okay lang medyo nakakatakot nga sa school pag madilim na yung paligid kaya inabot ko na sa kanya yung bag ko.
"Ano yan?" Nagtatakang tanong ni Johan sa akin.
"Uh bag ko? Kala ko sasamahan mo ko sa locker." Obvious na sagot ko sa kanya.
"Oo nga. Bat mo binibigay bag mo sakin?" Tanong pa ulit niya.
"Wala hayaan mo na. 'Wag mo nalang pansinin." Sagot ko sa kanya para matigil na yung sagutan namin.
Natatawa siyang sumagot sa akin, "Hahahaha akala mo bubuhatin ko no? Asa ka. Oo maganda ka, pero last time I checked kumpleto pa naman kamay mo, kaya super okay pa sa'yo na magbuhat diyan ng gamit mo. Dami dami kasing gamit. Masyadong masipag tsk."
"Oo na dami pang sinasabi, Tara na!" Inis kong sagot sa kanya sabay lakad palayo. Pero konting hakbang palayo lang ginawa ko. Nakakatakot kasi, kami na lang yata yung tao dito hehe.
Matutuwa na sana ako kay Johan kasi nagprisinta siya na samahan ako pero hanggang doon lang pala yun. Ako pinagbuhat niya ng bag ko, kaya ko naman daw kasi kumpleto pa kamay ko.
Nakarating na kami sa locker area. Hindi rin nagtagal ay nakapag-ayos na ako ng gamit sa locker. Na sort ko na yung mga books na iuuwi ko't aaralin tsaka yung mga bagay na iiwan ko sa locker para di ako mabigatan.
Inis pa rin ako sa kanya, kala ko magpapakagentleman siya. Si Lanz noon nung sinabing sasamahan ako, kinuha gamit ko kasi siya na daw magbubuhat. I mean, kaya ko naman magbuhat akala ko lang magpapakagentleman siya. Hopia bwisit.
"Ha i heard that. Sorry miss, but hindi ako si Lanz. I can be better than him tho." Preskong sabi ni Johan sabay kindat.
Pataray ko siyang tinignan bago ako sumagot, "Pinagsasabi mo dyan? Hibang ka na?"
Natatawa naman niya akong sinagot pabalik, "Funny mo talaga no. Hobby mo kausapin sarili mo pero napakalakas ng boses mo? Baka naman nagpaparinig ka? Haha kawawa naman ang baby, akin na nga gamit niyan para hindi na maiyak hahahaha." Sabi niya sabay kuha ng gamit ko.
Pang-asar talaga eh. Kanina akala ko bubuhatin niya tapos pinabayaan ako, ngayong mas magaan na bag ko saka naman siya nagvolunteer na buhatin 'to. Ang gulo. Hindi ko nalang binigay yung gamit ko since kaya ko naman talagang buhatin 'to. Hindi ako nagpapaawa or nagpapabebe sa kanya. Akala ko lang talaga magpapakagentleman siya. Wala namang kaso sa akin if hindi. Nagescalate lang since si Johan nga siya, yung palaging nang-aasar sa akin.
Natahimik na kaming dalawa pagtapos ng locker incident na yon. 'Di rin naman kalaunan ay nakalabas na kami ng school. Andilim na grabe. Nag-aabang na kaming dalawa ni Johan ng tricycle nang may maalala ako.
"Johan, anong araw pala ngayon?" Tanong ko sa kanya.
"Uh, Biyernes. Bangag ka pa ba? Alam ko kanina ka pa nagising ah?" Natatawa niyang sagot sa akin.
Ah okay Friday pala ngayon. Biyernes. Ay wait!
"Shet ka! Bakit hindi mo ko ginising kanina sa detention. Friday pala ngayon. May glee club rehearsal pala dapat kami kanina! Bwiset ka!" Reklamo ko sa kanya. Hala bakit hindi ko naalala, may glee pala dapat kami kanina.
![](https://img.wattpad.com/cover/257275580-288-k904759.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Like We Used To. ♡ (SUPER SLOW UPDATES)
Teen FictionHe was a normal teenage boy. Makulit pero may taglay ring bait. Maginoo pero medyo pilyo. She was every guy's dream; well at least for her peers. Maganda & Humble pa. Talented & Brainy pa. Matalino na Kalog pa. And then there's another guy. He was s...